Chapter 10 (Part 2)

17 1 0
                                    

"Saan nga ba nagsimula ang wakas? Hindi ba sa simula? Pero saan nagsimula ang lahat? Ano'ng simula ang tinutukoy nito? Bakit ang gulo?" sabad ni Finn habang ang iba ay seryosong nakatitig sa papel na iniwan ni Zackary mula sa Alcatraz.

"Hindi kaya ang Alcatraz ang tinutukoy nito? Pero imposible. Nasira na ang Alcatraz. Pare-pareho nating nasaksihan ang pagkawasak nito." sabi ni Misty.

"Oo nga naman. Ano 'yon? Nabuong muli ang Alcatraz? Hindi ba't sinabi ng kataas-taasang kasamaan na sa oras na matalo s'ya ay mawawasak ang Alcatraz at hindi na muling mabubuo pa? Napakaimposible namang nabuong muli ang Alcatraz." sabi naman ni Brandon.

"Unless niloko lang tayo ng kataas-taasang kasamaan na hindi naman malabong mangyari kasi talagang traidor s'ya. O baka naman nabuong muli ang Alcatraz sapagkat hindi naman talaga ang kataas-taasang kasamaan ang bumuo nito. Nandoon na ang lugar bago pa man ito nasakop ng kadiliman." hinuha ni Gwen.

"Pero paano kung talagang hindi naman ito nawasak at naghihintay lang ulit ng mga mamumuno at titira dito?" Dagdag pa ni Brandon.

"So ano na ang gagawin natin? Nauubusan na tayo ng oras. Lumalaki na ng pinsalang nagawa ng mga ipo-ipo." napapalatak na sabi ni Finn.

"Paano natin malalaman kung bumalik at nabuong nga ulit ang Alcatraz?" tanong ni Brandon.

"Sa Winter High! Doon naman talaga nagsimula ang lahat, hindi ba? Sa room 000. Ang daanan mula sa mundo ng mga tao patungo sa mundo ng dilim at sa Alcatraz." bulalas ni Misty.

"Tama! Bakit hindi ko ba kaagad naisip 'yon? Hindi ba't binabalak na guluhin ng kataas-taasang kasamaan ang Winter High Academy? Bakit n'ya guguluhin ang lugar kung nasaan ang lagusan mula sa mundo ng dilim at Alcatraz? Kasi nga kapag nasira na ang daanan, ang tatlong mundo ay magiging isa na. Ang lahat ng nilalang sa mundo ng dilim, Alcatraz at ang mga natitirang nilalang sa mundo ng mga tao ay magsasama-sama na sa iisang mundong pinamumunuan ng kasamaan."

"Waah! Ang mommy ko! Ayokong mamatay ang mommy ko. Ayoko ring mamatay. Hindi pa nga ako yumayaman. Ano ang gagawin natin?" nagpapanic na sabi ni Finn.

"Kailangan nating bumalik ng Alcatraz." deklara ni Brandon.

"Hindi, Brandon. Ang mga bata nalang ang pabalikin natin sa Alcatraz. Dumito muna tayo. Tulungan mo akong gumawa ng paraan para mapigilan ang mga ipo-ipo."

Tumango naman si Brandon. "Lumakad na kayo hanggang may panahon pa, Misty."

Kaagad naghanda sina Misty, Finn at Zackary sa pagbalik sa Winter High Academy.

Ginamit nila ang espesyal na sasakyang ginawa ni Gwenyth... ang driller. Dumaan ang sasakyan sa ilalim ng lupa. Iwas sa mga taong paroo't parito habang nagpapanic. Pati na sa mga ipo-ipong may dalang malakas na hangin na maaaring tangayin ang sinuman kapag nahagip nito.

"Sa wakas. Nakarating din." bulalas ni Finn ng lumabas mula sa lawn ng eskwelahan ang driller.

"Doon sa dulong bahagi ng pasilyo. Nandoon ang room 000."

Kaagad nilang tinakbo ang lugar para lang mapaharap sa kawalan, sa isang malinis at malapad na pader.

"Eh wala namang silid-aralan dito eh. Ayan oh! Purong pader!" pinukpok pa ni Finn ang pader.

"Pakisipa mo nga, Suck." utos ni Misty dito.

Pinagsisipa naman ni Zackary ang pader pero wala. Ni walang bumukas na pinto. Walang pinto kagaya noong unang pumunta si Misty sa Alcatraz.

Nalungkot si Misty. "Wala na nga yata ang Alcatraz. Bakit pa ba ako aasang nabuo iyong muli eh ako mismo ang dahilan ng pagkawasak nito?"

"Tingnan ko nga ulit ang sulat, Misty. Baka may clue pa."

