CHAPTER*11 / Sebastian the Killer

9.8K 234 39
                                    

                                   CHAPTER 11

                           Sebastian the Killer

"Yes My Lord " .

Nangiti si Sebastian ng hindi natagalan ay tinawag sya ni Charlotte  kaya naman sinira nya na parang papel lang ang kadenang bakal na nakagapos sakanya .

Nahulog ng isang lalaki na naroon kasama nya na isa ding miyembro ang sigarilyo na nasa bibig nito .Ang isa naman ay alisto at pinindot ang buton na nasa pader upang magpuntahan doon ang mga kasamahan nila tyaka tinapatan ng dalawa si Sebastian ng baril .

Hindi pa man lumalapit si Sebastian ay tila nagkanda balu-baluktot na ang mga buto nito at tumangis na tila sanggol sa sakit na nararamdaman , humihingi ito ng awa at saklolo pero mas ikagulat nila ang mala mata ng pusa ni Sebastian na nanlilisik at pulang pula .

"Hindi ka isang tao ! "

"Anong klase kang nilalang  ! " 

"I am One hell of a Butler " . ( Butler from Hell ) Bulong nito at  nasaksihan ng mga kararating lang ang pagsabog ng dugo ng mga ito at nagtalsikan pa sa mga suot at katawan ng mga ito samantala nakatayo lang si Sebastian na parang walang ginawa , kinuha nito ang relo sa bulsa .

" Isang minuto lang My Lady  " Nakangiting wika nya at patakbong sinugod ang mga ito at kinuha sa loob ng  suot nito ang mga Silver wares sa bahay ng mga Earl .

Bawat daanan nya ay pinauulanan sya ng bala na mabilis nyang naiiwasan dahil sa paningin nya sing bagal ng isang minuto bago makarating ang mga bala ng mga ito sakanya kaya naman magaling siyang umiwas.

Sinsundan sya ng mga baril ng mga ito sa taas sa baba saan saan pa , sa lakas nyang tumalon tila na sya lumilipad , gamit lamang ang mga tinidor at Kutsilyo nagagawa nyang pabagsakin ang mga ito , sa lakas ng pagbato nya kahit ang bread knife na dala nya ang tumagos sa ulo ng mga tinamaan niyon asinatadong asintado samantala tila lang naman ito nakikipaglaro dahil naglalaro ang ngiti sa labi nito .

__________________________

"Trabaho namin ang pumatay para sa kagustuhan ng mayayamang tao kapalit ng malaking halaga , " Nakangising sabi nito na idinikit sa noo ni Charlotte ang baril pero nakipagtitigan pa siya dito na parang hindi alintana ang peligrong mangyayari sakanya dahil alam nya na darating si Sebastian para sakanya , ano pa ba ang ikapagtataka niya ? Isa itong Demon , kaya nitong gawin ang lahat hindi nga niya alam kung may kamatayan ba ang tulad nito na sa impiyerno na naninirahan .

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang