Chapter 7

64 2 0
                                    

THE LAST 60

"Huh?" Nagulat s'ya ng may mga kamay na humawak sa kanya. "Bitawan mo ako!" Sigaw n'ya sa kung sino.

Agad naman s'yang nitong binitawan. Lumigid ito papunta sa harapan n'ya at yumukod.

"Ano man ang iyong nais, ako ay susunod. Ako'y iyong alipin at tagasunod. Si Kiko ay iyo nang lingkod."

Sa una ay napakunot-noo si Misty hanggang sa maalala n'ya ang pulang buhok ng tikbalang na ibinigay ng lalaking nakakapang itim.

"Lahat ng iuutos ko? Walang halong biro? Hindi traiduran?" Paninigurado n'ya.

"Si Kiko ay tapat sa kanyang kamahalan. Si Kiko ay handang maglingkod hanggang kamatayan." Sagot nito.

"Ang galing naman. May utusan na akong tikbalang." Napapalakpak na turan ni Misty.

"Ano kaya ang magandang iutos sa kanya? Hmmm... Ipapatay ko kaya sa kanya lahat ng nilalang dito sa Alcatraz? O sa kanya ko kaya ipahanap si mommy? O ipapatay muna si Finn kasi alam kong traidor din s'ya? O ipahanap ko nalang kaya o ipapatay ang traidor na gustong sumakop sa mundo ng mga tao at mundo ng dilim? O sa kanya ko kaya ipawasak ang Alcatraz?" Napangisi si Misty sa iniisip.

"Ang aking tahanan ay iyo na kamahalan. Babantayan ka ni Kiko dito sa labas."

Napatitig s'ya dito. Mabait naman pala ang tikbalang. Sadyang territorial lang talaga ang mga nilalang sa Alcatraz. Lahat ay gusto lamang din protektahan ang sarili at manatiling buhay dito sa Alcatraz.

"Ano kaya kung..." Napaisip ng malalim si Misty.

"Okay! I'll do something stupid just today. Pero I hope it works. Sana magawa ko."

Ibinalik n'ya sa tikbalang ang pulang buhok nito.

Bumalik din sa dati nitong kabangisan ang tikbalang na kanina ay kasing amo ng tupa.

"Hahaha! Nagkamali ka sa pagpapalaya sa akin, Misteryosa!" Akmang sisipain s'ya nito.

"Lahat ng bagay at hayop sa mundong ito ay binigyan ng buhay. Lahat ng may buhay ay may karapatan. Isa sa mga karapatang ito ay mamuhay ng malaya. May kakayahang magdesisyon para sa sarili. Binigyan ng isip para makapagdesisyon ng tama. Ikaw, Kiko? May nagawa ka na bang tama sa buong buhay mo? Kung sa tingin mo ay tama ang pumatay ng pumatay, sige, gawin mo rin sa akin ang ginawa mo sa iba. Pero paano kung makasagupa ka ng ibang nilalang na mas malakas sa'yo at pinatay ka rin ng walang kalaban-laban? Magugustuhan mo rin kaya 'yon, Kiko?"

Natigil ang akmang pagsipa ng tikbalang sa kanya at umupo ito sa harap n'ya.

"Waaah! Huhuhu! Mama! Huhuhu!" Iyak nito.

"Hi...hindi naman talaga masama si Kiko. Gusto ko lang makita ang mama ko. Kinuha ng masasama ang mama ko. Hindi ko alam kung saan nila dinala. Si Kiko ay maliit pa noon at walang laban. Kaya...kaya ng marinig ko ang tungkol sa Alcatraz ay pumasok ako rito. Gusto ni Kiko maging malakas para makita ang mama n'ya. Malakas na si Kiko ngayon, 'di na nila ako matatalo. Babawiin ni Kiko ang mama n'ya kapag nakalabas s'ya dito. Si Misteryosa ay kagaya ni Kiko noon. Kawawa at walang laban kaya hindi na lalabanan ni Kiko si Misteryosa." Iyak ng iyak pa din ang tikbalang.

Nakahinga ng maluwag si Misty. Tama ang naging desisyon n'ya.

"Paano kaya kung gawin kong misyon ang hanapin ang kabutihan sa bawat nilalang na nandito sa Alcatraz? Tapos ay sama-sama naming lalabanan ang puno't dulo ng lahat ng kasamaan dito."

"Si Misteryosa ay kaibigan na ni Kiko." Niyakap s'ya ng tikbalang.

"Si Kiko ay kaibigan na rin ni Misteryosa." Nakangiting yumakap din pabalik si Misty.

MisteryosaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant