Chapter 2 (Part 2)

28 1 0
                                    

MAGAGANAP BANG MULI?

"Wow! Popular pala talaga ako dito sa eskwelahang ito! Pati transferee kilala ako!"

Hinila nito si Misty sa blazer. Walang nagawa si Misty kundi ang tumayo at makipagtitigan kay Finn. Si Finn na classmate n'ya, hindi si Finn na si Alfonso, pero magkamukha sila.

Naikuyom ni Misty ang kamao. "Nagbalik na nga talaga ang kasamaan. Kung nasa loob mo pa rin ang kataas-taasang kasamaan, ngayon palang ay dapat patayin na kita, Finn!"

Akmang susuntukin ni Misty ang kaklaseng si Finn ng may humila rin sa lalaki.

"Hindi sinasaktan ang mga babae!"

Hinila nito ng malakas si Finn. Na ikinauntog naman nito sa may pader ng classroom. Mabuti nalang at naitukod nito ang mga kamay kaya hindi ito masyadong nasaktan.

"Shit ka, pare! Bakit ka ba nanghihila ha?" Akmang susuntukin din ni Finn ang lalaki ng humarang ang guro nila.

"Magsitigil kayo! Ano'ng kaguluhan 'to? To the guidance office! Now!"

"Ayoko! Suki na ako doon! Sila nalang." pagmamatigas ni Finn sabay upo sa armchair na para kay Misty.

"No! Kayong tatlo, kasama ka, Misty. Pumunta kayo sa guidance office ngayon din!"

Doon lamang nakabawi sa pagkatulala si Misty. Sa buong pagkakataon ay nakatitig ito sa lalaking nagligtas na naman sa kanya.

"Zackary?" hindi n'ya mapigilang maibulalas.

"Wow! Pati s'ya kilala mo, Misty mouse? My psychic powers ka ba? Baka naman buong klase kilala mo?" pang-aasar pa ni Finn sa kanya.

"Kung magdadaldalan lang kayo dito, lumabas na kayo! Labas!"

***
Walang nagawa ang tatlo sa galit na teacher. Pinalabas sila at pinagsarhan ng pinto.

"Alam mo, Misty mouse? Kabago-bago mo rito, gulo ang dala mo!" nakapamulsang banat ni Finn habang nakasandal sa pinto.

Wala namang pumapansin dito. Nakatitig lang si Misty kay Zackary.

"Saan ka pupunta?" kaagad na tanong ni Misty ng makitang naglalakad si Suck palayo.

"Sa guidance. I'm not a rule breaker. Sasabihin ko sa guidance 'yan."

"Malamang paniniwalaan ka na naman n'yon, Mister nice guy. Eh wala ng ibang magaling kundi ikaw. Ikaw na matalino, ikaw na mabait. At ako? Siguradong ako na naman ang lalabas na masama!"

"Kasi masama ka naman talaga. Rule breaker! Kung magtitino ka lang walang mangyayaring masama! Malas!"

"Ano'ng sabi mo?!" inilang hakbang lamang ni Finn ang pagitan nila ni Suck. Kinwelyuhan nito ang lalaki.

"Sabi ko, malas ka! Ano? Dinig mo na ba?" pang-aasar pa ni Suck dito.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan ko?" tanong ni Finn habang masakit ang mga titig kay Suck.

"Malamang! Hindi ako bobo kagaya mo!"

"Damn you!"

"Same to you! Fin means End! At ako ang tatapos sa buhay mo kung patuloy ka pang mananakit ng babae!"

Akmang susuntukin ni Finn si Suck ng pumagitna si Misty.

"Sandali! Ano ba kayo? Hanggang dito ba naman nag-aaway kayo? Natatandaan n'yo pa ba ang Alcatraz? Natatandaan n'yo pa ba ang nangyari sa atin doon?"

"Oh my goodness, Misty mouse! Oo natatandaan ko pa."

"Talaga, Finn?" hindi makapaniwalang tanong n'ya dito.

"Oo. Ikaw! Ikaw 'yong..." kinabahan si Misty sa maaaring idugtong ni Finn. Inihanda na n'ya ang kamay para pindutin ang wrist watch n'ya para lumabas ang kutsilyo sakaling aminin nitong ito ang kataas-taasang kasamaan. "Ikaw 'yong partner ni Mickey mouse, hindi ba, Misty mouse? Hahaha!"