Ibinigay naman ni Misty ang papel kay Zackary.

"Sandali. May scotch tape ako dito. Ilagay natin sa wall para mailawan mo ng buo ang papel. Baka may mapang nakatago d'yan o palatandaan manlang."

Kinuha ni Finn ang papel na ibinigay ni Misty kay Zackary. Nilagyan ito ng scotch tape at idinikit sa pader.

Inilawan ni Misty ang papel gamit ang berdeng liwanag mula sa kamay n'ya.

"Ganoon na ganoon pa rin ang nakasulat, Misty." deklara ni Suck.

"Wala namang palang bago." naiiling na sabi ni Finn.

Ngunit natigilan si Misty at Suck. Agad na kinuha ni Suck ang papel na naka scotch tape para kumpirmahin ang nakita nila.

"Sige, Misty. Subukan mo," utos ni Suck dito.

"Ang ano ba 'yan?" sabad naman ni Finn.

Hugis ng kamay ang markang nakadikit sa pader.

"Wow! Nagawa pa talagang mag-iwan ng marka ang nagsemento nitong pader ha! Buti hindi sila pinagalitan ng prinsipal. Ano ba ang gagawin? Ilalagay ba ang kamay para magfit sa marka tapos ipush? Ako nga muna ang susubok."

Inilagay ni Finn ang kamay sa bakas ng kamay sa pader. Ginawa nito ang sinabi pero walang nangyari.

"Ano ba 'yan. Hindi gumana. Hindi kasi kasya."

"Pakialamero ka kasi. Ikaw na nga, Misty. Inuubos lang ng reklamador at pakialamero na 'yan ang oras natin."

Mabilis na inilagay ni Misty ang nagliliwanag n'yang kamay sa marka sa pader. Itinulak n'ya ang kamay matapos magfit ito sa akala mo'y marka lang pero button pala na nasa pader.

Yumanig ang buong paligid.

"Lumilindol! Umalis na tayo dito." nagpapanic na sabi ni Finn.

Ngunit wala ni isa mang gumalaw kina Suck at Misty. Nanatili sila sa kinakatayuan.

"Andito pa nga ang lagusan." bulalas ni Misty ng tumigil ang pagyanig.

Bukas na ang pader. Nasa harap nila ang kwartong noon nang pinasukan ni Misty, noong unang pinatawag s'ya ni Cris para pasukin ang Alcatraz.

Kaagad na humakbang papasok ng kwarto sina Finn at Misty.

"Wow! Parang magic." nilibot ni Finn ang mata sa buong kwarto. Hindi na pareho ang ayos nito. Noon, may dalawang pinto ito at isang lamesa. Ngayon ay lima na ang pinto. Wala na ang lamesang dati ay inuupuan ng asong si Cris.

Alanganing inihakbang ni Suck ang paa papasok ng kwarto. Nang makapasok na ito ay lumindol ulit. Sumarado ang pader na nagsilbing pinto upang makapasok sila.

"Palabasin n'yo kami dito!" pagpapanic ni Finn habang pinupukpok ang pader.

Ngunit nanatiling nakatitig sa may hamba ng pintuan sina Suck at Misty. Nalatitig sa lumilinaw na mga marka sa ibabaw ng pinto.

"Earth"

"Alcatraz"

"Darkness"

"Memory"

"Power"

Basa nilang pareho sa itaas ng mga pinto.

"Ayan naman pala ang pinto pabalik sa mundo natin eh."

Walang pakundangang binuksan ni Finn ang pintong may nakalagay na "Earth" sa itaas.

"Whooah!" kaagad s'yang hinila ni Suck at mabilis na isinarado ang pinto.

"Wew! Kamuntikan na ako doon ah!" napaupo si Finn sa lapag.

Ang binuksan nitong pinto ay papunta nga sa mundo ng mga tao. Ngunit naghihintay ang malaking ipo-ipo na lalamon at sasalo dito sakaling humakbang ito papasok sa loob ng pintong binuksan nito.

Parehong napatitig sa pintong may nakalagay na "Memory" sina Suck at Misty.

"Handa ka na bang pasukin ang kwartong iyan, Suck?"

Nag-alangan si Zackary.

"Paano kung hindi memorya ni Zackary Estillore ng Alcatraz ang matagpuan ko sa loob n'yan, Misty? Paano kung ibang memorya ang bumalik sa utak ko?"

Nginitian lang s'ya ni Misty. "Tiwala akong ikaw ang mahal kong si Zackary. Hindi lang ramdam ng tumitibok mo nang puso, ramdam din ng puso ko, Suck."

Huminga ng malalim si Suck. "Sige. Papasukin ko, Misty. Hintayin mo akong bumalik."

MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon