Chapter 27

25 2 0
                                    

ANG NAKARAAN NI ZACKARY

"Agatha!" napalingon ito ng tawagin n'ya habang nakangiti s'yang tumatakbo patungo sa kinaroroonan nito.

"Mahal ko, dahan-dahan naman. Bakit ka ba nagmamadali?" Nakangiting inilahad ni Agatha ang kamay kay Zackary.

Umupo si Zackary sa tabi nito sa itaas ng burol. Ginagap n'ya ang kamay ng dalaga at pinagmasdan ang kagandahang nasa harapan nila.

"Atin nang magiging paraiso ang Alcatraz mahal ko. Doon? Sa banda roon. Sa tabing ilog, doon ako magtatayo ng isang malaking bahay para sa ating dalawa at sa mga magiging anak natin. Doon tayo magsisimula ng bagong buhay."

Humilig sa balikat ni Suck si Agatha at hinawakan ang pisngi ng binata. Sinalat rin nito ang noo n'ya.

"Nilalagnat ka ba, mahal ko? O sadyang hindi ka pa nagigising sa lagay na 'yan?" biro ni Agatha sa kanya.

"Hahaha! Hindi, mahal. Pinagtawanan mo pa ako. Ako'y masaya lamang. Sa wakas ay magdadaos na muli ng paligsahan ang kataas-taasang kasamaan. Tinawag nila itong... laban para sa kalayaan. Mahal! May pag-asa nang makalaya mula sa pang-aalipin ng kasamaan ang ating lahi at ang lahat ng nakatira dito sa Alcatraz."

Umiling si Agatha. "Tuso ang kataas-taasang kasamaan, mahal. Alam kong pakana n'ya lamang ito upang lipulin tayong lahat."

Tumayo si Agatha. Naglakad patungo sa punong nasa kanang bahagi ng burol.

"Nakikita mo ba ang mga markang ito sa puno? Tanda iyan ng ilang dekadang pakikipaglaban ng ating mga ninuno ngunit walang nangyari. Nasasawi lamang sila sa giyera."

"At ano, Agatha? Mananatiling ganoon na lamang ba ang sistema? Mamamatay nalang ba tayong alipin ng kataas-taasang kasamaan? Bakit hindi natin subukang lumaban?"

"Ewan ko, Suck. Hindi ko alam." umupo itong muli sa tabi n'ya.

Hinawakan ni Suck ang nakagloves nitong kamay.

"Binigyan ka ng kakaibang kapangyarihan, mahal. Bakit hindi mo gamitin 'yan upang iligtas ang lahat ng may buhay dito sa Alcatraz? Tutulungan naman kita eh."

"Paano kung hindi tayo magtagumpay? Libingan ang bagsak natin, Suck. Hindi ko nanaising magbuwis ng buhay ang isa man sa atin. Hindi ko iaalay ang aking buhay sa walang kasiguraduhang laban."

"Ayaw mo? Sige ako nalang! Hindi ako mamamatay ng duwag at talunan!" singhal n'ya kay Agatha bago kumaripas ng takbo pabalik sa nagkukumpulang tao.

***
"Ang laban para sa kalayaan ay magsisimula sa ika-12 ng tanghali bukas. Lahat ay magsipag-handa. Mapabata, matanda, mga babae o may kapansanan, lahat ay kasali. Lahat ay maglalaban-laban upang mapanalunan ang minimithing kalayaan." annunsyo mula sa punong-guro ng kastilyong aralan.

"Hindi maaari! Mamamatay ang mga walang kalaban-laban!" sigaw ng isang nilalang.

Biglang kumidlat at nasunog na lamang ang nilalang na tumutol hanggang sa maging abo ito.

"Depende sa inyo kung ano ang gugustuhin n'yong laban. Kung maghihintay na mamatay ng may pagtutol at takot o ang lumaban at mamatay ng marangal. Hindi mo lang alam, baka ikaw pa ang mismong makalaya mula sa magandang paraisong ito!" tumalikod na ang propesor at bumalik sa loob ng kastilyo.

Nagkagulo ang mga nilalang sa annunsyong natanggap. May ibang napapaiyak na lamang, may nagsisimula ng magpatayan sa isang gilid, may mga nagsipagtakbuhan na para kumuha ng kagamitang pandigma at ang iba ay nagsitago na upang matakasan ang labanan.

"Isa pa pala." bumalik na muli ang punong-guro. "Para hindi naman masabing mandaraya ang kataas-taasang kasamaan, s'ya ay sasali rin sa paligsahan. Oras na mapatay n'yo ang kataas-taasan ay makakalaya ang lahat ng nilalang na natitira sa Alcatraz. Iyon ay kung matatalo n'yo s'ya. Oo nga pala, pati kaming mga propesor ay sasali rin kaya kahit kami ay maaaring makaharap ang kataas-taasan. Magkita-kita tayo bukas sa arena." sabi nito sabay balik sa loob ng kastilyo.

MisteryosaWhere stories live. Discover now