CHAPTER 5
Grim Reaper & Demons
Inilalayan si Charlotte ni Sebastian ng bumaba ito ng pulang sasakyan . Naka kulay asul na Gown sya na gawa sa pinaka mahal na tela at tinahi ng isa sa pinaka magaling na mananahi sa Europa .
Napaka ganda nya ,
Isa syang Prinsesa .
Noon pa man ay sinasabi na mukha syang isang manika na nabuhay dahil sa maganda at perpektong nyang mukha kaya maraming lalaki ang nanghinayang na nakatakda na syang ikasal kay Alfred na isa ring mayamang katulad nya .
"Ikaw ang pinaka maganda sa lahat ng nandito My Lady " bulong ni Sebastian sakanya.
Bakit sa sinabi nito sobra syang pinamulahan ng mukha pero hindi nya ipinakita dito na natuwa sya sa papuri nito .
Mas matangkad ito sakanya kaya kaylangan pa niya tong tingalain at napasinghap sya ng mapansin ang naglalarong ngiti sa labi nito na ikinakabog ng husto ng puso nya .
"Inaatake na naman ng ka abnormalan ang puso ko kaylangan ko ng magpatingin sa Doctor baka kung hindi mamatay ako ng maaga ng hindi ko pa nagagawa ang dapat kong gawin " aniya sa sarili na nilagpasan na ito . May sakit sya sa puso noon pa man pero hindi naman iyon madalas umatake bihira sa bihira at mukhang isa na ngayon sa bihira ang nangyayari sa bilis ng tibok ng titigan nya si Sebastian .
"Charlotte ? ! " Masayang mukha ni Alfred ang sumalubong sakanila .
Maraming mayayaman ang naroon , mga kilala sa larangan ng iba't-ibang negosyo at karamihan ay mga bilyonaryong katulad niya ..
Maraming nagbigay ng humahangang tingin kay Charlotte at ang iba naman ay nag-uusap ng mahina patungkol sa nangyari sa buong pamilya nito at sa himalang pagkaligtas nito .
YOU ARE READING
MY DEMON BUTLER (BlackButler)
Mystery / ThrillerA Faustian contract (better known as Faustian bargain) or a deal with the devil,is a link and bargain between a human and a demon whereas the latter offers specific services and fulfills the individual human's wish in compensation of consuming the s...