Chapter 11

44 2 0
                                    

ANG PAGTATAPAT

Papalabas na si Misty sa kweba ng hablutin na naman s'ya at itakbo ni Finn.

"Finn! Bitaw!" nanlaki ang mga mata ni Misty ng makitang pasalpok na sila sa isang malaking bato.

Nang hindi tumigil si Finn sa pagtakbo pasalpok sa bato ay napapikit na lamang si Misty.

"Hahaha! Ang cute mo namang matakot, Misty."

"Bakit ka ba tawa ng tawa? Hindi ba tayo sumalpok sa malaking bato?" tanong n'ya habang nananatiling nakapikit.

"Bakit hindi mo buksan ang mata mo?"

Una n'yang binuksan ang kanang mata at agad n'yang naibuka ang kaliwa ng mapagtanto kung nasaan sila.

"Paanong..."

"Sabi ko sa'yo kaya kong pumunta sa mundo n'yo, 'di ba?"

Napanganga s'ya ng mapagtantong nakatayo na sila sa tuktok ng bubong ng kampanaryo ng isang mataas na simbahan.

"Wow! Paano mo nagawa 'yon, Finn?" Lumanghap s'ya ng hangin. "Namiss ko ang pollution sa mundo namin." nakangiti n'yang sabi.

"Hahaha! Polusyon talaga ang namiss mo? Aksidente ko lamang nadiskobre  'yon ng minsang may kalaban akong tinatakasan ng mabunggo ko ang batong 'yon. Imbis na mabagok o masaktan ay napadpad ako dito sa mundo n'yo."

"Ang galing. Pero bakit mo ako dinala dito? Sabi mo hindi mo sasabihin kung paano ka nakakapasok dito."

"May 1 oras lang tayong pwedeng tumagal dito sa mundo n'yo ng hindi napapansin ng taga-bantay. Ganoon lang din kaikli ang panahon ko upang makausap kita ng masinsinan. Hindi kasi ito abot ng radar ng Kataas-taasang kasamaan at ng tagabantay, hindi nila tayo maririnig dito."

"Wow! Ang cool ng naisip mong paraan eh no? Tinakot mo pa ako!" sinamaan n'ya ito ng tingin. "Tungkol ba saan ang pag-uusap natin?"

"Nakita kitang kasama s'ya."

"Ha? Sino'ng s'ya?" takang tanong n'ya.

"Si Zackary Estillore."

"Ki... kilala mo s'ya?"

"Oo." Tanging sagot nito.

"Paano mo s'ya nakilala?"

Kibit-balikat lang ang sagot nito. "Binabalaan lang kitang makipaglapit sa kanya, Misty. Masama s'yang nilalang. Wala s'yang mabuting tangka."

Kunot-noo n'ya itong tinitigan. "Sino ka para magbawal sa akin? At saka niligtas n'ya ako ng isang beses. Sa pangalawang pagkakataon naming pagkikita ay wala s'yang ginawang masama sa akin."

"Ang ahas ay marunong ding magbalat-kayo, Misty. Hinawakan mo ang kamay ko, 'di ba? Nakita mong masamang tao ako. Alam kong hindi mo nakita si Alfonso sa nakaraan ko. Kaya hindi ako ang traidor na hinahanap mo, Misty. Mapagkakatiwalaan mo ako."

Mas napanganga si Misty sa tinuran ni Finn.

"A...alam mo rin ang tungkol sa kapangyarihan ko?"

"Hindi. Hindi kung hindi ko alam na anak ka ni Brandon Rios."

"Kilala mo ang daddy ko? Nasaan s'ya ngayon? Buhay pa ba s'ya?"

"Aba s'yempre, Misty. Pero wala ako sa lugar upang panghimasukan ang bagay na 'yan."

Napabuntong-hininga si Misty. "Akala ko pa naman makikita ko na rin ang daddy ko."

"Huwag kang mag-alala, makikilala mo rin s'ya sa tamang panahon."

"Alam mo ikaw? Kagaya ka rin ni Zackary, tamang panahon kayo ng tamang panahon eh. Bakit hindi nalang tayo magsama-sama at talunin ang Kataas-taasang Kasamaan na sinasabi ninyo?"

"Hindi maaari, Misty. Hindi pwede hangga't hindi ka umiibig sa isa sa amin."

Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Zackary.

"Tss! Panira ka ng diskarte, Suck! Kailangan bang ganoon palagi ang paraan mo?"

