Chapter 4 (Part 2)

23 2 0
                                    

PUSO NA ANG NAGSABI

"Pangatlo...patayin si Misteryosa. Kompetuhin mo ang iyong listahan. Ang kapalit ay ang alaala ng iyong nakaraan." muling umalingawngaw sa gunita ni Zackary ang mga salitang iyon ng itim na usok.

"Una, pumatay ng lima." aniya.

Sa gilid ng daan ay may nag-iinuman.

"Uy! Boy, sali ka!" tawag ng mga ito sa kanya ng mapansin s'ya.

Lalagpasan nalang sana n'ya kasi wala s'yang balak patayin ang mga nanlilimahid na mababahong nilalang ngunit bigla s'yang hinawakan ng isa.

"Teka! Kapag kinakausap ka, sumagot ka! Kapag niyayaya ka, huminto ka at umupo dito kasama namin!"

"Oo nga, bata! Napadaan ka lang eh akala mo kung sino ka! Kilala mo ba kami?"

"Hindi po. Kaya nga hindi ko kayo kinakausap. I don't talk to strangers kaya kung mamarapatin n'yo uuwi na ako. Dadaan lang ako, mga kuya." sagot n'ya.

"Aba matapang ka ah! Sasagot ka pa!" akmang hahambalusin s'ya ng upuan at bote ng mga manginginom.

"Kayo po ang matatapang na wala sa lugar."

Inilabas n'ya ang pangil n'ya at pinagkakagat ang mga manginginom na walang nagawa kundi mamatay nalang ng walang laban.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Natapos ko na ang una. Sayang ang mga buhay n'yo. You deserve to die though!" sabi n'ya habang pinupunasan ang bibig n'yang napuno ng masangsang nitong mga dugo.

Iniwan n'ya ang limang patay sa gilid ng daan at dumiretso ng lakad.

"Hindi ko na pala kailangang pumatay ng inosente. Maraming tao ang masasama kaya kailangan ng mawala at mamatay."

"Psst! Pogi! Hali ka dito!" napadaan s'ya malapit sa isang bar.

"Babae? Hindi ako nananakit ng babae." saad n'ya ng mapagsino ang tumatawag sa kanya. Isa pala itong pokpok.

"Pogi! Libre kita ng isang oras. Masarap ako!" yaya pa nito sabay hawak sa kamay n'ya.

"Hindi ako pumapatol sa babae."

"Bakla ka?"

Umiling lang s'ya at naglakad palayo.

"Hoy! Chicks namin 'yon ah! Bakit mo dinidiskartehan?" tanong ng lalaki matapos s'yang pigilan sa balikat.

"Hindi ko po dinidiskartehan. Hindi ako nananakit ng babae."

"Ah ganoon? Gentleman ka? O bakla? Pwe! Kung hindi ka pumapatol sa babae, pwes! Kami ang patulan mo!"

Itinulak s'ya nito sa mga kasama nito. Pinagpasa-pasahan nila s'yang parang bola.

"Aba! Hindi manlang nagrereklamo. Nagugustuhan pa yata ang ginagawa natin, mga pre."

Nagsitawanan ang mga lalaking walang magawa kundi ang pagtripan s'ya.

"Tapos na kayo? Ako naman."

Inilabas n'ya ang pangil.

"Hahaha! Ano 'yan? Bampira ka ba o aswang?"

"Bampira yata, pre! Pero mukhang laruan lang. Hahaha!"

"Hindi! Aswang yata, pre. Pero wala namang pakpak at kukong mahahaba 'yan. Fake yata. Hahaha!"

"Gusto n'yong subukan?"

Inisa-isa ni Suck ang mga maton. Pinagkakagat n'ya ang mga ito hanggang sa iisa nalang ang natira.

"Ano? Sa tingin mo fake ako? Hah!" tinakot pa n'ya ito gamit ang mga pangil n'ya.

"Ha-halimaw! May halimaw dito!" nagtatakbo itong parang bakla ngunit mabilis lamang s'yang naabutan ni Suck at kinagat kagaya ng iba.

"Hindi porke't maliliit, mamaliitin n'yo na. Hindi porke't mahihina, aalipustahin n'yo na."

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Aba't sobra pa ng isa."

Nilampasan n'ya ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Pangatlong misyon nalang ang natitira."

Naglakad s'ya patungo sa bahay na pakay.

