Chapter 16

30 2 0
                                    

KAMATAYAN PARA SA KALAYAAN

"Tinatawagan ang lahat ng nasa Alcatraz na magtipon sa harap ng Kastilyong aralan. Inuulit ko, ang lahat ng nilalang na nasa Alcatraz ay magtipon ngayon din sa harap ng Kastilyong aralan."

Nagising si Misty sa malakas na tawag mula isang napakalaking hugis tengang speaker na nasa harap mismo ng kastilyo.

Kaagad s'yang napabangon at mabilis na nagbihis.

"Hindi maganda ang kutob ko sa announcement. Parang may hindi tamang magaganap."

Tinakbo n'ya ang daan papunta sa harap ng kastilyo. Napatigil lamang s'ya ng masilayan ang iba't ibang uri ng nilalang na nagtipon-tipon dito.

Sa tantya n'ya ay nasa mahigit sa 40 sila.

"Misty, magandang umaga." Bati kaagad ni Finn ng makita s'ya.

Inirapan lamang n'ya ito. Hindi pa n'ya nakakalimutan ang nangyari sa kwadradong kwarto.

"Uy, patawarin mo na ako. Bulaklak para sa'yo, Misty." Parang magic na lumabas mula sa kamay nito ang isang pumpon ng pulang rosas.

"Hindi nakakain 'yan, Finn. Hindi ako mahilig sa ganyan. At hindi ako nagpunta rito para d'yan." Nakahalukipkip na aniya.

"Pagkaing bulaklak ba, Misty?" May inilabas ito mula sa bulsa. Isang pumpon ng hugis bulaklak na tsokolate.

"Ewan ko sa'yo, Finn. D'yan ka na nga." Naiiling na tinalikuran n'ya ito.

"Ops! Sorry!" Nabunggo n'ya ang isang matipunong nilalang. Lingon kasi s'ya ng lingon kay Finn. "Zackary? Bakit ka nandito? Akala ko ba lumabas ka na ng Alcatraz."

"Magandang araw, aking princesa. Ayon, sa kasamaang palad ay nahuli ako ng tagabantay ng Alcatraz. Nalaman na n'yang labas-masok ako dito." Ngiti pa rin ang bungad nito sa kanya.

"Hindi kasi nag-iingat."

"Pasensya na. Nais lamang sana kitang dalhan ng almusal. Kape at clubhouse sandwich na paborito mong kainin sa umaga. Kinuha ko pa iyan sa palamigan ng iyong tiya. Kapag nakauwi ka pakipalitan na lamang iyong aparatong pang-init sapagkat sumabog ito dahil sa kakapindot ko."

Tumikwas ang kilay ni Misty ng iaabot sa kanya ni Suck ang sunog na sandwich at sunog na lata ng iced coffee na paborito n'ya.

"Sweet sana, palpak lang. Malamig talaga na kape ang gusto ko, Suck. Hindi 'yon nilalagay sa toaster. Salamat sa pag-alala, pero sana hindi ka na nag-abala pa. Nahuli ka tuloy para sa wala."

Sasagot pa sana si Suck ng magsalita ang boses mula sa hugis tengang speaker. "Ang lahat ay inaanyayahang lumapit sa pintuan ng Alcatraz. Isang paligsahan ang nakatakdang ianunsiyo ng punong-guro."

"Paligsahan? Para saan?" Tanong ni Misty ngunit kibit-balikat lang ang sagot ni Suck sa kanya.

"Buwan-buwan ay may nagaganap na paligsahan sa Alcatraz. Ang mga nanalo ay nagkakaroon ng panibagong kapangyarihan ayon sa kanilang kagustuhan." Sabad ni Finn na kanina pa pala nakabuntot sa kanya. Masama ang titig nito kay Zachary.

"Exciting naman. Kapag nanalo ako, gusto ko 'yong kapangyarihang invisibility para hindi n'yo na ako makulit na dalawa!" Inirapan n'ya ang mga ito.

Bumukas ang tarangkahan at lumabas ang isang kwagong may salamin sa kanang mata lamang.

