PART 2 (PROLOGUE)

35 2 0
                                    

"Hanapin n'yo s'ya! Hindi pa nakakalayo ang babaeng 'yon!" sigawan ang mga nakaitim na lalaking humahabol kay Misty.

"Ang tanong, kapag nakita n'yo ba ako may magagawa kayo?" nakangisi n'yang sabi habang nakapamulsa at nakasandal sa madililm na bahagi sa may poste ng ilaw.

"Kailangang mapatay natin s'ya ngayong gabi. Hindi maaaring makarating sa korte ang babaeng 'yon bukas. Delikado si boss." nagpapanic na sigaw ng lalaking nakasombrero sa mga kasama nito.

"Ah! Tauhan pala ni Valderama. Ang mga ulol naniwalang witness ako sa pagpatay n'ya sa business partner nito. Eh hindi naman talaga. Nagkataon lang na kaibigan ni uncle ang pamilya n'ya kaya ako tumulong. Ginamit ko lang naman ang mga kamay ko para malaman ang mga pangyayari bago ito napatay. Tapos isusunod pa ako? Tingnan lang natin kung kakayanin nila."

Nagstretching pa si Misty bago lumabas sa pinagtataguan n'ya. Nagtago nga ba s'ya? Parang hindi naman.

"Ako ba ang hinahanap ninyo?" sigaw n'ya.

"Nandito s'ya!"

Nakatayo lamang si Misty sa maliwanag na bahagi ng streetlight. Nakahalukipkip s'ya habang hinihintay makompleto sa palibot n'ya ang mga "papatay daw" sa kanya.

"Uy! Matapang ka, Miss. Bakit hindi ka pa nagtago ng maayos habang may pagkakataon ka? Gusto mo na palang mamatay pinahirapan mo pa kami."

Nagsitawanan ang mga goons na humahabol sa kanya.

"Bakit naman ako magtatago? Hindi naman ako kasing duwag ninyo. Kailangan marami kayo? Aba babae lang ang papatayin n'yo, isang batalyon talaga kayo?" pang-iinis n'ya sa mga ito.

"Duwag daw tayo, mga pre? Hoy, ne! Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Kung ayaw mong mahirapan pa kami, ito ang baril. Ikaw na mismo ang pumatay sa sarili mo."

Nagsitawanan ang mga hunghang. Iniabot nga ng lalaki ang baril nito sa kanya.

"Hay! Bobo! Kung mamamatay tao lang akong kagaya n'yo pinutok ko na ito sa mga ulo n'yo!"

Walang anu-anong sinira ni Misty ang baril na hawak gamit ang nagliliwanag n'yang kamay. Pira-pirasong nagsibagsakan sa daan ang mga parte ng baril na sinira n'ya.

"Bobo pala ah? Sugurin s'ya!"

"Berdeng liwanag, berdeng liwanag, balutin ako ng iyong liwanag. Lumabas ka mula sa kaibuturan ng aking katapangan, lipulin ang kasamaan!"

Umilaw ang mga palad ni Misty. Ikinuyom n'ya ito at paisa-isang sinusuntok ang mga goons na kalaban.

"Kung hindi lang ako bored, tinakasan ko na kayo. Since humahanap ng konkretong ibedensya ang korte, pwes! Dadalhin ko kayo lahat doon bukas!"

Kada suntok ni Misty, isa rin ang natutumba.

Ang lider ng mga goons ay nakamasid lamang sa mga nangyayari. "Grabe ang lakas n'ya! Hindi s'ya ordinaryong tao. Nagliliwanag pa ang kamay n'ya. May sa demonyo ang dalagitang iyon! Kailangan na talagang n'yang mamatay bago n'ya kami maubos lahat!"

Itinutok nito ang baril kay Misty. Hindi naman ito pansin ni Misty sapagkat busy ito sa pag-ilag sa mga suntok at sipa ng mga natitirang mga goons na kalaban n'ya.

"See you in hell!" nakangising pinitik ng lider ng mga goons ang gatilyo ng baril nito matapos asintahin ang ulo ni Misty.

Umalingawngaw ang putok ng baril nito sa kadiliman ng gabi.

"Ha? Paanong..."

Walang Misty na bumagsak sa lupa. Ngunit isang nakaitim na lalaki ang tinamaan ng bala sa may dibdib.

Napatigil si Misty pati na rin ang mga goons na kalaban n'ya.

Inaninag ni Misty ang itsura ng lalaking nagligtas at sumalo ng balang para sana sa kanya ngunit sadyang hindi n'ya ito makilala sapagkat naitatago ito ng sombrero at kwelyo ng itim nitong jacket.

"Hi...hindi ka tao! Halimaw! Demonyo ka!" sigaw ng lalaking may hawak ng baril.

Paanong hindi s'ya magsisisigaw eh parang duming ipinagpag lang ng nakaitim na lalaki ang damit nito saka nahulog ang bala sa lupa. Ni walang dugong umagos mula sa katawan ng lalaki. Wala rin itong kahit maliit na sugat manlang.

"Hindi sinasaktan ang mga babae." sabi ng lalaking nakaitim na lalaki bago inisa-isang patumbahin ang lahat ng natitirang kalaban ni Misty.

Nakanganga lamang si Misty ng parang hanging kumilos ang lalaki. Nagsibagsakan na walang malay ang lahat ng kalaban n'yang dinaanan nito.

"Sino ka? Bakit mo ako iniligtas?" hindi mapigilang tanong ni Misty sa lalaking prenteng nakatayo ng patalikod sa kanya matapos pabagsakin ang lahat ng kalaban niya.

"Hindi ko alam, basta naisip ko lang na iligtas ka. Aalis na ako. Mag-iingat ka sa susunod." sagot nito sa kanya.

Pinanood lang ito ni Misty habang naglalakad hanggang sa mawala sa kalagitnaan ng gabi.

"Salamat kung sino ka man!" pahabol n'yang sigaw rito.

"Aray!" daing na nagpabalik kay Misty sa unang pakay. Naningkit ang mga matang tinitigan ang lahat ng nakatumbang kalaban n'ya.

"Mga animal kayo! Papatayin n'yo talaga ako ha? Pwes! Lahat kayo ipapasok ko sa kulungan kasama ang amo n'yong mamamatay tao rin!"

Naghanap s'ya ng lubid at itinali ang lahat ng nakalaban n'ya saka tinawagan ang uncle n'ya na magdala ng truck at sunduin s'ya.

Samantala, nakatanaw lamang mula sa malayo ang lalaking nagligtas kay Misty.

"Sino ka? Bakit pakiramdam ko dapat kitang bantayan palagi at iligtas? Parte ka ba ng nakaraang nakalimutan ko?"

MisteryosaWhere stories live. Discover now