"Teka! Teka! Ano ba ang sinasabi mo, Zackary? Bakit ako iibig sa isa sa inyo? Para saan?"

"Masyado talagang matabil ang dila mo, Zackary. Hindi ka ba makapagpigil ha?" singhal ni Finn dito.

"At ano 'yong ginawa mo kanina, Finn? Hindi ba pagtatraidor din 'yon? Sinusulsulan mo si Misty. Pinagmumukha mo akong masama sa paningin n'ya!" ganting singhal din ni Suck.

"Sandali!" Pumagitna si Misty sa dalawang lalaking nagbabalak nang labanan ang isa't isa. "Alam n'yo? Nakakahaba ng hair ang pag-awayan n'yo akong dalawa. Pero please naman 'wag kayong mag-away sa harap ko. Naguguluhan ako lalo."

Nagtagisan ng tingin ang dalawa. Halatang walang nagpapatalo kahit isa.

"Akin si Misty!" Hinila s'ya ni Finn.

"Hindi! Akin s'ya!" Hinila din s'ya ni Suck palapit sa kanya.

"Sandali! Sabing sandali lang!" Iwinaksi ni Misty ang kamay ng dalawa para mabitawan s'ya ng mga ito. "Ano ba ang premyo kapag napasakamay ako ng isa man sa inyo?"

"Ang kalayaan ng Alcatraz!" Sabay na sagot ng mga ito.

"Huh? Paanong magiging malaya ang Alcatraz dahil sa pagsagot ko sa isa man sa inyo?" Naguguluhang tanong ni Misty.

"Bawal ang anumang uri ng pag-ibig sa Alcatraz. Ito man ay mapapag-ibig na pangmagulang, pangkaibigan o wagas na pag-ibig." sabi ni Finn.

"Matagal na panahon na naming sinusubukang matalo ang Kataas-taasang Kasamaan ngunit bigo kami. Lalo na si Finn na s'yang pain namin sa loob ng Alcatraz." dagdag ni Suck.

"So talagang magkakilala kayo? Pinagkakaisahan n'yo ba ako?" Tumikwas ang kilay ni Misty.

"Kasapi din kami ng Maskarados, Misty. Ngunit si Suck ay nanatili sa labas ng Alcatraz kasama ng iba pa. Ang iba ay namumuhay sa mundo ng mga tao at ang iba ay nasa mundo ng dilim. Paisa-isa kaming nakapasok sa Alcatraz ngunit bigo kaming malaman kung sino ang tunay na kalaban. Bigo kaming matalo kahit na ang tagabantay lamang. Kaya kaming mga nasa ika-labing dalawang henerasyon ng Maskarados ay naghahanap ng panibagong paraan upang matalo ang Kataas-taasang kasamaan. At ang bago naming naisip ay wasakin ang Alcatraz sa pamamagitan ng pag-ibig na s'yang kabaliktaran ng mismong pinagbabawal na utos."

"Wow! Hanep ang naisip n'yo ah. Tapos idadamay n'yo pa ako. 'Wag ako! Spare me."

"Pero, Misty. Hindi ba pwedeng subukan natin? Baka sakaling gumana." Pangungulit ni Finn.

"Oo nga, Misty."

"Ang mainlove nga sa tunay na tao at sa natural na paraan 'di ko kaya, iyon pa kayang ipinipilit n'yo lang sa akin? 'Wag ako!"

"Pero..."

"Ibang paraan nalang. Hindi ko talaga kaya. Hindi pag-ibig ang priority ko."

"Pero paano kung ito na pala ang sagot?"

"Kung iyan ang sagot, mamamatay na ang lahat ng nilalang at magsasarado na ang Alcatraz, hindi n'yo pa rin ako napapa oo. Huwag na kasing ipilit. Hindi ko talaga kaya. Hindi para sa akin ang pag-ibig." Napapalatak na si Misty.

Hindi sumagot ang dalawa bagkus ay biglang naglaho sa kawalan.

"Uy! Nasaan kayo? Huwag n'yo akong iwan please. Uy! Paano ako bababa dito?"

Biglang natakot si Misty ng mapatingin sa ilalim. Walang daan pababa at lalong hindi n'ya kayang tumalon.

"Oo na! Papayag na akong ligawan ninyo!" Sigaw n'ya sa kawalan.

Bigla namang lumitaw ang mga nakangiting lalaki. Kapwa nakalahad ang mga kamay nito.

MisteryosaWhere stories live. Discover now