Chapter 1 (Part 2)

33 2 0
                                    

{Winter High Academy}

"Wala akong kasalanan! Hindi ko pinatay si Robert! Nagsisinungaling ang witness n'yo!"

Dinig ni Misty ang sigaw ni Valderama mula sa loob ng court room.

"Talaga lang ah? Kung hindi mo sana ako balak ipapatay sa mga bugok na ito, pagbibigyan pa sana kita!"

Pumasok si Misty na hila-hila ang may 20 tauhan ni Valderama.

Kitang-kita ang panlalaki ng mga mata nito ng makita ang mga tauhan.

"Nakikilala mo naman siguro kung sino ang mga kasama ko, Valderama."

"Sino 'yang mga 'yan? Hindi ko sila kilala. Nahihibang ka na." Ni hindi ito makatingin ng diretso kay Misty. Halatang guilty.

"Kilala n'yo ba ang taong 'yon?" tanong n'ya sa mga tauhan nito sabay turo kay Valderama.

Nakita n'yang pinanlakihan ito ng mata ng matandang hukluban.

"Matatakot ba kayo sa kriminal na 'yan at magsisinungaling? O matatakot kayo sa akin at sa lalaking kasama ko kagabi? Sige mamili kayo!"

Itinaas n'ya ang palad at nginisihan ang mga ito.

Kitang-kita naman sa mga goons ang takot nila kay Misty.

"Boss po namin si Valderama. Inutusan n'ya kaming iligpit ang batang ito kagabi." pag-amin ng lider.

"Hindi totoo 'yan! Maniniwala ba kayo sa mga iyan? Eh mas mukhang mga mamamatay tao pa ang mga iyan kaysa sa akin! Frame up lang ang lahat ng ito! Gusto lang nila akong idiin sa kasong hindi ko naman ginawa!"

Hindi inasahan ang sobrang pagwawala ni Valderama sa korte. Naagaw pa nito ang baril sa isa sa mga bantay nito at pinagbabaril ang mga naroon.

Nang magsipanic ang mga tao ay pasimpleng nagpalabas ng berdeng liwanag si Misty at itinira ito sa nagwawalang matanda.

"Ah!" Daing nito matapos magliyab.

"Nababagay lang 'yan sa'yo. Mamatay tao!" nakangising sabi ni Misty.

"Makauwi na nga lang. Hay! Boring na naman ang mga araw! Kung bakit ba kasi hindi pa rin nalalaman ni Mommy ang antidote para sa capsule na ininom namin. Atat na atat na akong bumalik sa trabaho. Siguradong mas mabilis ko nang maresolba ang mga kaso ngayong may kapangyarihan na ako."

Tumalikod na s'ya para umuwi ng biglang mapatigil.

"Hahaha! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nasisira ang mundo n'yo, Misty Rios! Ibabaon ko kayong muli sa impyerno! Hahaha!"

Napalingon si Misty sa nasusunog na si Valderama. Sigurado s'yang hindi ito ang boses ng matanda kundi boses ng kataas-taasang kasamaan.

"Maghahasik akong muli ng lagim! Uunahin ko ang lugar kung saan nagsimula ang lahat! Gagantihan ko kayo, Misty Rios! Hahaha!"

Biglang natumba ang nasunog na si Valderama. Kitang-kita ni Misty ang paglabas ng itim na usok sa bibig ng matandang kriminal.

Nagsitayuan ang mga balahibo ni Misty sa narinig. Nasisigurado na n'yang bumalik na nga ang kasamaan at nagbabadya itong maghasik ng lagim.

"Nanganganib ang Winter High Academy!"

***
"Delikado, Misty! Huwag ka ng bumalik pa sa paaralang 'yon. Nakaligtas tayo noon, paano na ngayon? Paano kapag hindi. Mag-isa ka nalang na lalaban sa kasamaan ngayon!"

Pabalik-balik na naglalakad ang daddy ni Misty sa harap n'ya. Naikwento n'ya kasi dito ang nangyari sa korte.

"Pero kung hindi ko gagawin, Dad, sino ang gagawa? Ako ang may kapangyarihan. Ako ang nagsimulang tumapos sa buhay ng kataas-taasang kasamaan, kaya ako din ang sisiguro sa tiyak na n'yang kamatayan! Sisiguraduhin kong mamamatay na s'ya sa mundong ito!"

