Chapter 3

112 2 0
                                    

THE ALCATRAZ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THE ALCATRAZ

Ang Alcatraz ay ang mundo sa pagitan ng mundo ng mga tao at ng mundo ng dilim.

Ang mundo ng dilim ay kinabibilangan ng mga masasamang engkanto, masasamang fairies, bampira, duwende, tikbalang, multo at kung ano-ano pang masasamang nilalang na itinaboy mula sa mundo ng mga tao.

Ang mga masasamang nilalang na piniling tumakas at mamuhay sa labas ng mundo ng dilim ay nag-aanyong normal na tao at hayop para makapasok sa Alcatraz.

Ang Alcatraz ay ang dating tagpuan ng mga taong may itinatagong kapangyarihan, mga anak ng elemento at tao at mga elemental pagsapit ng kabilugan ng buwan. Dito nagaganap ang mga piging at pagtitipon. Pati na ang mga pag-iisang dibdib ng mga tao at elementong tunay na nagmamahalan.

Subalit dahil sa isang masamang nilalang, nagkagulo ang mga tao at elemental. Siya ang may pasimulo ng lahat ng katraidoran, mga lihim na samahang lahat ay kanyang inaaniban upang pag-awayin, isa sa mga lupon ng tagausig "kuno" ng mga makasalanang ipinapapatay at ipinapatapon sa mainit na impyerno.

Siya, na ang hangad pala ay pagharian ang mundo ng mga tao at mundo ng dilim. Siya na ang hangad ay ang lipulin ang dalawang mundo at ialay sa kanyang panginoon upang makamit ang hiling na imortalisasyon.

Ngunit ng magkadigmaan ay nahati ang mga mundo. Nagkaaway ang mga tao at elemental. At ang dating Alcatraz na itinatag para pag-isahin ang mundo ay nagsilbing arena para sa mga paglalaban.

Nang matapos ang digmaan ay tuluyan ng isinarado ang dalawang mundo. Hindi na kailanman maaaring makapasok ang mga elemento sa mundo ng mga tao. Ganoon din ang mga tao sa mundo ng mga elemental.

Tuluyan ng natahimik ang Alcatraz at nawalan ng sigla. Nagsilbing himlayan na lamang ng mga namatay sa digmaan sa pagitan ng dalawang mundo.

Ngunit siya, na nagpasimuno ng lahat ay bumangon mula sa kanyang himlayan. Pinasok n'ya ang mundo ng mga elemental, pinaslang ang lahat ng mabubuting nilalang hanggang sa ang matira ay masasama, mga halang ang bituka at mga tapat na tagasunod ng kadiliman.

Ngunit ang masasama ay sadyang mga traidor at ganid sa kapangyarihan. Nag-aklas sila laban sa Kanya hanggang sa mismong s'ya ay maitaboy palabas ng mundo ng dilim na kanya noong pinagharian.

Subalit sa tindi ng kagustuhan n'yang mamuno at magtagumpay ay muli n'yang binuhay ang Alcatraz. Ang lahat ng masasama mula sa mundo ng mga tao at mga tumakas mula sa mundo ng dilim ay siya n'yang tinipon upang ibangong muli ang bagong Alcatraz.

Sino s'ya? S'ya ang nilalang na kailangang magapi ni Misty Rios upang tuluyan ng mawasak ang Alcatraz. Ang Alcatraz na nagsisilbing taguan ng mga tumakas mula sa mundo ng dilim at ng mga nagpapalakas upang pagharian din ang mundo ng mga tao.

MisteryosaWhere stories live. Discover now