CHAPTER 17
Crescent and Charlotte's Pact
______________________________
"My lady , sigurado ka ba n gusto mong tumuloy tayo ? " si Sebastian , hindi ko alam bakit kailangan pa niyang itanong iyon samantalang kanina pa kami nasa biyahe patungo sa sinabing Adress .
" Wala naman akong balak , pero hindi ako matahimik sa sinabi niya na kilala niya ang may kinalaman sa pagkamatay ni Alice " sagot ko sakanya , hindi na siya kumibo .
"Matagal mo ng kilala yung White Butler ? " ako sakanya nakatingin .
Tumango lang siya habang nagdadrive.
" Bago pa magkaroon ng pamayanan sa lugar na to nabubuhay na siya , isa siya sa lapitin ng mga Demons para makipagkontrata "
"Ha ? akala ko ba siya ang contractor ? " ngtataka ako alam ko kasi sinabi niya nung isang araw na ito mismo ang contractor .
"Noon hindi , isa lang siyang Wolf ganun paman nagtataglay siya ng pulang mata kaya ang pagkamuhi sa puso niya ay maaring mas maalab kaninuman "
"Pulang mata? "
" Walang nagtagumpay na Demon na ikontrata siya o bigyan siya ng kasawian , mabuti siya iyon ang alam ng lahat , nagmahal siya ng isang mataas na uri ng Vampire at kalaunan napatay ito , pinatay , maraming nagsabi na wala na siyang ala-ala tungkol sa nakaraan .Namatay siya pagkalipas ng halos ilang buwan ng pagkamatay ng babaeng bampira , pero ayon sa ibang demon hindi siya totoong namatay nagtungo lang siya sa Abyss at isang spellcaster ang nakapagpalabas sakanya, kaya sinasabi nila na doon nagsimulang makipag kontrata siya . " si Sebastian , bigla nabuhay ang interes kong may mas malaman sa white butler na iyon , totoo na mukha siyang anghel ngunit may iba sa mga mata niya parang tinutulayan iyon ng mapait na nakaraan , sa palagay ko nga hindi siya totoong nilalang para lang siyang manequin na gumagalaw , isa iyon sa dahilan bakit ako nagtanong ng tungkol sakanya , hindi ko makita na may buhay siya o masyado lang akong nagiging mapanghusga. .
"Ikaw Demon , magkaiba kayo , hindi ka rin mula sa tinatawag mong Abyss , siyempre kung demon ka mula ka sa Hell ? siya mula sa Abyss anong pagkakaiba non ? " ako .
" oo mula ako sa Hell , pero ang abyss ang tinatawag nilang Ice hell . " siya doon mas naunawaan ko , hindi ko akalain na may mga ganito pa palang nilalang na nabubuhay , iniisip ko nga noon na kathang isip lang ang Wolf at Vampire , pero dahil alam ko na Demon si Sebastian wala na kong kailangang paliwanag pa .
![](https://img.wattpad.com/cover/16855071-288-k616407.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
MY DEMON BUTLER (BlackButler)
Mistério / SuspenseA Faustian contract (better known as Faustian bargain) or a deal with the devil,is a link and bargain between a human and a demon whereas the latter offers specific services and fulfills the individual human's wish in compensation of consuming the s...