Naningkit ang mga mata ni Misty. Hindi nga yata si Finn ng Alcatraz ang animal na ito.

"Pupunta na nga rin ako ng guidance. Baka mahawa pa ako sa kabaliwan ng Misty Mouse na 'yan."

Tatawa-tawang tumakbo si Finn papunta sa guidance office. Naiwan silang dalawa ni Suck sa hallway.

Napabuntong-hininga nalang si Misty habang nakasunod dito.

"Alcatraz? Nanggaling ka sa Alcatraz?" napatigil sa paglalakad si Misty ng magsalita si Suck sa likod n'ya.

Napailing-iling si Misty. Siguradong kagaya ni Finn ay wala ring alam patungkol sa Alcatraz ang Zackary na kaharap n'ya.

"Nevermind. Kalimutan mo nang may sinabi ako. Tara sumunod na rin tayo kay Finn sa guidance."

"No! I want to know the truth about my past. Gusto kong malaman kung paano ako napunta rito sa Winter High at kung bakit hindi ko matandaan ang nakaraan ko bago ako napunta rito."

Napatigil sa paglalakad si Misty ng marinig ito. Lumakas ang tibok ng puso n'ya sa mga narinig. Maaaring si Suck nga ang kaharap n'ya at nawalan lang ito ng alaala.

Akmang lalapit s'ya kay Suck at yayakapin ito ng kontrahin ng utak n'ya ang puso n'ya.

"Paano kung nagkaamnesia lang talaga s'ya kaya hindi n'ya maalala ang nakaraan? Paano kung hindi talaga s'ya ang Zackary na minahal ko?"

"May alinlangan ka ba, Misty? Nababasa ko ang utak mo. Hindi ko alam kung papaano ko nagagawa ito. Kamukha ko ba ang Zackary na minahal mo noon?"

"Ikaw nga yata si Zackary! Kagaya mo rin s'ya na nakakabasa ng utak. Pero...hindi normal na tao si Suck." naiiling na aniya.

Nagpalinga-linga muna sa paligid si Suck. "Normal ba ito, Misty?"

Ngumanga si Suck at lumabas ang mga pangil nito.

Doon na humulagpos ang damdamin ni Misty. Imbis na matakot ay hindi na n'ya pinigilan ang sariling yakapin ito.

"Ikaw nga si Zackary! Ikaw nga! Pero ano'ng nangyari sa'yo? Bakit nagkaamnesia ka?"

"Ewan ko, Misty. Basta nagising na lamang ako isang araw na nandito na ako sa Winter High. Saka kapag lumalabas ako sa gabi palaging sa bahay n'yo ako nagpupunta. Pinagmamasdan kita mula sa bintana. At noong nakaraang gabi, hindi ko alam kung bakit bigla nalang gumalaw ang katawan ko at iniligtas ka mula sa taong muntik ng bumaril sa'yo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko."

"I-ikaw ang nagligtas sa akin mula sa mga goons ni Valderama?"

Tumango naman ito.

"Ikaw nga ang mahal kong si Zackary. Nakalimot lang ang utak mo, Suck, pero nasa instinct mo pa rin ang pagliligtas sa akin. Sigurado akong may kinalaman ang pagkamatay mo sa Alcatraz sa nangyaring ito sa'yo."

"Eh 'di tulungan mo akong bumalik sa Alcatraz. Hanapin natin ang sagot sa mga tanong ko doon."

"Pero hindi na natin magagawa pa iyon, Suck."

"Bakit?"

"Wala na ang Alcatraz. Sumabog na ito ng makalaya kami ng mga magulang ko."

Kagaya n'ya ay nalungkot din ito.

"Pero hayaan mo. Baka naman bumalik din 'yang alaala mo."

"Paano?"

"Tutulungan kita, Suck. Pero..." nakaisip ng idea si Misty. Hitting 2 birds with one stone ika nga.

"Pero ano, Misty?"

"Tulungan mo rin akong hanapin ang kataas-taasang kasamaan. Tulungan mo akong talunin s'ya at ikulong pabalik sa mundo ng dilim."

MisteryosaWhere stories live. Discover now