Chapter 9 (Part 2)

19 1 0
                                    

"Misty! Pasok! Dali!"

Kaagad na bumukas ang pinto ng bahay nina Misty eksaktong papalapit pa lamang sila ni Finn.

Mahapo-hapong napaupo sila sa sofa matapos ang napakahabang takbuhan.

"Uminom muna kayo ng tubig. Ano ba kasi ang nangyari?" kaagad na inabutan ni Gwyneth ng tubig ang dalawa.

"Ayos ka lang, Misty?" mula sa kung saan ay sumulpot si Zackary.

Muntik ng masamid si Finn sa iniinom na tubig.

"Ba-bampira ka nga, bro. Na-nakalabas ang pangil mo. Pakitago naman oh. Nakakatakot eh."

Sinunod naman ni Zackary si Finn.

"Muli ka ng nabuhay, Zackary." bulalas ni Brandon. "Sandali, may kukunin lang ako."

Mabilis na umakyat sa kwarto si Brandon.

"Pwede ba kitang makausap, Misty?" tanong ni Zackary sa kanya. Halatang seryoso ang pag-uusapan nila kaya mabilis s'yang tumayo.

"Hali ka, Suck. Doon tayo sa kwarto ko."

Sumunod naman ito sa kanya at ng maisarado n'ya ang pinto ay umupo s'ya sa kama.

"Tungkol ba saan ang pag-uusapan, Suck?"

Lumuhod ito sa harap n'ya. Iniyuko ang ulo at inilahad ang mga kamay.

"Isa akong peke Zackary. Hindi ako tunay. Kaya bago pa man bumalik ang memorya ko, bago pa man bumalik ang totoong pagkatao at ugali ko, patayin mo na ako. Isa akong bampira, Misty. At ang mga bampira ay masasama. Pumapatay kami ng walang awa. Pinapatay namin kahit na walang kasalanan at walang laban. Kaya ngayon palang, bago pa ako muling pumanig sa kasamaan, patayin mo na ako. Please."

Kinuha n'ya mula sa kanyang kamay ang relo at pinindot ang button upang gawin itong kutsilyo.

"Ah!" sinugatan n'ya ang sarili at hinayaang tumulo ang dugo n'ya sa sahig. Hinayaan n'yang maamoy ni Zackary ang dugo n'ya.

"Mabango ba ang dugo ko, Suck? Gusto mong sipsipin ang dugo ko? Masarap ito."

Inilapit n'ya pa ang kamay sa may ilong nito.

Napilitan naman si Suck na ilabas ang pangil kahit ayaw pa nito.

"A-ano ang ginagawa mo, Misty? Ilayo mo sa akin 'yan. Lumayo ka sa 'kin please!"

Halatang naglalaway na ito sa dugo n'ya. Pero pilit nitong nilalabanan ang sarili.

Pinatakan ni Misty ng alcohol ang sugat at kaagad na tinalian ng bandage.

"Ano naman ngayon kung peke kang Zackary? Ano naman kung kagaya ni Finn ay tagarito ka lang talaga sa mundo ng mga tao? Kagaya ng sinabi ko kahit na ang mga masasama ay pwedeng magbago. Just like what you did earlier. Pinigilan mo ang sarili mong sakmalin ako. Pinigilan mo ang sarili mong bumigay sa kasamaan. Its enough proof para pagkatiwalaan kita."

Napaupo naman sa sahig ang hapong-hapo na si Zackary. Pinahiran nito ang laway.

"Ang galing naman ng naisip mong paraan, Misty. Pwede ba? Sa susunod wala namang ganyanan. Ang hirap pigilan sapagkat sobrang natatakam na ako sa'yo, sa dugo mo pala." natuwa ang puso ni Zackary sa narinig.

Wala palang silbi ang pagtikis nito sa sarili ng ilang araw. Wala palang silbi ang paglayo nito kay Misty para lang pigilan ang sariling maging masama sakaling hindi nga ito ang tunay na Zackary.

Ngumiti lang si Misty at itinago nasugatang kamay.

"May paraan naman ako para malaman kung totoo ka, kung ikaw ang Zackary na minahal ko. Pero hindi ko ginawa. Hindi ko gagawin. Si Zackary ka man o hindi, kakampi kita."

"Salamat, Misty. Pero pwedeng patikim?"

Inambangan n'ya ito ng suntok.

"Nagbibiro lang ako. May isa pang dahilan bukod d'yan kung bakit napasugod ako dito. Iyon ay para tiyakin kung maayos kayo. Kitang-kita ko mula sa pinagtataguan ko ang malalakas na ipo-ipong unti-unting sumisira sa bayan."

Mabilis na tumayo si Misty ng maalala kung bakit kaagad silang napauwi dito ni Finn.

"Hay! Umepal ka naman kasi! Nakalimot tuloy ako. Ang kataas-taasang kasamaan ang may gawa nito. S'ya ang gumawa ng mga ipo-ipo upang wasakin ang mundo ng mga tao." paliwanag n'ya habang bumababa sila.

"Napaano 'yang kamay mo, Misty? Saan kayo galing ni Suck?" kaagad na puna ni Brandon.

"Wala, daddy. Nag-usap lang po kami. Ano po 'yong kinuha n'yo sa kwarto?"

"Kaya mo bang basahin 'to, Zackary? Sa'yo mismo nanggaling ang sulat na 'yan. Ibinigay mo 'yan sa akin matapos mo kaming iligtas ni Gwyneth sa Alcatraz. Ipinatago mo sa akin ang papel na 'yan at sinabing kahit na ano ang mangyari, itatago ko ang sulat na 'yan at iabot ulit sa'yo pagdating ng araw."

Isang nakatuping papel ang iniabot ni Brandon kay Suck.

Tumingin muna ito kay Misty ng may pag-alinlangan.

"Bakit hindi mo subukan, Suck? Baka ikaw talaga ang may ari n'yan." naisa-isip ni Misty. Alam n'yang mababasa ito ni Suck kung ito talaga ang totoong Zackary.

Tumango ito tanda na nakuha nito ang mensahe. Napangiti naman si Misty dahil dito.

"Akin na nga 'yan. Ako na ang magbabasa. Ang bagal eh. Mauubos na ng mga ipo-ipo na gawa ng itim na usok ang buong bayan, nagbabagal-bagal pa kayo." hinablot ng pakialamerong si Finn ang papel na hawak ni Suck.

Kunot-noo nitong tinitigan ang papel at ibinalik kay Zackary.

"Naglolokohan yata tayo dito. Wala namang nakasulat d'yan eh."

Binuklat ulit ni Zackary ang papel.

"Tama nga si Finn walang nakasulat, Misty. Hindi yata talaga ako si Zackary kaya hindi ko nababasa kung may nakasulat man dito."

Saglit na natahimik si Misty na sa wari'y malalim na nag-iisip.

"Hmmm... Kilala ko ang Zackary ng Alcatraz. Ni minsan ay hindi ito nagbiro sa kahit na anumang bagay."

Kinuha ni Misty ang papel. "Subukan natin."

Naglabas s'ya ng berdeng liwanag at pinadaan sa ibabaw nito ang papel.

"May lumalabas nga! May nakasulat nga oh! Parang magic pen ang ginamit nitong si Zackary na panulat."

"May isa lang tayong problema." sabi ni Misty.

"Ano?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.

"Hindi ko naiintindihan ang nakasulat."

Tiningnan ni Finn at umiling-iling. Ganoon din si Gwen at si Brandon.

"Ang mundo ng mga tao ay sasakupin ng kadiliman."

Nagulat silang lahat ng marinig si Suck.

"Sige, Suck. Ituloy mo."

Lumapit si Misty kay Zackary at inilawan ang ng berdeng liwanag ang kabuuan ng sulat.

"Ang mundo ng mga tao ay sasakupin ng kadiliman. Lahat ng nakatira dito ay dadaanan ng napakalakas na hanging umiikot. Ang bawat madaanan nito ay mawawasak at magmimistulang libingan ng mga patay na nilalang. Mananalasa sa sanlibutan ang malalaking hanging umiikot hanggang sa wala ng matira kundi bakas ng lagim at pagkasira. Walang ibang maghari kundi kadiliman."

"Ang lahat pala ng nangyaring ito noon pa man ay alam na ni Zackary. Pero paano natin mapipigilan ang mga ipo-ipong iyon? Maghihintay na lamang ba tayo na pati tayo ay mamatay na lamang ng walang laban?" tanong ni Misty.

Alam naman n'yang wala s'yang makukuhang sagot sa mga ito.

"Ang lahat ay matatapos kapag nagsimulang muli kung saan nagsimula ang katapusan." basa ni Suck sa maliliit na titik na nakasulat sa pinakailalim ng papel.

"Ano daw?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.

"Ang lahat ay matatapos kapag nagsimulang muli kung saan nagsimula ang katapusan? Ano'ng ibig sabihin n'yan? Iyan na ba ang kasagutan? Iyan ba ang susi upang matalo ang kasamaan?"

MisteryosaWhere stories live. Discover now