Nakabukas na naman ang bintana nito.

Walang anu-ano'y tinalon nito ang bintana at mabilis na nakapasok sa loob.

"Pangatlo...patayin si Misteryosa. Kompetuhin mo ang listahan. Ang kapalit ay ang alaala ng nakaraan."

Inilabas n'ya ang pangil at nilapitan ang natutulog na dalagita.

"Pasensya na, Misty. Ibang tulong ang kailangan ko. Hindi ko na kailangang magpakahirap para lang bumalik ang alaala ko. Isang kagat lang, Misty. Isang kagat lang."

Umupo s'ya sa tabi ng dalagita at hinawi ang buhok nitong nakatabing sa leeg nito.

"Hmmm... Suck!" napahinto s'ya sa akmang pagkagat sa leeg nito.

Tinitigan n'ya ang mukha ng dalagitang kahit sa panaginip ay tinatawag ang pangalan n'ya.

"Hindi na ako mapipigilan n'yang maganda mong mukha, Misty."

Hinawakan n'ya ito sa ulo at akmang kakagatin na ang leeg ng bumaling ito ng higa.

Saktong lumapat ang labi nito sa labi n'ya.

"Suck..." anas nito habang magkahinang ang mga labi nila.

*Dug! Dug! Dug! Dug!*

Kinapa ni Suck ang sariling dibdib.

Nang marinig ang pagtibok ng puso n'ya ay mabilis n'yang tinalon ang bintana. Tumakbo kaagad s'ya pagkababa n'ya sa kalsada.

"Hindi! Bakit ganito? Bakit tumitibok itong puso ko? Bakit kay Misty pa?" hapong-hapo s'yang napasandal sa likod ng poste ng ilaw.

"Sinabi ko na kasi sa'yo, Zackary. Ikaw ang lalaking mahal ko. Mahal mo din ako, 'di ba? Ramdam mo 'yon. Ramdam na ng puso mo, Suck!"

Napalingon si Suck. Nasa likod n'ya si Misty. Nakapajama pa ito at nakayapak.

"Gising ka kaninang nasa kwarto mo ako?" hindi n'ya mapigilang maitanong.

"Noong una, tulog ako, pero napanaginipan kitang pumasok sa kwarto ko. Nagising ako sa lakas ng tibok ng puso mo. Pero nahuli na ako. Pagdilat ko nakalabas ka na ng bintana. Tumitibok na ang puso mo, Suck." Nakangiti nitong sabi sa kanya.

Ramdam n'ya ang paglakas lalo ng tibok ng puso n'ya.

"Huwag kang ngumiti, Misty. Ayokong ngumingiti ka ng ganyan."

"Bakit, Suck? Bawal na ba akong ngumiti? Hindi ba ako pwedeng maging masaya?"

Inilayo n'ya ang paningin. Hindi n'ya magawang tingnan si Misty sapagkat lumalakas ang tibok ng puso n'ya sa tuwing ginagawa n'ya ito.

"Basta ayoko. Aalis na ako. Hindi tayo magkakampi, Misty. Kailangan kitang patayin upang makuha kong muli ang alaala ko."

Tinalikuran n'ya ito at naglakad palayo.

"Aanib ka sa kasamaan para lang makuhang muli ang memorya mo? Ano? Papatayin mo ako para bumalik ang alaala mo? Sige, Suck! Willing akong maging biktima mo! Hali ka rito! Bumalik ka rito! Kagatin mo ako! Sige na!"

Dinig n'ya ang paghikbi ni Misty. Hindi n'ya alam kung bakit pero nakaramdam din s'ya ng lungkot.

Muli n'yang binalikan ang dalagita.

"Hindi ako nananakit ng babae."

"Talaga? Bakit mo ako sasaktan? Bakit nakakaramdam ako ng sakit dahil sa pinipili mong maniwala sa kasamaan kaysa ang magtiwala sa akin na kaya kong ibalik alaala mo?"

Hindi n'ya alam ang isasagot.

"Pa...patawad, Misty."

Ang huli n'yang sinabi bago ito iniwan. Ni hindi n'ya rin alam kung bakit n'ya sinabi ang mga katagang 'yon. Hindi pala n'ya talaga kayang pumatay ng inosente. Hindi n'ya kayang manakit physically ng babae. At lalong hindi n'ya kayang saktan si Misty Rios.

MisteryosaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt