Chapter 20

40 2 0
                                    

CRIS SAYSON

*Tumunog ang gong*

Naglakad ang kwagong punong-guro sa gitna ng arena.

"Pagkatapos ng annunsyong ito, pati kaming mga propesor ay makakalaban n'yo sa loob ng arenang ito. Lahat tayo ay magpapatayan hanggang sa matira ang kaisa-isang matibay. Kaya ngayon palang ay magpapaalam na ako sa mga mamamatay dahil ako ang mananalo! Hahaha!" Natatawang pahayag ng punong-guro.

"Hindi rin!"

"Mamamatay ka rin!"

"Uunahin kita, hunghang!"

"Huwag kang mag-ilusyon!"

Sigawan ang mga tumututol na nilalang sa sinabi ng kwago.

"Ahem! Ang paligsahan para sa kalayaan ay opisyal ko nang binubuksan mula sa oras na ito!"

Lumipad ang mga telebisyong may pakpak sa ere. Pumalibot ito sa buong arena. Bawat isa ay ipinapakita ang bawat sulok ng loob nito. Maging sa labas ay mayroon din. Kaya't hindi man makakapunta sa loob ng arena para mapanood ng malapitan ang maglalaban, masasaksihan pa rin ang labanan sa tulong ng mga telebisyong may pakpak.

Mula sa kung saan ay isang maliit na ibong robot ang lumitaw at nagpaikot-ikot sa ere.

"Weeeehhhh! Weeehhh!" Naglalaro ito sa hangin hanggang sa mapansin ang mga hindi natutuwang mga nilalang. Dumapo ito sa itaas ng isang telebisyon.

"Twit! Mula sa puntong ito ay ako na ang inatasang mamahala ng labanan."

"Simple lang ang alituntunin. Dalawampu! Dalawampung nilalang na lamang ang natitira sa labas ng arena. Sampu laban sa sampu. Ang sampung mananalo ay magiging lima laban sa lima hanggang sa ang limang matira ay magpapatayan hanggang iisa na lamang ang matira."

"Ang mga maglalaban!" Nilipad nito ang papel mula sa kastilyo at idinikit sa isang telebisyon.

"Finn VS Prof. Draco"
"Enzo Kabayo VS Leo the Lion"
"Teressa Tigress VS Buwi Buwaya"
"Zackary VS Diwatang itim"
"Gori the Gorilla VS Ana-anaconda"
"Prof. Sneak VS Lulu the Lobo"
"Taong Bato VS Nervana the Mermaid"
"Vanne Daniels VS The Hypnotist"
"Cris Sayson VS The Sorcerer"
"Misteryosa VS Professor K (Kwago)"

"Twit! Kung napansin n'yo ay nagdagdag ng isa ang kataas-taasang kasamaan. Gusto n'ya ng parehas na laban. Hahayaan n'yang makaharap s'ya ng sinumang mananalo. Kung mapapatay ng kung sinuman sa inyo ang kataas-taasang kasamaan, makakalaya s'ya, magkakaroon ng hindi mapantayan na kapangyarihan, at higit sa lahat ay mawawasak pa ang Alcatraz. Ngunit kung mananatiling buhay ang kataas-taasan at matalo n'ya kayong lahat, mananatili s'yang makapangyarihan at mag-uulit lang ang kasaysayan. Magbubukas ang Alcatraz at magpapapasok ng mga panibagong maninirahan. Bibigyan ko kayo ng isang oras para maghanda. Galingan n'yo sa laban! Twit!"

Matapos na maiannounce ng ibon ang mga maglalaban ay kanya-kanya na sila ng paghahanda.

"Cris! Sandali." Tawag n'ya sa labrador.

"Misty Rios... Sumunod ka sa akin." Hindi na nito kailangang lumingon upang makilala s'ya.

Diretsong naglakad ang aso papunta sa likod ng kastilyo. Tahimik na nakasunod lamang si Misty rito.

"Ano ang iyong kailangan, Misty?" Tanong nito ng masiguradong silang dalawa lang ang nasa likod ng kastilyo.

"Ano? Bakit mo ako niloko? Bakit mo kami niloko ng mommy ko?!" Pagalit na tanong ni Misty rito.

"Habang ako ay may lakas pa upang kontrolin ang aking sariling pag-iisip, hayaan mong humingi ako ng paumanhin, Misty."

"Kontrolin? May komokontrol sa'yo? O nagsisinungaling ka na naman?" Tinaasan n'ya ito ng kilay.

MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon