PROLOGUE

23.1K 567 41
                                    

PROLOGUE

Kadiliman .

Nakaka binging katahimikan .

Hindi ko alam kung nasaan ako o kung saan man ako patungo ,  ang alam ko lang bumabagsak ako palalim ng palalim sa isang lugar na walang hanggang kadiliman ,  kasabay ng galit at pagkamuhi sa'king puso .

Pilit kong inaabot ang kamay ko sa kaunting liwanag na natatanaw ko  , hanggang sa mabalot na ang buong lugar ng kadiliman . Parang patungo na ako sa kamatayan na wala man lang nagawa para bigyang hustisya o kahit kilalanin man lang ang tao sa likod ng walang habas na pagpatay sa  mga magulang ko ,  maging sa mga naninilbihan sa amin na malalapit sa'min .

Nang sa gitna ng dilim may narinig akong boses , 

" Makipag kasundo ka sakin at ipinapangako ko , iaahon kita sa kawalan at habang naka kontrata tayong dalawa sa isat-isa hinding hindi kita pagtataksilan . " 

( Boses na kay lamig )

"Sino ka ?! " iyon lang ang tangi kong nasabi , gusto ko ng makakapitan at hindi ko pa gustong mamatay  ,umaasa ako na matutulungan n'ya ko .

  " Isa akong  Demon   , kung makikipagkasundo ka sakin malaki ang kapalit no'n " 

Hindi ko na pinagpatuloy ang sasabihin nya malakas kong sinabi na " Wala akong pakialam kung anong kapalit ! Gawin mo ang lahat para iligtas ako ! " sa sinabi pa lang nya na Demon sya ,  wala na akong kasiguraduhan sa mga salita n'ya ngunit kung iyon lang ang paraan para makapag higanti kakapit at kakapit ako.

Mula sa kadiliman narinig ko ang mahina n'yang pag tawa , sa parte kung saan nakita ko ang liwanag na pilit kong inaabot ay isang magic circle na kulay dugo ang nakita ko  ,

" Pagsisilbihan kita hanggang matapos mo ang mga dapat mong tapusin , katawan , kaluluwa hanggang sa pinaka huling piraso ng buhok ko ay sayo lamang My Lord "  ang huling katagang narinig ko bago ako tuluyang pumikit ang aking mga mata , ang huling natatandaan ko ay ang pakiramdam na may mga bisig na sumalo sakin at nakaramdam ako ng kapayapaan .

*****************

Hatred and sorrow are power : they are yours to control.All you have to do is turn them into strength , and use that strength to move forward .

~  Sebastian Michaelis

*************

DO VOTES and COMMENTS thankyou S2 

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now