Chapter 14

33 2 0
                                    

MAITIM NA BALAK

"Kompermado na. Si Misty Rios nga talaga ang kalabang dapat nating idispatsa, Kataas-taasang Kasamaan. Kami ay maghihintay lamang sa iyong utos, kamahalan." Yumukod ang alagad sa harap nito.

"Wala muna kayong gagawin sa ngayon. Baka sabihin nila sobra naman akong nagmamadali. Bigyan pa natin ng kaunting oras na mabuhay ang mga hunghang na 'yan, lalo na si Misty Rios."

"Hindi ba kayo nababahala, kamahalan? Matalino s'yang babae. Nagawa nga n'yang makaligtas sa kwadradong kwarto."

Ikinumpas n'ya ang hintuturo sa hangin. "Tsk! Tsk! Tsk! Marami pa rin ang nakakaligtas sa kwartong 'yon, aking alagad. Alam nating pareho na hindi naman ginawa ang kwadradong kwarto upang pumatay, kundi para subukan lamang ang tatag ng kalooban, talino, diskarte at determinasyon ng isang nilalang upang mabuhay. Subalit, hindi nangangahulugang dahil lang sa nakaligtas s'ya sa kwadradong kwarto, matatalo n'ya na rin ako."

"Tama, kamahalan. Patawad sa aking sinabi."

"Pero tama ka, aking alagad. Hindi dapat ako makampante. Matalino at tuso din ang babaeng 'yon. Nagawa ng isang kagaya n'ya na makapasok sa Alcatraz ng hindi ko agad nalaman. Mabuti na lamang at may mga tapat akong alagad na kagaya mong alerto kung kumilos at mapagmatyag sa paligid."

"Salamat sa papuri, kamahalan. Mananatili kaming tapat sa'yo. Mananatili kaming nakamatyag at nakabantay hangga't wala po kayong bagong utos. Kung wala na kayong iuutos pa ay magpapaalam na po ako." yumuko ito upang magbigay pugay.

"Sandali! Meron na akong naisip. Bilang kataas-taasang hukom ng Alcatraz, ipinag-uutos ko ang pagkakaroon ng isang paligsahan. Ipabatid mo sa mga propesor ang aking bagong utos."

"Paligsahan, kamahalan? Kung iyong mamarapatin ay itatanong ko lamang kung para saan ang paligsahang iyong nais maganap?"

"Naiiba ang paligsahang ito kumpara sa mga dating paligsahan. Kung noon, kapag napanalunan ang isang paligsahan, bagong kapangyarihan ang kapalit, ngayon ay iba na. Matira ang matibay. Iisa lang ang pwedeng manalo, iisa lang ang pwedeng mabuhay. Ang lahat ng natitirang nilalang sa Alcatraz kasama na ang kahuli-hulihang ipapasok ko ay maglalaban ng patayan."

"Patayan? Ibig sabihin ang lahat ng nilalang na nasa loob ng Alcatraz ay magpapatayan hanggang sa isa nalang ang mabuhay? Paano po 'yong mananalo? Ano ang premyo?"

"Kalayaan. Kalayaan mula sa Alcatraz. Panibagong kapangyarihan at bagong buhay sa mundong pipiliin n'ya."

"Ibig sabihin, wala ng matitira sa Alcatraz at tuluyan pang makakaligtas ang isa. Hindi na mawawasak ang Alcatraz. Mananatiling buhay ang Alcatraz. Pero paano kung 'yong nag-iisang makakaligtas ay si Misty Rios at mas pipiliin n'yang kalabanin ka at wasakin ang Alcatraz kaysa piliin ang bagong buhay at kapangyarihan na inaalok n'yo?"

Tumawa ang Kataas-taasang Kasamaan. "Hahaha! Bakit? Hahayaan ko bang manalo si Misty Rios ng ganoon-ganoon nalang? Makakaya ba n'yang patayin ang nanay at tatay n'ya para manalo? Alam mong nasa loob ng Alcatraz sina Gwyneth at Brandon. Kapag naubos ni Misty Rios ang lahat ng nilalang maliban sa mga magulang n'ya, sa tingin mo ba ay maaatim n'yang patayin din ang mga ito? Sigurado akong hindi. Maghahanap lang sila ng daan palabas. Kapag nasa labas na sila? Magagaya lang sila sa ibang nilalang na hindi na nakabalik ng Alcatraz. Magiging abo nalang sila pagkatapos ng isang oras at limang minuto. Hahaha!"

"Ang talino n'yo po, kamahalan. Pero, paano kung nakagawa ng paraan si Misty Rios na mahanap ka bago pa man maubos ang iba? Ikaw din ay isa sa mga nakatira sa Alcatraz. Ako man at ang mga tauhan ko ay ganoon din. Kapag nauna n'ya tayong matalo, tapos na ang misyon n'ya. Magiging malaya na ang lahat ng natitira."

"Sa tingin mo ba ay hahayaan ko nalang 'yon, aking alagad? Huwag kang mag-alala, magagawan ko din ng paraan 'yan. Sigurado akong mauunahan ko s'yang mapatay kaysa mapatay n'ya ako. At isa pa, maliban d'yan may isa pa akong plano." Nakangising anito.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang planong iyon, kamahalan?"

"Hahaha! Ang paibigin s'ya, aking alagad. Ang paibigin s'ya at ng hindi n'ya rin ako maaatim na patayin pa. Huwag sana s'yang magkamaling piliin ako. Hahaha!"

MisteryosaWhere stories live. Discover now