Chapter 23

21 2 0
                                    

SINO SA TATLO?

"Ang nanalo...si Cris!" Sigaw ng ibon matapos inisang suntok lang ni Cris ang kalabang Sorcerer. Patay agad ito matapos mayupi ang mukha nito, labas ang utak at mata nito.

"Wala namang kalatoy-latoy na kalaban ang Sorcerer na 'yon. Ni hindi manlang ako pinagpawisan." Wika ni Cris habang pababa ng arena.

"Ang susunod na maglalaban... Misteryosa vs Professor K." Annunsyo ng ibon.

Umakyat sa arena si Prof. K pero wala pa si Misty.

"Inuulit ko. Ang mga maglalaban... Misteryosa vs Prof. K."

Ngunit hindi pa ring nagpakita si Misty.

"Huling tawag para kay Misteryosa."

"Tama na ang satsat ibon! Magbilang ka na at ideklara mo na akong panalo. Atat na akong lumaya mula sa mundong ito!" Utos nito sa ibong referree.

Hindi ito pinakinggan ng ibon, sa halip ay lumipad ito sa ibabaw ng isang telebisyon. "Misteryosa, umakyat ka na sa arena. Magbibilang na ako pagkatapos nitong huling annunsyo. Muli, tinatawagan ko si Misteryosa na umakyat na sa arena at magsisimula na ang laban."

"Bakit, Prof. K? Natatakot ka ba sa akin?"

Dinig nila ang boses ni Misty subalit hindi ito nagpapakita.

"A...ako? Matatakot? Nagpapatawa ka ba? Magpakita ka at harapin ako! Labanan mo ako ng patas!" Sigaw ng propesor.

Tawa lang ang isinagot ni Misty. "Referree, simulan mo na ang laban. Kanina pa ako nakaakyat ng arena. Susubukan ko ang galing nitong propesor na ito gamit ang aking pambulag." Utos ni Misty sa ibon.

"Alam kong hindi ako malakas kaya kinakailangan ko ng taktika. Kailangan kong matalo ang malalakas kong kalaban gamit ang talinong meron ako."

Inilabas n'ya mula sa bulsa ang punyal na iniwan ng ama. Ang sabi ni Cris ay sa mommy n'ya ito pero nakita n'yang ginamit ito ng ama sa pagpatay sa ahas nitong kalaban.

Narinig ng ibon ang utos ni Misty kaya kaagad itong pumwesto sa gitna ng arena.

"Ang maglalaban... Misteryosa vs Prof. K. Laban na!" Ikinumpas ng ibon ang kamay tanda ng pagsisimula ng laban.

"Hanapin mo ako, Prof. K!" Sigaw ni Misty sabay sugod sa professor na natataranta sa paghahanap sa kanya.

"Nasaan ka? Magpakita ka! Huwag kang madaya, Misteryosa!" Sigaw ng kwago.

"Nandito ako!" Sagot ni Misty sabay unday ng saksak sa pakpak ng malaking kwago.

"Ahh!" Daing nito matapos masugatan. "Mandaraya!" Napaluhod ito sa sakit ng sugat.

"Ah, gusto mo pa ha? Ito pa." Sinaksak pa n'ya ang isa pa nitong pakpak.

"Ah!" Napahawak ito sa pakpak. "Magpakita ka, Misteryosa! Lumaban ka ng patas." Tumayo ito at pilit na sinsipat ang paligid.

"Paano kung ayoko?" Inundayan na naman n'ya ito ng saksak sa likod.

"Ah! Tama na. Saglit lang. Maawa ka, pagpahingahin mo naman ako sandali.

"Oh, 'di sige, magpahinga tayo." Sa sobrang kaba ni Misty sa una n'yang laban ay mabilis din s'yang hinihingal at napapagod.

"Magsimula na tayo ulit. Handa na ako." Deklara ng kwago matapos ang ilang sandali. Ginamit nito ang mga kamay na nasa ilalim ng mga pakpak nito at kumuha ng sandata. "Pwede bang magpakita ka na? Matanda naman na ako kaya hindi na rin ako makakalaban ng maayos." May lungkot ang boses nito.

"Pwede kung... Aray!" Tumilapon si Misty matapos tamaan ng pagbigwas ng pakpak nito.

Nabitawan ni Misty ang kapang ginamit na pambulag nito kaya nakita na s'ya ng kwago.

Tinutukan s'ya nito ng espadang hawak nito. "Hahaha! Hindi ka mananalo ng ganyan, Mysteriosa. Hindi uso ang awa rito. Bobo!"

"Mandaraya!"

"Ano ang pandaraya doon? Eh pinakiramdaman ko lang ang paghinga mo ng magpahinga ako? Akala mo ba nakatayo lang ako sa sulok? Nang magsalita ka nasigurado ko na kung nasaan ka, papalampasin ko pa ba ang pagkakataon? Ngayon oras na para ako naman ang magpahirap sa'yong punyeta ka!"

Akmang isasaksak nito kay Misty ang mga espada.

"Huwag!" Sigaw ni Misty sabay salag ng kamay n'ya.

Napapikit na lamang s'ya at hinintay ang paggutay-gutay ng espada nito sa katawan n'ya ngunit wala.

"Ang nanalo...si Misteryosa!"

"Ha?" Napadilat si Misty at nakita n'yang nakahandusay sa gitna ng arena ang sunog na katawan ng Propesor na kwago.

"Papaanong nangyari 'yon?" Tanong n'ya sa mga nanonood.

Lahat napanganga kabilang na sina Suck, Finn at Cris.

"Irereplay ko ang nangyari para sa'yo, Misteryosa." Sabad ng ibon na s'yang tanging nakaimik sa mga natulalang manonood.

Tutok na tutok sa panonood si Misty ng mag-umpisa ang replay sa isa sa mga telebisyon.

"Huwag!" Sigaw n'ya.

Maya-maya ay may lumabas na berdeng liwanag mula sa mga palad n'ya. Doon na tumilapon ang propesor na nagulat din sa paglabas ng liwanag mula sa kamay n'ya.

Nilikop ng berdeng liwanag ang buong katawan ng kwago bago ito sunog na bumagsak sa gitna ng arena.

"Ayan! Ganyan ang nangyari, Misteryosa."

"Papaano?" Napatingin si Misty sa gloves n'ya. Sunog din ito tanda na sa kamay nga n'ya galing ang berdeng liwanag na pumatay sa propesor.

"May powers ako? Saan galing 'to? Ang cool." Manghang nakatitig lamang si Misty sa mga kamay n'ya.

"Finn Sullivan, Cris Sayson at Zackary Estillore, akyat sa arena. Samahan n'yo si Misteryosa rito. Magsisimula na ang huling parte ng paligsahan. Kayo nalang ang natira kaya... laban na para sa kalayaan!" Deklara ng ibon.

Doon palang napatitig si Misty sa mga kasama.

"I...ibig sabihin isa sa inyong tatlo ang kataas-taasang kasamaan?"

MisteryosaWhere stories live. Discover now