Chapter 8

64 4 0
                                    

MASKARADOS

"Mga istupido! Mga bobo! Paano na ngayon 'yan?"

Itinapon ng pinuno ng mga maskaradong lalaki ang hawak nitong kopita ng alak.

"Kung bakit kasi sandamukal kayong mga walang kwenta? Mga tanga!" Galit na galit na pinagsasampal nito ang mga tauhan.

"Eh boss, hindi namin akalaing may sa pusa pala ang Misty Rios na 'yon. Sinunog na nga namin ang laboratoryo, nagawa pa rin n'yang tumakas." sagot ng pinakalider ng mga tauhan nito.

"Kasi hindi n'yo inayos ang trabaho ninyo! Kasi ang hahangin ninyo! Akala n'yo kung sino kayong magagaling! Hindi ba ang utos ko lang sa inyo ay ang kausapin s'ya ng maayos? Paanong napunta kayo sa panununog ng laboratoryo?"

"Eh tinakbuhan n'ya po kami pagkakita n'ya sa amin."

"Tinakbuhan ba n'ya talaga kayo o binalak n'yo talaga s'yang patayin? Ang utos ko sa inyo ay protektahan s'ya! Ang ilayo s'ya sa kapahamakan..ang huwag s'yang hayaang makapasok dito sa Alcatraz!"

"Eh... Sana pinapatay nalang natin ang mga nasa listahan hangga't hindi pa sila nakakapasok dito sa Alcatraz."

"Sinasabi ko na nga ba at iyan ang pakay mo! Akala mo ba hindi makakarating ang kabulastugan mong ginagawa?" ibinitin n'ya ito sa pader saka hinawakan sa leeg.

"Pinuno, nasasakal ako. Pa...patawad po."

Saka pa lamang n'ya ito binitawan.

"Kung hindi ka lang madadagdag sa bilang upang magsara ng tuluyan ang Alcatraz pinatay na rin kita!"

Inutusan n'ya ang mga alagad n'yang kausapin si Misty upang tanggihan nito ang binabalak na pagpapapasok ng tagabantay sa dalaga sa Alcatraz. Si Misty Rios ay isa sa mga taong nais paimbitahan ng tagabantay upang pumasok sa Alcatraz at mabuo ang bilang. Dahil sa katangahan ng tauhan n'ya ay natakasan sila ni Misty, huli na ng malaman n'ya sapagkat nakarating na sa Alcatraz ang dalaga.

"Pasensya na, pinuno. Hindi na mauulit."

"Talagang hindi na mauulit. Kasi hindi ka na sasama sa misyon! Dito ka at babantayan ang mga bihag sa lihim na silid!"

"Pero, pinuno!"

"Wala ng pero pero. Ang utos ay utos."

May kinuha s'yang listahan at ibinigay sa isa pa n'yang tauhan.

"Siguraduhin n'yong ang mga nakalista d'yan ay hindi magkakaroon ng ideya patungkol sa Alcatraz. Kung may isa man d'yan na nakabasa ng sulat ng tagabantay, kombinsihin n'yong huwag pumasok dito. Gamitan n'yo ng mahika kung kinakailangang makalimutan nila ang tungkol sa sulat galing sa tagabantay. Hindi maaaring makapasok ni isa man sa kanila. Hindi maaaring makompleto ang bilang ng mga naninirahan dito sa Alcatraz. Hindi maaaring magtagumpay ang kataas-taasang kadiliman."

"Masusunod, pinuno."

Nagsialisan na ang iba n'yang tauhan maliban sa isa n'yang pinaiwan.

"Paano kung may nakasalisi pa papasok ng Alcatraz maliban kay Misty Rios, pinuno?"

Napabuntong-hininga s'ya. Alam n'ya sa sarili n'yang may isa pang nakapasok. Pero alam n'yang lingid pa ito sa kaalaman ng tagabantay. Hindi n'ya maaaring ipaalam sa iba na ang anak ng dilim ay nakakalabas-masok sa Alcatraz gamit ang isang lagusan.

"Hangga't binabantayan n'yo ang mga lagusan at binabantayan n'yo ang bawat kilos ng tagabantay sa kung sino-sinong pinapapasok n'ya dito sa Alcatraz mananatiling payapa ang kalooban kong hindi pa mabubuo ang kokompleto sa bilang. Isa pa, hindi pa maisasakatuparan ang pagkakabuo ng bilang kung iiwasan nating magpatayan."

"Kaya ba may mga bihag, pinuno? Itatago mo sila upang matagalang mabuo ng tagabantay ang bilang ng mamamatay?"

"Kung hindi lamang sana ibinabalik ng tagabantay ang mga tumatakas, noon ko pa ipinatapon ang lahat ng naririto sa labas ng Alcatraz. Ngunit matalino ang tagabantay, nahahanap pa rin n'ya ang mga tumatakas at naibabalik dito sa loob. Ang mga bihag na ito ang nagbibigay sa akin ng kapanatagan. Mapatay man n'ya ang may tatlumpu't apat na nilalang na nakakalat sa paligid ng dormitoryo pati na tayong sampung miyembro ng Maskarados, tiyak na mahihirapan s'yang hanapin ang labing-limang iba pa na bihag natin sa sekretong kutang ito."

"Sana lang hindi tayo maunahan ng tagabantay. Sana ang wala pa s'yang naipapasok ng wala tayong kaalam-alam."

Kinuha n'ya ang maskara at kapa tanda na nililisanin na n'ya ang sekretong kuta.

"Ikaw na muna ang bahala dito. Babalik din ako bago sumapit ang liwanag."

"Saan ka pupunta, pinuno?"

Iling lang ang sagot n'ya rito bago tumalikod at lumabas sa sekretong kuta.

Tinahak ng mga paa n'ya ang kadiliman ng gabi. Patungo s'ya sa direksyong alam n'ya na naroroon ang pakay.

Nadatnan n'ya itong nakaupo sa isang bato at umiinom ng dugo sa isang kopita.

"Brandon Rios." napaatras s'ya ng makilala nito. Matagal na s'yang hindi natatawag ng kahit na sino sa totoo n'yang pangalan.

"Vanne Daniels ang gamit kong pangalan." pagtatama n'ya.

"Ano ang pakay mo?" tiningala s'ya nito at tinitigan.

Nakipaglaban s'ya ng titigan dito hanggang sa ito na ang kusang sumuko. Alam n'yang kapag s'ya ang sumuko sa titigang 'yon ay magiging alipin s'ya nito.

"Ikaw ang dapat kong tanungin ng ganyan, Zackary Estillore."

"Alam mo ang gusto kong mangyari, Vanne! Ang talunin ang kataas-taasang kasamaan! Ang patayin s'ya at ang palayain ang lahat ng nasa mundong ito!" matigas na turan nito.

Napailing s'ya. "Hindi ka na sana pumasok pa rito, Suck. Hindi ba't kinausap na rin kita noon? Na huwag ka ng pumasok pa rito! Na dilikado ang lugar na ito! Dadagdag ka lang sa mamamatay kung sakali! Alam mo bang ikaw na ang huling bilang na hinihintay n'ya? Mabubuo na ang plano n'yang alipinin tayong lahat dito sa loob ng Alcatraz! Kaya 'wag kang hibang, Suck! Ngayon palang sinasabi ko sa'yo! Hindi mo s'ya kaya!"

"At sino ang makakatalo sa kanya? Kayo? Kung kaya n'yo sana noon n'yo pa ginawa! Sana noon pa kayo gumawa ng paraan para matigil ang lahat ng ito! Hindi kayo nakagawa ng paraan kaya marapat lang na ako na ang kumilos bago pa mahuli ang lahat!"

"Hmmm... Para ba talaga ito sa kalayaan ng lahat, Suck? Para ba talaga sa amin kaya mo gagawin ang lahat ng ito?"

Natahimik ang binata.

"Alam kong matagal ka ng nakasubaybay sa kanya. Mula pa noong bata pa s'ya hanggang sa ngayon. S'ya ang dahilan kaya ka sumunod dito, 'di ba?"

"Hindi ko sasagutin ang tanong mong 'yan, Vanne." tumayo ito at tumalikod sa kanya.

"Bawal ang pag-ibig sa lugar na ito, Zackary! Ipinapaalam ko sa'yo kung wala kang ideya! Huwag sanang ikaw ang maging dahilan ng kamatayan n'ya!"

"Andito ako para protektahan si Misty. Kung ang inaalala mo ay ako, hangga't magagawa ko hindi ako magpapakita sa kanya. Ni hindi n'ya malalamang nag-eexist ako. Ililigtas ko lamang s'ya kung kinakailangan."

"Dapat lang, Suck! Hindi maatim ng konsyensya ko kung may mangyaring masama sa kanya."

"Wala kang aalalahanin, Vanne. Alam nating pareho ang kaka..."

"Shhh! Tama na, Suck! Walang dapat makaalam sa bagay na 'yan!"

"Paano kung 'yon pala ang paraan para makilala ang tunay na traidor? Paano kung s'ya pala ang makakakilala sa kanya? Bakit hindi natin..."

"Tama na, Suck! Kung talagang iyon ang paraan siguradong itatadhana 'yon. Hayaan nating madiskurbe n'ya ang talento n'yang 'yon. Huwag nating ipagpilitan. Baka mapahamak pa s'ya. Ang dapat mong gawin ay lumabas na sa lugar na ito at huwag ng babalik pa. Umalis ka na bago pa malaman ng tagabantay na kompleto na ang bilang!"

"Papaumaga na. Aalis na ako." 

Tinalikuran na lamang s'ya nito basta. Pumasok ito sa sekretong lagusan at nawalang parang bula.

"Huwag ka na sana talagang bumalik. Hindi sana ikaw ang magpahamak kay Misty, Zackary. Hindi sana ikaw ang magpahamak sa aming lahat."

MisteryosaWhere stories live. Discover now