Chapter 28

36 0 0
                                    

ALAALA NG UNA AT HULING PAG-IBIG

"Meaning I was a "reincarnated" Agatha? Ganoon ba 'yon, Zackary?" Hindi n'ya mapigilang tanong matapos makita ang nakaraan ng binata.

"Zachary! Misty!" Kita nila ang pamumukpok ni Finn sa malapader na harang na ginawa ni Zack upang makapag-usap sila ng maayos ni Misty.

Imbis na tanggalin ang harang ay ipinagwalang bahala nila ito at nagpatuloy sa pag-uusap.

"Kung iyon ang tawag n'yan sa mundo ninyo, aking princesa." nakangiti nitong hinaplos ang kanyang mukha. "Kung sa itsura ay nagkawangis na magkawangis kayo, pati ang iyong kapangyarihan ay kagaya din ng sa kanya. Masasabi kong ikaw ay talagang ang mahal kong si Agatha, nabuhay kang muli upang tapusin ang ating sinumpaan na tatalunin ang kataas-taasang kasamaan."

"Sandali, Suck. Hindi ba ikaw din ang Zackary na natalo ng kataas-taasan noon? Kung ikaw ay nakaligtas mula sa pagkakapatay ng kataas-taasang kasamaan noong una, tapos nakalabas ka ng Alcatraz, hindi ba dapat talagang naabo ka din?"

Ngumisi si Zackary. "Kaya hindi ko binalak pumasok ulit sa Alcatraz mula pa noon, aking princesa. Alam kong paulit-ulit lamang n'ya akong papatayin sapagkat may isa akong mahalagang bagay na nadiskubre mula sa Alcatraz...iyon ay kayang maglabas-masok ng mga muling nabuhay na mga nilalang na namuhay noon sa Alcatraz."

"Ha? Ano'ng ibig mong sabihin, Suck? Naguguluhan ako."

"Ikaw, ako, pati na ang kataas-taasan. Tayong tatlo ay iilan lamang sa mga nilalang na napatay sa loob ng Alcatraz na muling nabuhay. Tayo ay maaaring magpabalik-balik sa loob at labas ng Alcatraz ng hindi nagiging abo. Noong lumabas ka ng Alcatraz kasama si Finn, kaagad kayong ipinahuli sa tagabantay sapagkat siguradong madidiskubre mo ang sekretong 'yon. Lahat ng nilalang mula sa loob ng Alcatraz ay may nakalaang isang oras at limang minuto lamang upang tumagal sa labas at ang hindi makakapasok ay magiging abo na lamang kahit walang dahilan. Pero hindi tayo, Misty. Hindi tayo magiging abo kahit na tumagal pa tayo sa labas ng Alcatraz, sapagkat tayo ay nakatatak na sa libro ng Alcatraz bilang mga nasawi."

"Amazing! Pero paano ka nakakasigurado, Suck?"

"Misty, ako ay nabubuhay na ng mahigit na sa isang siglo. Palihim akong naglalabas-masok sa Alcatraz upang bantayan kung ikaw ba ay nabuhay nang muli upang tuparin ang iyong pangako."

"Isang siglo na? Hindi ka nga tao." hindi makapaniwalang bulalas ni Misty.

"Ako'y nananatiling buhay upang hintayin kang bumalik at makasama muli, mahal ko."

Akmang yayakapin s'ya nito ng itukod n'ya ang mga palad sa dibdib nito.

"Sandali, Suck! Sandali lang! Oo, kamukha nga ako ni Agatha pero hindi ako s'ya, magkaibang tao kami. S'ya ay nabuhay sa nakaraan at ako ay sa kasalukuyan. Oo, parehas din kami ng kapangyarihan pero may problema tayo."

"Ano 'yon, Misty?" takang tanong nito.

"Paano natin lalabanan ang kasamaan gamit ang naisip n'yong paraan kung hindi kita mahal? Wala talaga akong nararamdaman para sa'yo." naiiling na sabi ni Misty.

"Wala ba talaga, Misty? Hindi mo ba ramdam ang noo'y naramdaman ni Agatha para sa akin?" malungkot na tanong ni Suck sa kanya.

Tiningnan n'ya si Suck mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.

"Gwapo ka, mukha namang mabait at harmless pwera nalang kapag nakikita ko ang mga pangil mo at nanlilisik na mga mata kapag nagiging bampira ka, 'tsaka minsan bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita pero baka dahil sa takot lang 'yon kasi minsan din kitang pinag-isipan ng masama. Pero love? I don't know. Hindi ko pa nararamdaman 'yang spark na sinasabi nila, 'yong nagsoslow motion ang lahat kapag nakikita mo s'ya."

MisteryosaWhere stories live. Discover now