"Sa ganap na ika-walo ng umaga ay magsisimula na ang panibagong paligsahan para sa buwang ito. Lahat ng natitirang animnapung nilalang sa Alcatraz ay maglalaban sa isang napakalaking Arenang ito." Ikinumpas ng punong-guro ang stick na hawak nito.

Yumanig ang buong paligid at iniluwa mula sa ilalim ng lupa ang isang pabilog na malaki at patag na bato. Kagaya ito ng boxing ring ngunit ang kaibahan lang ay bilog ito at hindi parisukat.

Sa gilid nito ay lumabas ang matatalim at matutulis na tipak ng bato na siguradong kapag nahulog ka mula sa arena ay matutusok ka din at mamamatay.

"Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ganito ang itsura ng ating arena. Ang paligsahang ito ay tatawagin nating 'Kamatayan para sa Kalayaan'."

Parang bubuyog na nagbulungan ang mga nilalang.

"Kalayaan? Ibig sabihin makakalabas ng Alcatraz ang sinumang mananalo?" Tanong ng isang itim na diwata.

"Tama. Kalayaan mula sa mundong ito. Tuluyang paglaya at panibagong buhay."

Nagsigawan ang mga nilalang samantalang tahimik lang na nakamasid sa mga kaganapan sina Misty, Suck at Finn.

"Ngunit, bago mangyari ang inyong inaasam na kalayaan ay kailangan n'yong matira. Iisa lang ang mananalo kung kaya't iisa lang magkakaroon ng kalayaan. Iisa lang ang mabubuhay kaya't iisa lang ang magkakaroon ng tiyak na bagong buhay sa mundong kanyang pipiliin."

"Patayan? Tapos iisa lang ang mabubuhay? Hindi kami papayag!" Sigaw ng kalahating tao at kalahating leon.

Ikinumpas ng punong-guro ang stick na hawak nito.

Mula sa langit ay bumulusok ang isang napakatalim na kidlat.

"Ahh! Tulong!" Huling sigaw ng leon bago ito tuluyang nasunog at maging abo.

"Lapastangan! Walang sinuman ang maaaring kumontra sa batas ng Alcatraz. Imbis na tumagal kayo at magtagumpay sa huli ay mauuna pa kayong masunog at maging abo."

"Six Zero Seven." Deklara ng hugis-tengang speaker.

"Sino pa ang tututol at susunod kay Leon sa hukay?" Tanong ng kwago.

Natahimik ang lahat.

"Kung gayun ay magsihanda na kayo. Sa ganap na ika-labindalawa ng katanghaliang tapat ay magsisimula na ang laban."

***
"Sinadya n'ya ito! Traidor talaga ang kataas-taasang kasamaan!" Palakad-lakad si Misty sa loob ng kanyang kweba.

Nakatitig ang dalawang binata sa kanya.

"Ano? Tatayo nalang ba kayo sa harap ko at walang gagawin? Hahayaan n'yo nalang ba na mabilis tayong maubos lahat dito?" Pasigaw n'yang tanong sa dalawa.

"Kaya kitang protektahan, Misty. Mananatili tayong buhay hanggang sa huli." Sagot ni Finn.

"Protektahan? Eh hindi nga natin alam kung ilang araw o oras lang tatagal ang laban! Ni hindi ko pa nga nakikilala ang kataas-taasang kasamaan."

"Makakaharap mo s'ya kung sisiguraduhin mong ikaw ang nag-iisang mabubuhay sa huli." Dagdag ni Suck.

"Paano? Eh ni wala akong sapat na kapangyarihan upang lumaban."

"Susuko ka nalang ba, Misty? Ganoon-ganoon nalang ba?" Tanong ni Finn.

"Pwede pa ba akong makalabas ng Alcatraz? Pwede namang panaginip lang ito, 'di ba?"

"Hindi!" Sabay na sagot ng dalawa.

"Eh ano ang gagawin ko?" Napapalatak na tanong ni Misty.

"Lalaban hanggang kamatayan."

MisteryosaWhere stories live. Discover now