Chapter 26

34 2 0
                                    

PAG-AALINLANGAN

"Hahaha! Nagulat ka ba, Misty? Hindi mo inakalang ako talaga ang kataas-taasang kasamaan, 'di ba?" Malakas na halakhak ni Suck ang pumuno sa buong paligid.

"Hayop ka, Zackary! Wala kang kasing sama!" masamang titig ang ibinigay ni Misty sa binata.

Ngunit imbis na kasamaan ang makikita sa mata ni Suck na kagaya ng mga mata ni Cris ay iba ang nakikita ni Misty rito. Lungkot, pag-aalala, alinlangan at pangungulila ang nakikita n'ya.

"Oo, Misty! Masama nga ako! Pinatay ko si Agatha noon at ikaw naman ngayon!" nakangisi ito ngunit halatang naiiyak na si Zackary.

"Bakit kaya? Parang may mali." naisa-isip ni Misty.

"Pero...bago tayo maglaban, hayaan mong talunin ko muna ang lalaking 'to! Ibibigay ko sa'yo ang pagkakataong matalo ako pagkatapos kong talunin si Finn." Diretso lang itong tumayo ngunit dinuro si Finn at inilabas ang kanyang pangil.

"Hahaha! Pipili ka nalang ng tatalunin ako pa talaga, Suck? Pero sige, pagbibigyan kita. Ibibigay ko sa'yo ang labang ninanais mo." kinuha ni Finn mula sa bulsa n'ya ang kadenang bakal na ginamit n'ya rin sa pagtalo sa kapre.

"Laban na!" sigaw ni Finn sabay lahat ng palad na wari'y pinapasugod si Suck.

"Doon ka sa gilid at panoorin kung paano ko papatayin ang kakampi mo, Misty." utos ni Suck sa kanya.

Sumunod naman s'ya. Sadyang pinagmamasdan lang n'ya ang mga kilos ni Suck. Pilit na kinakapa ang galit sa puso n'ya sa katotohanang ito ang kataas-taasang kasamaan ngunit wala talaga.

"Siguro ay ginamitan n'ya ako ng mahika kaya ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi! Masamang tao si Zackary kaya dapat lang na kamuhian ko s'ya!"

Pilit na nilalabanan ni Misty ang kalituhang bumabalot sa kanyang pagkatao.

Tumakbo ng tumakbo paikot kay Finn si Suck hanggang sa nagmumukhang itim na anino na lamang ito sa paningin ni Misty.

"Hah!" Nasalag ni Finn ang suntok na pinakawalan ni Suck gamit ang isang kamao.

"Gulat ka no? Pinaghandaan ko rin ang araw na ito, Suck!"

Itinulak ni Finn si Suck gamit ang mismong kamay na ipinansalag sa kamao nito.

"Tama na ang satsat, Finn!"

Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ni Suck ngunit nasasalag lamang ni Finn.

"Ah!" Hinataw ni Finn ng kadenang bakal si Suck at tinamaan ito sa panga.

Napaatras si Suck sabay salat sa pangang tinamaan nito.

"Bakit ganoon? Kung si Suck talaga ang kataas-taasang kasamaan, bakit s'ya natatamaan ni Finn?" takang tanong ni Misty.

Bumwelo ng sipa si Suck at tinamaan din si Finn sa panga. Natumba ito sa lupa.

"Finn!" sigaw ni Misty sapagkat parang nawalan ng malay ang binata.

Pilit na bumangon si Finn. "A-ayos lang ako, Misty."

Napatingin ito sa kanya sabay ngiti. Kitang-kita n'ya ang pagdurugo ng panga nito.

"Si Suck nga yata ang kataas-taasan. Ang lakas n'ya."

Nagpambuno ulit ang dalawang lalaki. Naggantihan ng suntok ang mga ito hanggang  sa halos hindi na sila makita ni Misty sa bilis.

"Yah!"

"Ahh!"

Mga daing at tunog ng suntok na lamang ang naririnig ni Misty subalit hindi na mahagilap ang dalawang lalaki.

MisteryosaWhere stories live. Discover now