"Hay! Bakit kasi ang tigas ng ulo mo, anak! Kung makakalabas lang sana kami ng bahay ng mommy mo, hinding-hindi kita papayagang mag-isang bumalik sa Winter High Academy."

"Magkasing-tigas naman talaga kayo ng ulo ng anak mo, Brandon. Manang-mana sa'yo 'yan."

Naningkit ang mata ng daddy n'ya samantalang natawa naman si Misty sa hirit ng mommy n'yang may dalang nakatuping damit.

"Para saan 'yan, mommy?"

"Para sa'yo 'yan, Misty. Subukan mo."

"Bagong uniform ng Winter High Academy?"

"Babalik ka ng Winter High, hindi ba? Nand'yan na rin ang specialized ID para sa'yo. Naayos ko na rin ang pagpasok mo sa Academy."

"Meaning papasok ako bilang estudyante?"

"Exactly. Magbiblend-in ka sa kanila. Magiging isa ka sa kanila upang mabantayan mo ang pag-atake ng kasamaan. Hindi ka naman basta-bastang makakapasok doon kung magbabantay ka lang."

"Brilliant thinking, mommy. Sa'yo talaga ako nagmana." parinig n'ya sa daddy n'yang naiiling na lamang.

"Sige lang, magkampihan kayo."

Nangingiting iniabot ni Gwen ang mga gamit ni Misty.

"Iyang kurbata mo, baby, may special weapon sa loob n'yan. Iwasiwas mo lang at lalabas mula d'yan ang espada mo, dito naman sa wrist watch lalabas ang kutsilyong bigay ko sa'yo kapag pinindot mo 'yang off button. Kalasin mo lang ang palda mo at magiging sheild na 'yan kapag pinindot mo ang button sa may bulsa n'yan. At iyang winter high long sleeved shirt mo ang magtatago pansamantala ng kapangyarihan ng mga kamay mo. Maitatago ng see-through gloves na nakainstall d'yan ang nagliliwanag mong palad. At iyang coat mo? Kung kakailanganin mong makipaglaban sa ere, hilahin mo lang ang tali d'yan at lolobo 'yang parang balloon para umagat ka sa ere."

"Wow! Thank you, mommy. Pinaghandaan mo talaga ah."

"Alam mo bang babalik ang kasamaan, Gwenyth? Nakahanda ka ah."

"Ang kasamaan ay palaging nandyan, Brandon. 3 taong natahimik ang mga buhay natin pero nasisigurado ko namang dadating din ang panahong ito. Kaya tama lang na maghanda tayo."

***
*Ting! Ting! Ting!*

Isa sa mga estudyanteng nagsipasok sa kanya-kanyang mga classrooms sa araw ng lunes si Misty.

"Kalagitnaan na ng taon pero may hahabol pang estudyante na magiging kaklase n'yo. Si Mystique Lopez (Last name ng mommy n'ya noong dalaga pa ito)." pakilala ng guro kay Misty habang nakatato s'ya sa gilid nito. "Mystique tell us something about yourself."

"Hello. I'm Mystique. You can call me Misty. I'm a forensic investigator living inside the body of a 16 years old kid. You get to know me well for i'm staying here a bit longer. That's all." pakilala n'ya.

Nagsitawanan naman ang mga kaklase n'yang inaakalang nagbibiro lamang s'ya.

"Mapagbiro pala itong si Mystique. Take your seat, Misty. Pumili ka nalang ng bakanteng upuan."

Umupo si Misty sa ikatlong row. Sa nag-iisang bakanteng upuan sa row na iyon.

"Pssst! Doon ka sa likod! Upuan ko 'yan!"

Paninitdit ng kung sinumang nakatayo sa harap ni Misty.

"This seat belongs to me now. Sabi ni ma'am pumili lang ako ng bakanteng upuan. Since walang tao dito, I pressumed na walang nakaupo kaya pwede humanap ka ng sarili mong upuan?" sagot n'ya rito habang busy sa kakahanap ng notebook sa bag n'ya.

"Sabi ko! Akin ang upuang 'yan!"

Doon na napaangat ng tingin si Misty. Naningkit ang mga mata n'yang handang komompronta sa lalaking palaaway sa harap n'ya.

"Ano'ng karapatan mong sigawan a... Finn?" Nanlaki ang mga mata ni Misty ng mapagsino ang kaharap.

MisteryosaWhere stories live. Discover now