Chapter 4

76 3 0
                                    

CLASS: KILLER MERMAID

"Wala kang pagkakatiwalaan bukod sa sarili mo, Misty." paalala n'ya sa sarili habang naglalakad papasok sa kastilyong mismong paaralan daw na papasukan n'ya sa Alcatraz.

"Ang ganda naman ng lugar na ito. Kung hindi ko lang alam ang history siguradong mag-eenjoy ako sa ganda ng view. Pero kagaya ng mga naririto, nagbabalat-kayo din ang buong lugar. Sa likod ng kagandahan at katahimikan ay ang nagbabadyang panganib ng kung sinong nais sakupin at pamunuan ang dalawang mundo. Huh?!"

Napalingon si Misty. Bigla s'yang nangilabot. Para bang may nagmamasid sa kanya sa kung saan.

Binilisan n'ya ang lakad hanggang sa makarating na s'ya sa tarangkahan ng kastilyo.

"Kung sino ka mang sumusunod sa akin huwag kang duwag! Harapin mo ako!" sigaw n'ya sabay sandal sa tarangkahan.

Nakakuyom ang kamao at inihanda ang sarili upang labanan ang sinumang pangahas na sumusunod sa kanya.

"Ow! Right! Rock 'n roll! Pwede ka nang amazona, Misty. Wala pang kalaban. At huwag mong ipahalatang narito ka para lumaban. Chill ka lang."

Napabuga ng hangin si Misty sabay iling. Tumingin s'ya sa may paanan sabay tawa.

"Ikaw lang pala 'yan, Cris. Nakasunglasses ka pa ah. Hanep!"

"Sinigurado ko lang na maayos ka. At para na rin iparating ang isang huling bilin bago ako bumalik sa mundo n'yo."

"At ano naman 'yon, Cris?"

"Bawal kang umibig sa mundong ito, Misty. Kahit pag-ibig na pangkaibigan, pag-ibig para sa magulang o kahit anong uri ng pag-ibig, hindi pwede. Bawal na bawal."

Napabunghalit ng tawa si Misty. "Sa mundo nga namin hindi ko magawang magkaboyfriend, dito pa kaya? Patawa ka, Cris."

"Nagpapaalala lang ako, Misty Rios. S'ya nga pala, ang classroom mo ay 'yong may ulo ng killer mermaid . Nasa dulo 'yan ng kanang pasilyo. Paano? Aalis na ako. Paalam."

Isang "puff" lang ay nawala ng parang bula si Cris.

S'ya namang paglangitngit ng mabigat na tarangkahan tanda ng pagbubukas ng pintuan.

Malamig na hangin at madilim na hallway ang sumalubong kay Misty pagpasok n'ya.

Huminga muna s'ya ng malalim bago tinahak ang kanang bahagi ng kastilyo.

"Kaya mo 'to, Misty. Kakayanin mo para makita ang mommy mo." Aniya sa sarili habang naglalakad.

Nanginginig ang kalamnan n'ya at naninindig ang balahibo na hindi n'ya alam kung ano ang dahilan.

"Bakit ba kasi pinasok ko 'to? Bakit kailangang ako ang dumanas ng ganitong kababalaghan? Kanina lang nasa bahay pa ako at kumakain ng favorite kong strawberry cream pie?" Drama n'ya.

"Psst!" napalingon s'ya.

"Akala ko umalis ka na, Cr..." akala n'ya si Cris pa din ang nanitsit sa kanya pero natulala s'ya ng malingunan ang isang binata.

Maamo ang mukha nito. Nakatayo ang medyo maikli pa nitong buhok. May hikaw na itim sa kanang tenga. At nakaplaster sa makinis nitong mukha ang isang nakakabighaning ngiti. Matangkad ito at medyo payat pero sakto lang sa edad nitong sa tingin n'ya ay 18 rin. "Heartrob" ito kung ihahalintulad sa mundo ng mga tao.

"Hello! I'm Finn. Not fine but Finn Sulivan. " bati nito sabay kaway sa harap ng mukha n'ya. "Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo? Sabagay walang katulad ko sa mundo ng dilim."

"Ah! Matabil! Bakla siguro ito sa pinagmulan n'yang mundo." aniya sa isip.

Tumikhim muna s'ya bago ito nilampasan.

MisteryosaWhere stories live. Discover now