Chapter 12

44 2 0
                                    

FINN SULLIVAN

"So paano ba 'yan? Sa akin ka muna ngayon." Nakangising untag ni Finn kay Misty ng maiwan silang dalawa sa tuktok ng simbahan.

Nanalo kasi s'ya sa toss coin nila ni Suck kung sino ang unang magpapaimpress kay Misty.

"Umuwi na tayo sa Alcatraz. Kapag nadiskobre ng taga bantay na wala tayo doon siguradong hahanapin n'ya tayo. Magtataka 'yon kung bakit tayo magkasama."

Tumingala ito sa langit. "20 minutos palang tayong nandito, Misty. May 40 minutos pa ako para makasama ka."

"Pero, Finn..." Akmang magrereklamo pa s'ya ng walang sabi-sabing hinapit s'ya nito sa bewang at tumalon mula sa tuktok ng simbahan. Napapikit na lamang si Misty sa takot. Napayakap din s'ya ng wala sa oras dito.

"Dilat na, Misty. Masyado ka ng nagiging komportable sa pagyakap sa akin."

Bigla naman s'yang napalayo dito. Nag-init ang mukha n'ya sa pagkapahiya.

"Huwag kang mag-alala. Ayos lang. Gustong-gusto ko nga eh. Ang sarap mo palang yumakap. Ang lambot mo." Lalo s'yang napahiya sa tinuran nito.

"Hali ka. Doon tayo sa banda roon." Hinawakan nito ang nakagloves n'yang kamay sabay hila sa kanya.

Nakangiti s'ya nitong pinaupo sa may swing ng makarating na sila sa park. "Dito ka lang muna. May bibilhin lang ako."

Wala na s'yang nasabi ng tumakbo ito palayo.

Ipinikit na lamang n'ya ang mata as t nilanghap ang hangin ng Maynila.

"Maiuuwi ko rin kayo ng sabay, mommy at daddy." Nakangiti n'yang turan sa mga ulap sa kalangitan.

"Hindi ako aasa sa ideya nina Finn. Ang dapat kong gawin ay ang kausapin si Prof. G. Kailangan ko s'yang mapaamin." Determinado n'yang sabi. Alam n'yang malaki ang parte ng propesora, marami s'yang maaaring malaman mula rito.

"Dinala kita rito hindi para mag-isip pa, gusto kong magrelax ka, Misty. Hindi mo kailangang mastress ng ganyan. Relax lang. Malalaman din natin ang sagot sa mga tanong natin. Ito, para sa'yo." Iniabot nito sa kanya ang dalang kwek-kwek at fishball. "Kumain ka. Alam kong nahihirapan kang makaadjust sa pagkain sa Alcatraz."

Inabot naman n'ya ang inilahad nito sabay kain. "Hmmm... Ang sarap talaga kahit pa sabihing masama sa kalusugan ang ganitong pagkain. Teka nga pala. Bakit ganyan ka ding magsalita, para bang sanay na sanay ka dito sa mundo ng mga tao?"

Napatawa si Finn at naupo sa tabi n'ya. Kumagat lang ito sa kwek-kwek na hawak at pinanood ang mga batanf naglalaro sa parke.

"Half-breed ako, Misty. Nanay ko tao, tatay ko halimaw." Nginitian s'ya nito.

"Ha...halimaw? Ibig sabihin, hindi talaga ganyan ang mukha mo?" Nanlaki ang mga mata ni Misty sa naiimagine n'yang itsura ni Finn. "Kagaya ba na ang kalahating bahagi ng katawan mo ay mabalahibo at kalahati lang ang tao?"

Natawa si Finn sa reaction ni Misty. "Hahaha! Relax. Nagmana ako sa ina ko kaya ganito talaga ang anyo ko."

Nakahinga ng maluwag si Misty dahil sa sinabi nito.

"Hoh! Mabuti naman."

"Kapag ba iba ang itsura ko at mukha akong halimaw, hindi mo na ako magugustuhan?"

Saglit na nag-isip si Misty. "Siguro matatakot ako sa una pero mas titingnan ko pa rin 'yong karakter at ugali mo. Ang kagandahan at kagwapuhan kasi, lumilipas 'yan, pero ang mabuting ugali at kagandahan ng puso, 'yan ang tumatagal habang-buhay."

"Pero paano kung ganitong alam mong masamang tao ako at pumapatay?"

"Wala namang perpektong nilalang eh, lahat nagkakamali. Pero lahat pwedeng magbago. Sa nakikita ko naman sa'yo hindi ka likas na masama. Hindi ka naman tutulong na mapalaya ang Alcatraz kung tunay ka ngang masamang tao. Kagaya ka rin siguro ni Kiko na kinailangang magpakasama para manatiling buhay."

MisteryosaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz