Chapter 29

38 2 0
                                    

ANG MULING PAGHAHARAP

"Hahaha! Sayang! Kung ako sana ang pinili mo, Misty. Baka nag-iba pa ang kapalaran. Kung ako sana ang minahal mo baka nagbago pa ang isip ko. Baka ginawa pa kitang reyna ng Alcatraz." tawa ng tawa si Finn hanggang sa ang tawa nito ay naging isang malalim at nakakatakot na halakhak.

Pinakita na nito ang dating anyo. Biglang naging berde ang kulay ng balat nito. Lumabas mula sa ulo nito ang dalawang mahahabang sungay. Naging matipuno din ang payat nitong katawan at ang mukha nitong maihahalintulad sa isang demonyo. Bumalik na si Alfonso...ang lapastangan.

"Ano, mahiwagang kabibe? Hindi ka pa magbibilang? Hindi mo pa kokompirmahin ang muli kong pagkapanalo?" sigaw nito sa hugis-tengang speaker.

Ngunit wala itong imik. Hindi pa ito nagbibilang. Nananatiling kumikidlat sa buong paligid.

"Paano s'ya magbibilang gayong buhay pa kami?"

Natigilan si Finn sa paghalakhak at nilingon ang nagsasalita.

Sina Misty at Suck, magkahawak ang mga kamay at kapwa binabalot ng berdeng liwanag. Patuloy silang inaatake ng malalakas at matatalim na kidlat subalit hindi tinatablan dahil sa kung anumang pwersang pomoprotekta sa mga ito.

"Sige kidlat ng kasamaan! Sunugin mo ang mga lapastangang 'yan! Lumabag sila sa batas ng Alcatraz kaya marapat lamang silang gawing abo!"

Kumidlat pa ng malakas subalit ng sabay na itaas ni Suck at Misty ang mga kamay ay parang bang nahigop ang lahat ng enerhiya ng kidlat.

"Yah!" kapwa sigaw ng dalawa matapos itaas lalo ang mga kamay wari'y itinutulak ang pwersa ng kidlat pabalik dito.

*Boom!*

Nakakasilaw na liwanag kasabay ng isang napakalakas na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid.

Maski si Finn ay napatakip sa mata sa tindi ng liwanag.

"Ano, Finn? Wala na ang traidor na kidlat ng kasamaan na kasing sama mo! Tinalo na namin ito!" sigaw ni Misty.

Doon pa lamang iminulat ni Finn ang mga mata. Maliwanag na nga ang paligid at wala na ang malalakas na kidlat ng kasamaan, natalo na nga ito ng dalawa.

"Mga lapastangan! Mga traidor! Binali n'yo ang batas ng Alcatraz! Dapat kayong parusahan!"

"Kami? Traidor? Ikaw ang traidor, Finn! O mas dapat yata kitang tawaging... Alfonso! Ang traidor na nagpasimula ng paglalaban ng mga tao at elemento. Ang traidor na walang hinangad kundi ang sakupin ang mundo ng mga tao at mundo ng mga elemental!"

"Hahaha! Oo ako nga 'yon, Misty. Ako nga ang nilalang na 'yon. Ngunit sa mundong ito, ako ang hukom! Ako ang hari! Hindi ako ang traidor, kundi kayo!"

Mula sa kung saan ay humangin na naman ng malakas. Ang lapastangang si Alfonso ay nawala kasabay ng pagkakatanggal ng pagkakahawak ng kamay nina Misty at Suck at ang tuluyang pagdilim ng paligid.

"Suck? Nasaan ka?!" sigaw ni Misty sabay kapa sa binatang kanina lang ay nasa tabi n'ya. Ngunit wala.

"Muli tayong nagtagpo, Agatha. Ikaw na nasa katauhan na ng taong si Misty Rios." ang malalim na boses na noo'y narinig n'yang nakalaban ni Agatha.

"Ngunit hindi na ako ang Agatha na noo'y natalo mo, Finn!" sigaw ni Misty sabay hugot ng espadang ibinigay sa kanya ni Suck.

"Talaga ba? Sigurado naman akong mauulit ang dati, Misty. Matatalo ulit kita kagaya ni Agatha."

Nagpaikot-ikot ulit ang itim na anino at malakas na hangin kay Misty.

"Hindi na uubra sa akin 'yan, Finn. Nakita ko na 'yan."

Hindi pinansin ni Misty ang aninong nagpapaikot-ikot sa kanya. Bagkus ay ipinikit n'ya ang mga mata, ipinulupot ang kanang kamay sa talim ng espadang hawak at umusal ng dasal.

"Berdeng liwanag, berdeng liwanag, balutin ako ng iyong liwanag. Lumabas ka mula sa kaibuturan ng aking katapangan, lipulin ang kasamaan!" panggagaya ni Misty kay Agatha.

Pagmulat ng mata ni Misty ay napangiti s'ya. Nababalot na ng berdeng liwanag ang espada n'ya.

"Labanan mo ako ngayon, Finn! Sisiguraduhin ko sa'yong iba na ang magiging resulta ng laban."

Inihanda n'ya ang espada para sa paglusob.

"Ako man ay nakahanda na rin, Misty!"

Kumalansing ang espadang hawak ni Misty tanda na may pwersang kumakalaban dito.

"Talagang patraidor ka kung lumaban, Finn! Pero hindi ka na magtatagumpay ngayon!"

Iwinasiwas ni Misty ang espada. Ngunit kumakalansing lang ito at nagbabaga tanda na sinasangga lamang ni Finn ang lahat ng tira n'ya. Tumigil s'ya sa pagsugod at tumayo lamang ng diretso. Itinusok n'ya sa lupa ang espada ngunit ang kanang kamay ay nananatiling nakahawak dito.

"Hahaha! Ano, Misty? Pagod ka na? Wala palang panama 'yang kapangyarihang pinagmamalaki ninyo ni Agatha! Hahaha!"

"Hah!" buong pwersang ibinaon ni Misty ang espada sa lupa.

"Ano'ng palabas 'yan, Misty? Tinamad ka ng gamitin ang espada mo kaya itinusok mo nalang sa lupa? Kung ako nalang kasi ang pinili mo noon baka sakaling nagbago pa ang isip ko. Baka ginawa na kitang asawa at reyna ko kung nagkata... "

"Hah!" sinuntok ni Misty ang lupa gamit ang nakabukang palad.

"Ahh!" Napasigaw sa sakit ang kataas-taasan ng parang mga kabuteng nagsilabasan ang mga patalim mula sa ilalim ng lupa. Parang nanganak ang espadang itinusok ni Misty rito.

Muling hinugot ni Misty ang patalim.

"Hindi mo pa rin ako mahahanap, Misty! Hindi mo pa rin ako mapapatay! Sige lang! Maloka ka sa kakahanap sa akin!" sigaw nito.

Ngunit nanatili lamang nakatayo si Misty at pinapakiramdaman ang paligid.

"Nandito!" iwinasiwas n'ya ang espada sa dakong itinuro.

"Ah!" Napaluhod si Finn sa lupa matapos n'yang tamaan. Nawala ang itim na aninong nakabalot dito.

"Katapusan mo na, kataas-taasang kasamaan!" sigaw ni Misty.

Tumalon s'ya habang hawak ng dalawang kamay ang espadang nababalot ng berdeng liwanag.

"Hindi!" ikinumpas ni Finn ang kamay.

Napatigil naman si Misty sa pag-atake at napahawak sa dibdib.

Saka lumitaw si Suck na may hawak ulit na espada. Ang espada nito ulit ang tumusok sa puso ni Misty. Ang espada nitong pumatay din kay Agatha.

"Misty! Hindi!" napaluhod si Suck samantalang napahawak ang dalawang kamay ni Misty sa espadang tumusok sa dibdib n'ya.

"Hahaha! At naulit ang kapalaran!"

Umalingawngaw na naman ang tawa ng kataas-taasang kasamaan kasabay ng pagtangis ni Suck sa muling pagkamatay ng minamahal na nasa katauhan ni Misty.

MisteryosaWhere stories live. Discover now