Chapter 14 (Part 2)

26 1 0
                                    

"Wow! Ang ganda naman dito." bulalas ni Finn ng makapasok na silang tatlo sa Alcatraz.

Nilibot din ni Misty at Suck ang mata sa paligid.

"Hindi ito ang itsura ng Alcatraz noong pinasok ko ito." sambit ni Misty.

"Ganoon din ako, Misty. Hmmm..." nilanghap ni Suck ang hangin. "Hindi amoy-karahasan. Purong malinis ang hangin. Ang sarap amuyin. Nakakagaan ng damdamin."

Nakarinig sila ng tugtugan sa isang bahagi ng kagubatan. Kaagad silang tumakbo sa dakong iyon at nagkubli sa malalaking punong kahoy.

Nagsasayawan ang mga puting diwata kasama ang ilang naggagandahang mga tao mula sa lupa. Naghahalakhakan ang mga kalalakihang nag-iinuman. Mga tao, tikbalang, maiitim na nilalang na may sungay at iba pang alagad ng dilim. Sama-sama, kumpol-kumpol at may pagkakaisa. Masaya ang lahat sa tugtuging galing sa harmonica ng iilang matatandang tao, harpa ng tatlong diwata at mga kawayang tambol na tinutugtog ng mga itim na duwende.

"Ito pala ang totoong itsura ng Alcatraz noon. Ang ganda pala nito. Pati ang mga naninirahan dito, ang sasaya." kaagad na nabighani si Misty sa unang Alcatraz.

"Hindi ba ito kagaya noon? Ang ganda naman dito. Ang saya sigurong manirahan sa lugar na ito."

"Alalahanin n'yo ang mga misyon natin. Isuot n'yo nga ang mga kwentas n'yo." naiiling na sabi ni Suck.

"Oo nga pala." agad na kinuha ni Misty sa bulsa ang berdeng kwentas n'ya at isinuot ito.

Ganoon na rin ang ginawa ni Finn.

"Bakit hindi muna natin dalhin dito ang mga natitirang tao sa mundo at ng mailigtas natin sila bago natin harapin ang kasamaan?" tanong ni Finn.

"Hindi maaaring makapasok ang mga taong walang kapangyarihan sa lugar na ito dahil hindi sila papapasukin ng Alcatraz dito. Hindi makikita ng mga normal ang lugar na ito kahit ano pang hanap nila." sagot ni Suck sa kanya.

"Ganoon pala 'yon? Sayang naman. Ang sama talaga ng kataas-taasan na 'yon no? Isipin n'yo, ni hindi nakikita ng mga normal ang lugar na ito, ni wala silang pakinabang dito pero nadadamay sila sa gulo. Kailangan talagang masugpo na ang kasamaan ni Alfonso." bumunot ng espada si Finn at akmang susugod sa mga nagkakasiyahan.

"Hep!" piningot ni Misty si Finn. "Ano ba ang sabi ni Agatha? Hindi ba bawal nating gawin 'yan? Sige ka, mauuna ka pang mamatay kay Alfonso."

"Aray naman, Misty! Hindi ba pwedeng nadala lang ng bugso ng damdamin?" reklamo pa ni Finn.

"D'yan ka mapapahamak, Finn. Kung gusto mong maunang mamatay sige lang, padala ka lang sa damdamin mong 'yan."

Napakamot naman si Finn sa ulo. "Kainis naman oh!"

"Sino'ng nand'yan?" tanong na nagpatigil sa tatlo.

Nawili sila sa paghuhuntahan kaya nakalimutan nilang nagkukubli nga pala sila at nagmamasid sa isang masayang pagtitipon ng mga nilalang ng Alcatraz.

"Tawagin ang hukom!" sigaw ng isa habang ang iba ay nakaamba ang mga sandata sa tatlo.

"Sa-sandali po! Hindi po kami kalaban." itinago sila ni Suck sa likuran nito.

"Sino kayo? Paano kayong nakapasok dito?" tanong ng isa sa mga diwata.

"Sa pinto po! Tama! Sa pinto po kami dumaan." sabad ni Finn.

"Walang pinto ang Alcatraz, iho. Bawal ang sinungaling dito." naiiling na sabi ng isa sa mga matatandang naghaharmonica.

"Sa silid ng mga pinto po. Doon sa kwartong may pintong nakalagay na Alcatraz." paliwanag naman ni Misty.

"Walang ganoong kwarto, hija. Ang lugar na ito ay isang lugar sa gitna ng mundo ng mga tao, mundo ng dilim at mga elemental. Isa itong bayan sa silangang bahagi ng mundo ng mga tao at kabahagi ng kanlurang rehiyon ng mundo ng dilim at hilagang bahagi ng alapaap sa mundo ng mga elemental. Mga tampalasan! May nakapasok na mga traidor!"

Palusob na ang mga nilalang ng humuni ang trumpeta tanda ng pagdating ng kataas-taasang hukom.

"Nasaan ang mga tampalasan?"

Bumaba mula sa isang karwaheng bitbit ng mga kawal ang kataas-taasang hukom.

"Lumuhod kayo sa harap ng kataas-taasang hukom!"

Ngunit nananatiling nakatayo ang tatlo. Prenteng nakatayo lamang sa harap ng kataas-taasang hukom.

Nagulat ang mga nilalang ng ang kataas-taasang hukom na mismo ang lumuhod sa harap ng tatlo.

"Mga anak ng mga bathala. Pagpupugay sa inyo."

Nagsisunod naman ang mga nilalang na naguguluhan din sa tinuran ng hukom.

Maski ang tatlo ay hindi makapaniwala sa nakikita.

Nakipag-usap si Suck kah Misty gamit ang utak. "Tama ba ang narinig ko, Misty? Mga anak daw tayo ng mga bathala."

"Dinig ko nga, Suck. Ano? Sasakyan nalang ba natin?" nagtanguan sina Misty at Suck.

"Hahaha! Tama! Tama! Mga anak nga kami ng bathala! Kaya dapat n'yo kaming igalang! At ang mga nang-api sa amin kanina ay dapat paru..."

Tinakpan ni Misty ang bibig ni Finn.

"Hehehe! Nagbibiro lamang po s'ya. Pasensya na po at walang pasabi ang aming pagdating. Maaari ba kaming manirahan dito kasama ninyo?"

"Pero...bakit? Kayo ay mga anak ng mga bathala. Nararapat kayo sa alapaap at hindi rito sa kalupaan." pagtutol ng hukom.

"Kami'y nagkasala sa aming mga ama, hukom. Kaya kinuha ang aming mga kapangyarihan at ipinadala kami dito sa kalupaan. Itatakwil din ba kami ng Alcatraz kagaya ng ginawa ng aming mga ama?" pagsisinungaling ni Suck.

Naglungkot-lungkutan sina Suck at Misty samantalang wala namang kaide-ideya sa nagaganap ang nakakunot-noong si Finn.

"Kawawa naman pala sila, Hukom."

"Oo nga." sagot ng nakararami.

"Sige! Sige! Kung ganoon ay tinatanggap namin kayo sa Alcatraz."

Napangiti ang tatlo. Tagumpay ang pagpasok nila sa Alcatraz. Ngunit napalis ang ngiti ni Misty ng maalala si Alfonso.

"Hukom at mga nilalang ng Alcatraz. Maaari ba kaming humiling, kung hindi naman kalabisan sa inyo?"

"Ano 'yon...?

"Misty po ang pangalan ko. Sila naman po sina Suck at Finn." pakilala n'ya sa hukom.

"Ano 'yon, Misty?" tanong ulit ng hukom.

"Maaari bang ilihim na lamang ninyo sa iba ang aming tunay na pagkatao? Ituring n'yo kaming hindi kaiba sa inyo. Ituring n'yo kaming kapantay at hindi bilang mga anak ng bathala."

Saglit na nag-isip ang hukom.

"Sige, Misty. Masusunod ang inyong kahilingan. Ikaw, Misty ay umanib sa mga tao, ikaw naman, Finn, ay sumama sa mga diwata at ikaw Suck ay sumama sa mga duwende."

"Ayos lang ba iyon, mga nilalang ng Alcatraz?"

"Maligayang pag-anib, Misty, Finn at Suck."

MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon