Chapter 30 (EPILOGUE of Part I)

53 1 0
                                    

EPILOGUE of PART I

"Hahaha! Wala talaga kayong kadala-dala! Ganito nalang ba palagi? Maghihintay  na naman ako ng isang siglo para lang matalong muli ang mahihinang kagaya ninyo?" Tatawa-tawa na lamang ang kataas-taasang kasamaan na sa wakas ay nagpakilala na rin matapos ang napakahabang panahon.

"Hahaha! D'yan ka naman nagkakamali, Finn. Hindi naman ako si Agatha. Hindi ako magiging s'ya kailanman. Kaya't hindi rin magiging magkatulad ang kapalaran namin."

"Paanong...?" Napatigil sa pagtawa ang kataas-taasan ng marinig ang boses ni Misty.

"Mi...Misty? Buhay ka?" Napatigil din sa pagtangis si Suck ng marinig ang boses ni Misty.

Tumayo si Misty. Hawak pa din nito sa dalawang palad ang espada ni Zackary.

"Heto na ang espada mo, Suck. Sa kanya mo itarak ang talim n'yan. Sa kanya 'yan nararapat."

Kinuha naman agad ni Zackary ang espada sa kamay ni Misty.

"Salamat dito sa kwentas na bigay mo, Suck. Alaala sana ito ng mga magulang ko. Ayon, sa kahuli-hulihan sila pa rin pala ang magliligtas sa akin."

Ipinakita ni Misty kay Suck iyong locket na may picture ng mommy at daddy n'ya na ngayon ay may butas na sa gitna tanda na dito tumama ang espadang papatay sana sa kanya.

"Hahaha! Eh ano naman kung buhay ka pa? Eh 'di papatayin kita ulit!" Bumunot si Finn ng espada at agad na inihagis patungo kay Misty.

"Misty! Ilag!" sigaw ni Suck.

"Tigil, Zackary!" ginamit ni Finn ang kapangyarihan nitong magpatigil ng oras upang hindi makagalaw sa kninakatayuan nito si Suck.

Agad namang nanigas si Suck kaya hindi nito magawang pigilan ang espadang palapit sa kinaroroonan ni Misty.

Napangisi ang kataas-taasan ng hindi manlang pinili ni Misty na ilagan qng espadang palapit sa kanya.

"Tinanggap mo na yata ang kamatayan mo, Misty Rios."

Ngunit bago pa man tumusok ang espada sa noo ni Misty ay hinuli n'ya ang talim ng espada nito gamit ang dalawang nakabukang palad.

"Don't ever underestimate me, Finn. Hah!"

Binali ni Misty ang espada ng kataas-taasan gamit ang nagliliwanag n'yang mga palad.

"Hindi!" sigaw ni Finn.

Umulan ng palaso mula sa kalangitan. Pinunterya ng mga ito ang kinaroroonan ni Misty.

Itinaas naman n'ya ang dalawang palad.

"Tigil!" sigaw n'ya sa mga palaso.

"Paanong...!"

Tumigil ng kusa ang mga palasong tatama sana kay Misty. Nanatili sila sa ere na para bang naghihintay sa kung anumang iuutos ulit ni Misty.

"Sugurin n'yo ang traidor na 'yon!" utos n'ya sa mga palaso.

Nagsilihis naman ng direksyon ang mga palaso at pinunterya si Finn.

"Ah! Ah!" daing nito matapos tamaan ng sariling palaso.

Duguang napaluhod sa lupa si Finn ng matapos sa pag-atake ang mga palaso.

"Ano ang pakiramdam ng tinatraidor ng mga sariling alagad, Finn?" nakangiting pang-asar ni Misty rito.

"Ang sama mo!" nagpalabas ito ng itim na liwanag sa kamay at pinunterya si Misty.

Kaagad namang sinangga ni Misty ang itim na liwanag gamit ang berdeng liwanag na lumabas ng kusa sa mga palad n'ya.

"Hindi! Mo! Matatalo! Ang! Kabutihan!"

MisteryosaWhere stories live. Discover now