Chapter 8 (Part 2)

25 1 0
                                    

MALING DESISYON

"A-ako? Bakit ako? Wala naman akong kinalaman d'yan, Misty."

Napaatras si Finn at akmang tatakbo ng maglabas si Misty ng berdeng liwanag at pinasabog ang dadaanan nito.

"Peace tayo, Misty. Sabi ko nga 'di na ako tatakbo." Alangang bumalik ito sa kinaroroonan n'ya.

"Kapag guilty talaga eh no, Finn?" nakahalukipkip na aniya.

"Ako? Guilty? Hindi naman eh. Nakakatakot lang kasi 'yang kapangyarihan mo, Misty. Baka ako naman ang tustahin mo kapag nagkataon."

"Nagkataong ano, Finn? Nagkataong tama ang hinala kong isa ka rin sa naengganyo ng itim na usok para patayin ako?"

Halatang namutla ito. "Hi-hindi ah. Nagulat nga ako sa nakita natin kagabi."

"Hindi ba talaga, Finn?"

Hinubad ni Misty ang gloves sa kamay n'ya.

"Alam mo? May isa pa pala akong kapangyarihang hindi nasusubukan sa inyo ni Zackary. Nakalimutan ko na yata sa dami ng pumapasok na problema sa utak ko. Nakalimutan kong may kasagutan naman pala sa lahat ng tanong ko. At ito 'yon...ang kapangyarihan kong makita ang nakaraan ng isang nilalang. Gusto mo bang subukan ko pa ito sa'yo ngayon, Finn? O aamin ka nalang at ng hindi na tayo magkagulatan pa?"

"Sa-sandali naman, Misty. Magkaibigan tayo. Wala namang takutan oh. Pwedeng itago mo na 'yang kapangyarihan mo? Nakakatakot na eh."

"Itatago ko lang ito kung aamin ka! Ayoko rin namang gamitin ito sa'yo eh. Hindi naman ako pumapatay ng inosente. Pero kung tatraidorin mo lang din ako kagaya ng ginawa ng kamukha mong si Finn ng Alcatraz, uunahan na kita ngayon palang."

Naglabas si Misty ng panibagong berdeng liwanag para takutin ito.

Napansin n'yang namasa ang sementong kinakatayuan ni Finn. Napaihi yata ito sa takot. Pero imbis na matawa ay pinili ni Misty na magtapang-tapangan upang mapaamin ito.

Nagulat s'ya ng lumapit ito, lumuhod sa paanan n'ya at hinawakan s'ya sa palda.

"So-sorry, Misty. Nabulag lang din ako. Nasilaw sa alok n'yang kapangyarihan at salapi. Si mommy kasi, kinuha ang lahat ng credit cards ko, hindi pa ako bibigyan ng allowance at ipapahatid at ipapasundo sa driver para hindi na makagala. Alam mo 'yon, 'di ba? Naiintindihan mo naman 'yon, 'di ba? Gusto ko lang ng kalayaan pero ayaw ibigay ni mommy 'yon."

Napahinga ng malalim si Misty. Ang hirap talagang kalaban ng kasamaan lalo na't kaya nitong bulagin ang tao sa magagandang pangako at sa maluluhong pamumuhay.

"Sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin, Misty. Huwag mo lang akong patayin. Huwag mo lang gamitin sa akin 'yang kapangyarihan mong 'yan." pagmamakaawa nito sa kanya.

"Alam mo kung ano ang dapat mong gawin, Finn. Hindi mo na kailangan pang itanong."

Bumuntong-hininga naman ito at tumango.

"Sundan mo ako, Misty."

Nauna itong naglakad hanggang makarating sila sa isang burol sa dulong bahagi ng bayan.

"Ano'ng gagawin natin dito?" takang tanong ni Misty.

Suminyas naman si Finn na tumahimik s'ya, na s'ya naman n'yang ginawa.

"Itim na usok! Magpakita ka sa akin! Harapin mo ako! Ngayon din!"

Napaatras si Misty at nagtago sa likod ng naroong puno. Hindi muna s'ya dapat makita ng itim na anino. Kailangang maobserbahan n'ya ang mangyayari.

"Itim na usok! Magpakita ka! Huwag kang duwag!"

Pero kitang-kita ni Misty ang pangangatog ng tuhod ni Finn. Ito yata ang naduduwag.

Lumingon ito sa dako n'ya na para bang nanghihingi ng suporta. Tumango naman si Misty at naglabas ng berdeng liwanag para ipaalam dito na ready s'ya sa pagtulong.

"Itim na usok! Lumabas ka!" sigaw ulit nito.

Lumakas naman ang hangin at dumilim ang paligid. Maya-maya ay nagpakita na ang itim na usok kay Finn.

"Ano'ng kailangan mo? Natapos na ba ang misyon mo?"

"Hindi. At hinding-hindi na. Ayoko ng maging masama. Hindi pala ako masama. Takot akong pumatay. Takot din akong mapatay kaya aayaw na ako. Kakalas na ako sa kasunduan natin." nanginginig na sigaw ni Finn sa anino.

"Aray!" daing ng anino.

Kitang-kita nila ni Finn ang pagkatapyas ng malaking bahagi ng pigura nito. Epektibo nga ang pagbabalik sa kabutihan ng mga masasamang nilalang sa unti-unting pagkakatapyas at panghihina ng itim na anino.

Naging sigurado naman si Misty na pumanig na nga sa kabutihan si Finn.

"Hindi mo ako matatakasan ng ganoon-ganoon nalang, Finn!"

Humangin ng malakas. Sinubukan namang kumapit ni Finn sa naroong mga halaman.

"Hindi ka makakakalas sa kasunduan ng hindi kita nagagantihan!"

Lalong lumakas ang hangin.

"Misty! Tulong!" natatangay na si Finn ng hangin kaya kinailangan ng umaksyon ni Misty.

Naglabas s'ya ng berdeng liwanag at ibinato sa sentro ng itim na ipo-ipo ang tira n'ya.

"Ah!" daing nito.

Nahati ang itim na usok at natigil ang malakas na hangin.

Napabuga naman ng hangin si Finn. Mabilis na tumayo at tumakbo papunta sa likod ni Misty.

"Dito ka lang sa likod ko, Finn. Ako na ang bahala dito."

"Oo, Misty. Dito lang ako."

Nanginginig namang nagtago si Finn sa likod ni Misty.

"Misteryosa! Pakialamera ka!" galit na galit na bumuo na naman ng ipo-ipo ang itim na anino.

"Hindi mo teritoryo ang mundong ito, kataas-taasang kasamaan!"

"At sino ang may kapangyarihan sa lugar na ito? Kayong mga tao? Kayong mga tao na likas na ganid, mapagsamantala at uhaw sa kapangyarihan?"

"Hindi lahat ng tao, masama! At kahit na masasama may naitatago pa ring kabaitan. May itinatago pa ring kabutihan. Kaya matatalo at matatalo ka sa mundong ito. Matutunaw ka rin dahil sa kabutihan. Kami ang gagawa ng paraan para gumawa ng mabuti ang mga tao at ng tuluyan ka ng malusaw."

"Hindi! Hindi ako makakapayag!"

Bumuo ng mas malalaking mga ipo-ipo ang itim na anino.

"Tingnan lang natin kung may matira sa mundo n'yo kapag pinakilos ko na ang lahat ng ipo-ipong ito. Uunti-untiin kong ubusin ang lahat ng nilalang sa mundo n'yo. Magiging sementeryo ang mundo ng mga tao pagkatapos ko! Hahaha!"

"Huwag!"

Pero wala ng magawa ang pagpipigil ni Misty sa itim na anino. Nawala na ito at kitang-kita ang pag-ikot ng mga ipo-ipo patungo sa bayan.

"Misty paano na? Nagalit yata ang iitm na usok dahil sa paglaban mo sa kanya."

"Hah!" sinubukang tirahin ni Misty ng berdeng liwanag ang isa sa mga ipo-ipo ngunit tumagos lamang ito at tumama sa kabundukang kaagad na nasunog.

"Masama ito! Umuwi muna tayo, Finn. Kakailanganin ko ang tulong ng mommy at daddy ko. Kailangang mapigilan natin ang pagkawasak ng mundo. Kailangang mapigilan natin ang itim na anino."

MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon