Chapter 6 (Part 2)

26 2 0
                                    

KABUTIHAN ANG LULUSAW SA KASAMAAN

"Anino! Itim na usok! Magpakita ka! Sagutin mo ang mga katanungan ko!"

Umalingawngaw lang sa kadiliman ang boses n'ya.

"Wala ka pala eh! Talaga sigurong traidor ka! Hindi mapagkakatiwalaan! Walang isang salita! Pwe!" galit na aniya.

"Aba! Aba! Aba! Ano'ng karapatan mong pagbintangan ako ng ganyan?"

Lumakas ang hangin at lumitaw ang itim na usok.

"Bakit hindi ka kaagad nagpapakita? Natatakot ka ba sa kung ano ang itatanong ko sa'yo?"

"Wala akong kinakatakutan, bampira. Hindi ba't may kasunduan tayo? Magpapakita lang ako kapag natapos mo na ang misyon mo. Pero bigo ka pang patayin si Misteryosa. Kaya wala akong dahilan upang makipagkita sa'yo."

Paikot-ikot ang malamig na simoy ng kamatayan kay Suck.

"Bakit mo ipinapapatay ang inosente? Bakit hindi nalang iba ang hilingin mo? Bakit hindi nalang masamang tao ang ipapatay mo sa akin?"

"Inosente? Mukha lang s'yang inosente, Zackary. Pero hindi! S'ya ang sumira ng Alcatraz. S'ya ang dahilan ng kamatayan ng lahat ng nilalang na nabuhay doon. Kaya nararapat lang sa kanyang mamatay din!"

Mas lumakas pa ang hangin. Bumuo ito ng malaking ipo-ipo na bumunot sa mga naroong puno at halaman.

"Bakit may pakiramdam akong hindi ka nagsasabi ng totoo?" umatras si Suck at inilabas ang pangil nito.

"Ako? Hindi, aking kaibigan. Ako'y tapat sa aking mga salita." sumasayaw-sayaw pa ito sa kanyang harapan.

"Talaga? Sige! Papaniwalaan ko 'yan. Pero mas susundin ko ang puso ko, pinuputol ko na ang ugnayan natin. Huwag mo ng asahang susunod pa ako sa kasunduan. Kalimutan mo nalang na nagkakilala at nagkaharap tayo."

"Bakit! Bakit? Ayaw mo bang maibalik ang alaala mo?" binubunggo-bungo s'ya ng anino. Sinasalag naman ng braso n'ya ang maliit na pwersang dulot nito.

"Gusto. Pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ako nananakit ng babae. Hindi ako nananakit ng inosente. Hindi ako kasing-sama mo! Papatay lang ako kung para sa ikakabuti ng marami ang idudulot nito. Hindi ako mananakit ng kapwa dahil lang sinabi mo."

Tinalikuran n'ya ito.

"Aray! Pagbabayaran mo ito, Zackary! Pagsisisihan mo ito!"

Napalingon s'ya ng marinig ang daing nito.

"Ano'ng nangyari? Bakit s'ya nasaktan? Ni wala naman akong ginawa ah?" tanong n'ya sa sarili habang pinapanood na natapyasan ng kaunti ang laki ng anino. Para bang naputol ang bahagi ng katawan nito.

"Pagbabayaran mo ito! Pekeng Zackary!"

Nawala itong parang bula. Bumalik sa dati ang ihip ng hangin at kadiliman.

"Pe-peke? Hindi ako ang Zackary na tinutukoy ni Misty? Hindi ako ang Zackary na mahal n'ya? Pero bakit tumibok ang puso ko ng magkadikit ang mga labi namin? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko s'ya? Kailangang masagot ang katanungan kong ito."

***
"Nagkaharap kami ng anino ng kasamaan."

Muntik ng mabulunan si Misty sa kinakaing chips ng bigla s'yang lumitaw sa likod nito.

"Ahem! Ano ba, Suck? Hindi ka ba marunong kumatok bago pumasok?" pagalit na tanong nito habang tinatapik-tapik ang dibdib at umuubo-ubo.

