Chapter 17 (Part 2)

100 2 0
                                    

"Uy, guys! Wazzup? Kala ko hindi n'yo na ako maaalalang hanapin. Akala n'yo ba kayo lang ang nagkakarinigan? Naririnig ko rin kayo no!" boses ni Finn ang umalingawngaw sa mga tenga nina Suck at Misty.

"Finn!" magkasabay na sabi ng dalawa.

"Missed me?" natatawang tanong niya sa mga ito.

"Ano'ng balita, Finn?" tanong ni Misty na halata ang pagkatuwa sapagkat hindi pala sila nawalan ng komonikasyon sa isa't isa. Magiging madali ang pagpigil nila kay Finn sa kung anumang kabalbalan ang maiisip nitong gawin.

"Wala pa, Misty. Bukod sa mga napakinggan ko sa pag-uusap ninyo, papunta palang kami sa kuta ng mga elemental. Ang cool pala ng lugar na ito no? Parang disneyland. Hindi lang tao ang nakikita pati na mga hayop na kakaiba, may tikbalang pa. Nakakaamaze."

"Finn, huwag kang masyadong malinlang sa ganda ng lugar na ito. Hindi ito ang kasalukuyan, Finn. Nasa nakaraan lamang tayo ng Alcatraz. Wala na ang Alcatraz sa kasalukuyan. Natalo na ito ni Misty noon. Ang natitira na lamang na bakas ng Alcatraz ay ang itim na anino na s'ya ring kataas-taasang kasamaan na patuloy na sumisira sa mundo ng mga tao. Ang alalahanin mo ay ang misyon natin. Huwag kang padala sa ilusyong ito." pangaral ni Suck sa kanya.

"Relax! Chill lang naman, Zackary. Nakalimot lang ako na sumabog na nga pala ang Alcatraz. Pasensya na."

"Oh! Baka mag-away pa kayo. Keep in touch, Finn. Maghihintay at makikinig nalang kami dito."

"Mabuti pa nga, Misty. Malapit na daw kami. Paalam na muna."

Nailing na lamang si Finn. Hindi talaga sila magkakasundo ni Zackary.

"Finn, may problema ba?" tanong ng isa sa mga diwatang kasama n'yang naglalakbay patungo sa silangan, sa lugar ng mga elemental.

"Wala po. Ang ganda ng lugar pero hindi ko lubos maisip kung saan ang daan papunta sa lugar ninyo. Ni wala pa akong nakikitang kabahayan." pagsisinungaling na lang n'ya.

"Ayan! Nandito na tayo sa hagdan. Malapit mo ng makita ang lugar namin, Finn."

"Saan?" takang tanong ni Finn habang nililibot ang paningin sa maliit na falls at sa bahagharing wari'y umiinom ng tubig sa maliit na batis na bagsakan ng tubig mula sa falls.

"D'yan! D'yan na mismo sa bahagharing 'yan."

Unang tumalon ang isa sa mga diwata sa bahaghari. Nakatayo lamang ito sa itaas ng bahaghari habang unti-unting umaakyat paibabaw. 

"Wow! Ang galing! Parang may escalator ah!" naisa-isip ni Finn.

"Talon na, Finn." utos ng diwatang si Nimpa.

Nag-alinlangang tumalon si Finn at nakatayo lamang sa harap ng bahaghari kaya bahagya s'yang itinulak ng diwata papunta dito. Pagapang na napahawak s'ya sa bahaghari habang umaakyat.

Napabungisngis naman ng tawa ang diwata habang nakasunod kay Finn.

"Pilyang diwata." naiiling na sinulyapan ni Finn ang kasunod.

"Hindi nakakatakot ang sumakay sa bahaghari, Finn. Noong bata pa nga ako, imbis na subukang lumipad gamit ang mga pakpak ko ay madalas akong naglalaro paakyat at pababa sa bahaghari. Malambot pa na parang balat ng tupa ang sahig ng bahaghari."

"Cool. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na makakasakay ako sa bahaghari. Ang lambot nga." napahiga si Finn at nagpagulong-gulong ng kaunti sa bahaghari.

Natatawang pinapanood lamang s'ya ng diwata.

"Nandito na tayo." tumalon ng kaunti si Nimpa at bumaba sa sahig ng ulap.

Samantalang nahulog na lamang si Finn sa malambot na ulap matapos mapunta sa dulo ng bahaghari.

"Wala naman palang pot of gold dito. Ulap pala ang nasa dulo ng bahaghari at wow! Isang napakagandang kaharian. Ang daming diwata."

Nagningning ang mga mata ni Finn pagkakita sa kahariang yari sa ginto at pilak. Nakatungtong ito sa ibabaw ng isang napakalaking puting ulap.

"Hali ka, Finn. Pumanhik na tayo sa kastilyo."

Sumunod s'ya kay Nimpa habang pinagmamasdan ang kumikinang na paligid.

"Wala pala sa dulo ng bahaghari ang pot of gold. Nasa kaharian pala ng mga diwata." 

Naglakad sila patungo sa kastilyo habang tumatapak sa hagdanang yari sa maliliit na ulap.

Nagpatunog ng trumpeta ang mga tikbalang na nagsisilbing bantay ng tarangkahan.

Kaagad na lumangitngit ang tarangkahan at nagbukas ang pintuan ng kastilyo.

"Maligayang pagbabalik, Princesa Nimpa." bati ng mga tutubi at bubuyog na nagsasaboy ng mga talulot ng mababangong bulaklak sa kanila.

"Salamat. Salamat. Marahil ay gutom na ang ating panauhin. Maaari bang ipag-utos ninyo sa mga tagaluto na ipaghanda kami ng makakain?"

"Masusunod, princesa." kaagad na nagsipulasan ang lahat at naiwan sila ni Nimpa sa pasilyo.

"Tara na sa iyong kwarto, Finn. Magpahinga ka na muna bago tayo kumain."

Nakanganga lamang ang manghang-mangha na si Finn.

"May problema ba, Finn? Kanina ka pa ganyan." puna ng diwata.

"Ang ganda ng kastilyo ninyo, diwatang Nimpa. Hindi ko mapigilang humanga."

"Kung gusto mo ay dumito ka na habang-buhay. Ako lamang at ang aking mga tapat na mga alagad at ating mga kauring elemental ang naninirahan dito sa kaulapan, bakit hindi ka nalang manatili dito? Wala akong prinsipe. Maaari kang maging prinsipe ko kung iyong gugustuhin, Finn."

"Huwag!" magkapanabay na sigaw nina Suck at Misty mula sa utak ni Finn.

"Huwag nga kayo. Paano ko tatanggihan ang magandang diwatang kaharap ko? Ang ganda pa ng inaalok sa akin. Ang mga ginto at pilak sa lugar na ito ay kasiyahan na para sa akin. Hayaan n'yo na muna akong maglibang dito."

"Finn! Hindi pwede! May misyon tayo!" tutol ni Misty.

"Sinasabi ko na nga ba! Hindi pa rin s'ya mapagkakatiwalaan." sabad ni Suck.

"Maglilibang lang talaga ako. Promise! Kapag nagsawa ako tutulong din ako sa misyon natin."

"Finn! Huwag!"

"Hayaan mo s'ya, Misty! Tayong dalawa nalang ang gumawa ng misyon at iwan na s'ya dito."

Pinutol na ni Suck ang komonikasyon kay Finn.

"Finn! Makinig ka! Hindi ito ang mundo natin. Wala na ang Alcatraz sa kasalukuyan. Kapag nanatili ka rito, kasabay ng digmaan ay mawawala ang kaharian ng mga diwata. Kasama ka nilang mawawa..."

"Bye, Misty!" hindi na pinatapos ni Finn sa pagsasalita si Misty at pinutol na n'ya ang linya ng komonikasyon nito sa kanya.

"Oo, diwatang Nimpa. Dito lang ako kasama mo. Ako na ang iyong magiging prinsipe."

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Mar 23, 2018 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

MisteryosaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin