Chapter 5

64 1 0
                                    

THE DORMITORY

"Isang paalala! Ilang minuto nalang at magsasarado na ang kastillo. Ang lahat ay inaatasan ng magsilabasan mula sa kani-kanilang silid aralan."

"Inuulit ko. Isang paalala! Ilang minuto nalang at magsasarado na ang kastillo. Ang lahat ay inaatasan ng magsilabasan mula sa kani-kanilang silid aralan." pahayag ng boses na nagmumula sa isang hugis-tengang speaker.

"Astig ah! Pati pala sa kakaibang mundong ito uso rin ang intercom. Kakaiba nga lang ang itsura pero pwede na rin." manghang usal ni Misty sa sarili.

"Astig ba, Misty? Wala ba sa mundo n'yo n'yan?"

Napatikwas ang kilay ni Misty. Heto na naman si Finn at kinukulit s'ya.

Naiiling na nilampasan n'ya ang binata pero hinarang din s'ya nito.

"Maaari ba kitang ihatid sa dormitoryo, Misty?" inilahad na naman nito ang kamay.

Huminga s'ya ng malalim. Gusto n'yang tutulan ang paanyaya ni Finn ngunit naalala n'yang hindi n'ya pala alam kung nasaan ang dormitoryo.

Tinanguan n'ya ito at umatras. "Mauna ka, susunod ako."

"Tsk! Ang sungit mo naman, Miss. Lagi ako sa mundo n'yo pero walang babaeng umiisnob sa akin ng ganyan."  sabi nito sabay ngiti ng malapad bago tumalikod at naglakad palabas ng kastilyo.

"Ha? Akala ko ba, ang Winter High Academy lang ang daan papasok sa mundong ito mula sa mundo ng mga tao? Ayon kay Cris hindi basta-bastang nakakalabas sa mundong ito. Paano mo nagagawa 'yon?" hindi n'ya mapigilang maitanong habang nakasunod dito.

"Misty, Misty, Misty. Lahat ng nasa mundong ito ay masasama. Lahat ng gusto namin nakukuha namin kahit na kailanganin pang idaan sa dahas. Ngunit ang tagabantay ay sadyang malakas. Mahirap s'yang matalo, ngunit kapag nagawa mo, siguradong labas-pasok ka sa Alcatraz."

"Ang ibig sabihin natalo mo ang tagabantay?" manghang tanong n'ya.

Tingin n'ya nga kay Cris ay hindi lang ito basta aso. Malakas nga ito kung ito ang tagapagbantay ng Alcatraz.

"Hahaha! Hindi. Kaya humanap ako ng ibang daan. Pero palagi akong nahuhuli ng tagabantay kaya sa Winter High talaga ang daan ko pauwi."

Napailing s'ya sa kalokohan nito. "Tsk! Siguradong marami kang ginawang kalokohan makatakas lang dito."

"Ako? Mabait pa ako sa lagay na ito, Misty. Hindi naman sa pagyayabang pero ako ang isa sa pinaka hindi nakakatakot na nilalang dito sa Alcatraz. Alam mo ba ang ginagawa ko para makatakas?"

Ang saya nga naman kung makakapaglabas-pasok s'ya sa Alcatraz. Siguradong hindi na n'ya kakailanganin pang manatili sa nakakatakot na dormitoryong pinatutunguhan nila ngayon.

"Paano?" tanong n'ya.

"Hahaha! Sekreto! Hindi ko sasabihin." bumilat pa ito matapos s'yang lingunin.

"Animal ka talaga, Finn! Hinding-hindi na ako makikipag-usap sa'yo kahit na kailan! Ituro mo na sa akin ang dormitoryo at lumayas ka na sa harap ko kung ayaw mong mamatay ng walang galos!" sigaw n'ya dito.

Tawa lang ang isinagot nito sa kanya bago ito nawala sa paningin n'ya.

"Finn?" luminga-linga s'ya pero wala, hindi n'ya ito makita. "Iniwan pa ako ng animal! Bwisit ka talaga, Finn!"

"Psst!"

"Huh?" nagpalinga-linga s'ya habang hinahanap ang paninitsit.

"Psst!" naulit pa ito.

"Sino ka? Magpakita ka!" utos n'ya sabay porma na naman ng pasuntok.

"Hahaha! Nakakatawa 'yang reaksyon mo, Misty. Para kang ewan. Tumingin ka sa itaas ng puno." boses ni Finn.

Tumingala s'ya at nakita n'yang nakaupo ito sa isang malaking sanga ng puno.

"Oh? Ano na namang trip 'yan? Hindi ba ihahatid mo ako sa dormitoryo?"

"Oo nga, Misty. Inihatid na kita sa Dormitoryo." sagot nito.

"Ha? Linawin mo nga? Nasaan ang dormitoryo dito? Ni wala pa nga akong nakikitang gusali o kahit na isang bahay." kunot-noong sabi n'ya.

"Ang Alcatraz ay nahahati sa dalawa. Ang Kastilyong Aralan at ang Dormitoryo. Ang buong kapaligiran ng Alcatraz maliban sa kastilyo ay ang dormitoryo. Sa taas ng puno, sa damuhan, sa batis, sa likod ng mga ulap, sa ilalim ng lupa. Lahat ng iyan tirahan ng mga nasa Alcatraz. Pumili ka lang kung saan ka matutulog, Misty. Mamili ka lang ng tirahan. Ang punong ito?" turo nito sa punong nasa gilid nila. "Dito ako nakatira. Pansamantala dumito ka muna kung gusto mo."

Napanganga si Misty sa narinig mula kay Finn. Ang weird talaga ng lugar. Ano pa nga ba ang maeexpect n'ya?

"Aba ang bait naman. Salamat ah!"

"Hep! Ngayong gabi lang, Misty. Bukas maghanap ka ng sarili mong pwesto." paalala nito.

"Oh bakit bukas pa? Bakit hindi pa ngayon? Doon nalang ako sa kabilang puno." turo n'ya sa punong kalapit ng punong tirahan daw ni Finn.

"Tsk! Nakikinig ka ba talaga, Misteryosa? Ang lahat ng bahagi ng Dormitoryo ay may nakatira."

"Oo nga. Eh kung ayaw mo akong tumira sa puno mo, eh 'di maghahanap ako ng ibang puno."

"Hay! Kapag baguhan talaga eh no? Kung gusto mong makuha 'yan at tumira sa punong 'yan, talunin mo ang nakatira d'yan. Ibig sabihin, papatayin mo ang nakatira d'yan para maagaw mo ang punong 'yan."

"Ha? Totoo ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Misty.

"Lahat ay masasama sa lugar na ito, Misty. Uso din ang kasinungalingan. Pero hindi ako magsisinungaling kahit ngayon lang para sa kagaya mong baguhan. Itong puno ko? Pumatay ako ng sorcerer para lang makuha ito. May natitira pa s'yang gamit sa itaas. At nasa baul pa n'ya ang ulo n'yang pinutol ko bilang patunay."

Napalunok si Misty sa narinig.

"Gusto mo bang makuha ang puno ko, Misty? Kung gusto mo, kailangang mapatay mo muna ako. Sa totoo lang, ayaw kitang tulungan. Ang sarap siguro ng dugo at laman mo. Kung hindi lang talaga ako inatasan ng tagabantay na ipakilala sa'yo ang mundong ito, kanina pa talaga kita pinatay. Ang dali lang para sa akin."

"Shit!" Hinugot ni Misty ang nakatagong kutsilyo sa likod n'ya. Ito lang din ang katangi-tanging sandatang ibinigay ni Cris para pangself-defense n'ya.

"Easy, Misteryosa. Hindi ako ang kalaban mo ngayon. Mapoprotektahan kita ngayong gabi, pero bukas pagsikat ng araw? Ikaw na ang may hawak sa buhay mo? Sa kastilyo, malaya ka. Walang patayan doon kapag hindi ipinag-uutos. Pero dito sa dormitoryo? Kada minuto at oras may namamatay." Nakangising saad ni Finn.

Nakaramdam ng kaba lalo si Misty sa narinig. Ngayon lang s'ya natakot ng ganito.

"Kumain muna tayo. May ipinahanda ang tagabantay para sa'yo. Tara sa itaas." Yaya nito.

Wala s'yang nagawa kundi ang sumunod na lamang kahit ayaw pa ng mga paa n'yang humakbang paakyat sa puno.

Tinitigan ni Misty ang nakahaing pagkain sa mismong malaking sanga ng punong "bahay" ni Finn.

Lahat ng paborito n'ya nakahain. Lahat masasarap. Pero parang binabaliktad ang sikmura n'ya.

"Bakit hindi ka pa kumain, Misty? Para sa'yo lahat 'yan. Walang lason 'yan. Sinisigurado ko sa'yo."

"Sino ba ang makakakain, Finn? Iniisip ko palang na parang huling hapunan ko na ito, nawawalan na ako ng gana."

"Busugin mo ang sarili mo, Misteryosa. Bukas? Sarili mo na ring diskarte kung paano ka kakain. Papatay ka din para makakain. Kapag hindi mo ginawa? Gutom ang magiging sanhi ng kamatayan mo. Kumain ka na, Misty. Lumalamig ang pagkain."

Nanindig ang balahibo ni Misty sa narinig. Mas lalo n'yang pinagsisihan ang desisyong pasukin ang Alcatraz.

MisteryosaWhere stories live. Discover now