Chapter 15

38 3 0
                                    

MAPARAANG BAMPIRA

"Abre!" sigaw ni Misty sa harap ng bato na nakaharang sa labas ng kweba.

"Hala! Bakit ayaw bumukas?"

Inikot ni Misty ang paningin sa palibot ng kweba. "Tama naman ah. Ito talaga 'yong batong pintuan ng kweba ko. Bakit ayaw bumukas?"

Sinipa-sipa n'ya ang bato pero hindi rin ito gumalaw. "Abre! Abre la puerta!" Sigaw ulit n'ya.

"Naku naman oh! Napaspanish na nga ako doon, ayaw mo pa rin bumukas?" Napapakamot na sa ulo si Misty.

"Ano ba ang gusto mong bato ka? Sayawan pa kita? Kantahan kaya?"

Tumingin muna sa paligid si Misty upang kompermahin kung walang tao.

"Kung hindi lang talaga ako basa at pagod na bato ka, hinding-hindi ko gagawin 'to!"

Nagsimulang gumiling si Misty sa harap ng bato sabay kanta ng: "La puerta, Abre! Abre la puerta!" ...ng paulit-ulit.

Pero napagod lang s'ya at lahat walang nangyari sa pinto.

"Sino kaya ang nagpalit ng code ng pinto ko? Badtrip naman oh!" Napapalatak na ani Misty.

"Abierto para la princesa (Open for the Princess)!" Sigaw ng tinig lalaki mula sa likuran n'ya.

Saka pa lamang gumalaw at bumukas ang batong pinto ng kweba.

"Pasok na, prinsesa ko." Yumukod pa ito sa harap n'ya.

Imbis na pumasok ay nameywang si Misty sa harap nito.

"Sino ang nagbigay sa'yo ng pahintulot na palitan ang code ng pinto ko?"

"Patawad, princesa. Marami ng nakakaalam sa salitang "abre" kaya mas marapat na palitan ito para sa 'yong kaligtasan."

"Ewan ko sa'yo, Suck! Ang dami mong alam."

Tinalikuran n'ya ito para pumasok sa kweba. Ngunit sa pintuan palang ay napatigil na s'ya.

"Ba-bakit ang lamig dito?" Napayakap si Misty sa sarili.

"Malamig ba, princesa ko? Ang yakap ko ba ay magiging sapat na upang pawiin ang iyong panlalamig?"

May yumakap nga sa likuran n'ya. Malamig. Malamig din si Suck ngunit ang kapa nitong ipinulupot sa kabuuan n'ya ang nagbigay ng init sa nanlalamig n'yang pakiramdam.

Napalunok s'ya sapagkat ramdam n'ya ang lakas ng tibok ng puso n'ya at ang comfort na dulot ng yakap ni Suck.

"Hi-hindi na ako masyadong nilalamig. Salamat." Akmang bibitiw s'ya sa pagkakayakap nito ng mas hinigpitan pa nito ang pagyakap.

"Suck, please..."

"Shhh! Mas gusto kong tahimik ka lang, princesa ko. Hayaan mong ang puso mo ang makipag-usap sa akin. Hayaan mong sabihin nito ang katotohanang hindi masabi ng bibig mo."

"Suck, ano ba? Huwag ka ngang mag-assume." Umikot s'ya saka n'ya ito itinulak. Doon pa lamang s'ya nito nabitawan.

Ngiti lang ang isinagot nito... iyong nakakatunaw nitong ngiti. Hinawi nito ang buhok n'yang nakatabing sa mukha n'ya.

"Hindi lahat ng sinasabi ng utak ay s'ya ring itinitibok ng puso, Misty. Hindi lahat ng ipinapakita at nakikita ng nakadilat na mata ay tunay. Mas madalas tama pa at totoo ang sinasabi ng pusong nakatago at nakapiring."

Lumapit ito sa kanya at inilagay ang kamay n'yang nakagloves sa harap ng dibdib nito.

"Matagal ng hindi tumitibok itong puso ko, Misty, dahil matagal na itong patay. Pero itong katawang ito ay sadyang nananatiling buhay upang katagpuin ka. Ramdam kong pinipigilan mo lang na pakinggan ang tibok ng puso mo, Misty. Hayaan mong maramdaman hindi lang ng puso mo ngunit pati na ng utak mo na nararapat ako para pagkatiwalaan mo ng pag-ibig mo."

MisteryosaWhere stories live. Discover now