Walang sabi-sabing lumabas s'ya ng bintana at isinarado nito.

Maya-maya ay kinatok n'ya ang bintana at takang pinagbuksan s'ya nito habang umiinom ng tubig.

"Ano'ng drama 'yon, Zackary?"

"Sabi mo kumatok ako bago pumasok, 'di ba?"

Umismid ito at pahalukipkip na naupo sa kama.

"Ha! Ha! Ha! Funny. Akala ko mga tao lang ang may sense of humor. Pati pala bampira meron din? Bakit ka pumunta dito? Namaos na ako kakasigaw na bumalik ka kanina, hindi ka nakinig. Tapos magpapakita ka dito na parang walang nangyari?"

"Nakipagkita ako sa anino ng kadiliman."

"And?"

"Kumalas na ako sa kasunduan. Hindi kita kayang patayin, Misty Rios. Sinasabi ng puso ko na hindi dapat, kasi hindi ka masama at hindi kita kalaban."

"Mabuti naman at natauhan ka na. Ano'ng pakay mo?"

"Tulungan mo ulit akong maibalik ang memorya ko, tutulungan kitang gapiin ang kasamaan."

"Seryoso na ba 'yan? Hindi ba tayo nagkakabiruan?"

"Hindi, Misty. Totoo na ito ngayon."

"Bigyan mo ako ng isang dahilan para paniwalaan ka, Suck. Sa totoo lang kasi ang hirap ng magtiwala sa panahon ngayon lalo na at naglipana ang mga traidor at sinungaling sa mundo."

"Hindi ko rin alam kung papaano mo ako pagkakatiwalaan, Misty. Pero may nalaman ako. Lumiit ang anino kanina. Dumaing na para bang nasaktan ko s'ya ng kumalas ako sa aming kasunduan. Ano kaya ang dahilan?"

"Ano ba ang sinabi mo?" humarap na ito sa kanya na wari'y interesado sa ikinikwento n'ya.

"Sabi ko sa kanya, ayoko na. Na kakalas na ako sa kasunduan. Na hindi ko kayang manakit ng babae, na hindi ko kayang pumatay ng inosente. Hindi ako kasing-sama n'ya. Tapos tinalikuran ko s'ya. Ayon narinig ko nalang ang daing n'ya."

Saglit itong tumahimik na wari'y malalim ang iniisip.

"Humindi ka sa kasamaan, Suck. Iyon ang dahilan. Hinindian mo s'ya kaya humina ang pwersa n'ya. Baka iyon ang dahilan kaya natapyas s'ya."

"Paano natin malalaman na tama ang hinalang 'yan?"

"Isa lang ang paraan."

"Ano 'yon, Misty?"

"Si Finn! Sigurado akong may itinatago din s'ya sa akin. Iyong pagiging interesado n'ya bigla sa Alcatraz ay nakakapagduda. Minsan na akong nilinlang ng Finn na taga-Alcatraz kaya hirap akong magtiwala sa kanya. Pero kung nagpapanggap lamang s'ya para mapalapit sa akin, magagamit ko 'yon. Gagawan ko ng paraan para mapaamin s'ya. Gagawan ko ng paraan upang mapagbago s'ya ng sa gayon ay talikuran din n'ya ang kasamaan."

"Sa papaanong paraan, Misty? Kilala sa paaralan si Finn bilang bully at tigasin. Walang sinasanto ang taong iyon noon pa man."

"Ako na ang bahala, Suck. Hahayaan kong mapalapit muna s'ya sa akin."

"Paano kung mas mapalapit si Finn sa kanya? Paano kung hindi nga ako ang totoong si Zackary? Paano kung lumabas ang totoong Suck? Paano na ako? Tama ba ang ginawa kong pagtalikod sa kasamaan? Bahala na! Susubaybayan ko muna si Misty Rios."

MisteryosaWhere stories live. Discover now