Chapter 25

25 3 0
                                    

LABAN PARA SA KALAYAAN NOONG NAKARAANG SIGLO

"Twiiiit!"

Napatingala silang tatlo ng mula sa kung saan ay bumalik ang ibong robot.

"Isang tradisyon ang pagpapakita ng nakaraang 'laban para sa kalayaan' noong nakaraang siglo. Maaaring ito ay makakatulong sa pagbuhay ng inyong kagustuhang makalaya o bumuhay sa galit na nakatago sa inyong mga puso." Wika ng ibon habang lumilipad-lipad sa itaas nila.

"Traidor! Hindi kayo patas kung lumaban! Itigil n'yo 'yan!" pagalit na singhal ni Suck sa ibon.

"Traidor? Bakit mo naman nasabi 'yan, Suck? Bakit ka apektado? May alam ka ba sa nakaraan na hindi namin pwedeng makita?" nakangising sabad ni Finn.

Hinawakan ni Suck ang braso ni Misty at tumitig ng seryoso sa kanyang mga mata. "Misty, kung ano man ang makita mo, huwag kang maniwala kaagad. Tandaan mo lang ang sinabi ko sa'yo noon... minsan bulag ang matang malinaw ang nakikita, ngunit ang puso ay mas malakas ang pandama sa katotohanang pinagkakait sa kanya."

"A...ano ba ang ibig mong sabihin, Suck? Naguguluhan ako."

"Tama na ang satsat, Zackary! Ikaw marahil ang traidor kaya ka nagkakaganyan! Hali ka dito, Misty! Huwag kang lumapit sa taong iyan! Baka bigla ka nalang lapain n'yan ng hindi kita napoproteksyunan."

Hinila ni Finn ang braso n'ya kaya nabitawan ni Suck ang balikat n'ya.

"Dito ka lang sa tabi ko, Misty." dagdag pa ni Finn.

"Magsisimula na ang palabas kaya manood ng mabuti. Talasan ang pang-amoy at buksan ang mga mata. Paalam! Twiiit! Weeeehhhh!" lumipad na muli ang ibong robot at nawala sa himpapawid.

Dumilim ang paligid at bumukas ang isang palabas sa isang napakalaking ulap.

"A-ako 'yon ah!" Hindi makapaniwalang sambit ni Misty ng makita ang sarili sa palabas.

Ngunit kamukha n'ya man ito, sigurado s'yang hindi s'ya ang babaeng nasa ulap. Hindi naman s'ya nagsusuot ng damit pandigma. Nasa kaedaran n'yang bente otso sa kasalukuyan ang babaeng nasa palabas ngunit mas mahaba ang buhok nito kaysa sa kanya, mas sexy din ito at mas palaban ang itsura...talagang itsura ng babaeng maganda ngunit matinik sa labanan.

"Harapin mo ako, kataas-taasang kasamaan! Lumaban ka ng patas!" sigaw nito.

Nagpalabas ang babae ng berdeng bolang apoy mula sa mga kamay nito.

"Kagaya din ng sa akin! Hindi ko nga lang alam kung paano gamitin." tinitigan ni Misty ang mga kamay.

"Hahaha! Hanapin mo ako, tagalupa! Nasa paligid mo lang ako!" malalim at nakakatakot ang boses na sumagot sa babaeng nasa palabas.

"Hindi mo ako matatakot, kataas-taasan! Hindi mo ako kailanman matatalo!" Bumato ang babae ng malalakas na berdeng bolang apoy na tumama sa iba't ibang bahagi. Sinunog at tinunaw nito ang mga nadadaanan hanggang sa malusaw ang lahat at maglaho.

"Hahaha! Walang kwentang kapangyarihan! Hindi mo ako matatalo sa ganyan, Agatha! Hahaha!" Humalakhak na naman ang nakakatakot na boses na hindi kita sa monitor kung saan nagmumula.

"Ako ba talaga ang walang kwenta ang kapangyarihan, kataas-taasan? O ikaw na ayaw magpakita sapagkat alam mong matatalo kita!" Naglabas ng espada ang babaeng kamukha ni Misty na tinawag nitong Agatha.

"Ano? Lalabanan mo ako ng wala mong kwentang espada? Nagpapatawa ka, Agatha!"

Inihanda ni Agatha ang espada at mula sa kung saan ay lumabas ang itim na anino.

"Labanan mo ako, Agatha!" sigaw ng boses.

Biglang lumiwanag ang espada ni Agatha tanda na may espada ring kumakalaban dito.

Walang nagawa ang mandirigma kundi ihampas lamang ng ihampas ang hawak na espada sapagkat hindi n'ya nakikita ang kalaban. Tila hindi nito nakikita ang itim na aninong pumapalibot sa kanya.

"Yah! 'Wag kang duwag! Lumaban ka ng harapan!" sigaw ni Agatha habang winawasiwas ang hawak na espada.

"Hahaha! Hahaha!" tawa lang ng tawa ang boses habang patuloy ang pagkalansing ng espada ni Agatha tanda na may nilalabanan din itong espada.

"Hah!" napaluhod si Agatha at tumulo ang dugo sa braso nito tanda na tinamaan ito ng espada ng hindi nito makitang kalaban.

"Laban, Agatha!" hindi mapigilang sigaw ni Misty na wari'y naaawa sa kamukha.

"Hahaha! Iyan lang ba ang kaya mo, princesa?" pang-uuyam nito.

Lumikop sa monitor ang itim na anino. Dumilim ang palabas at ng bumalik ito ay nasa ibang mundo na sina Agatha at ang anino.

"Saan mo ako dinala, kataas-taasan?"

"Saan? Eh 'di sa libingan mo! Hahaha!"

Luminaw ang paligid. Nasa isa silang sementeryo sa mundo ng mga tao.

"Dito kita ililibing sa mismong mundo mo, Agatha! Hahaha!"

Pilit na tumayo si Agatha. Iniamba ang espada, hinawakan ang talim nito at para bang umusal ng panalangin.

"Berdeng liwanag, berdeng liwanag, balutin ako ng iyong liwanag. Lumabas ka mula sa kaibuturan ng aking katapangan, lipulin ang kasamaan!"

Umilaw na naman ang kamay ni Agatha at ngayon ay bumalot ito sa talim ng espada n'ya.

Pumikit si Agatha. Ang isang kamay ay nakahawak sa dibdib sa bandang may puso habang ang isang kamay ay hawak ang espadang binabalot ng berdeng talim.

"Hah!" sigaw nito sabay wasiwas ng espada.

Eksaktong hinati nito ang aninong kanina'y nakapalibot lamang kay Agatha.

"Ahhh! Hindi!" sigaw ng malalim na boses na wari'y nasasaktan.

"Sa wakas! Matitigil na rin ang kasamaan mo, kataas-taasan! Mabubuhay na rin ng normal ang mga tao sa Alcatraz at lalaya na rin ang lahat!" nakangiting sambit ni Agatha.

Ikinumpas nitong muli ang espada tanda na susugod ito.

"Yah! Ah!" Napahawak sa puso si Agatha.

Napatigil s'ya at nakita n'yang may espada ng nakatarak dito.

Ang aninong kalaban n'ya ay unti-unting pomormang tao.

"Za...Zackary, bakit?" tanong ni Misty ng luminaw ang nilalang na kalaban n'ya.

Si Suck, nakatayo sa harap ni Agatha. Hawak ang dulo ng espadang nakatarak sa puso nito.

Umitim na ang screen at lumiwanag na ulit ang paligid ng arena.

"Ikaw? Ikaw ang kataas-taasang kasamaan, Suck?" hindi makapaniwalang tanong ni Misty

Naiiling na napaatras na lamang si Zackary.

"Ikaw ang traidor! Ikaw ang kataas-taasang kasamaan, Zackary!"

MisteryosaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz