Chapter 25:Blaze

8.8K 201 64
                                    

                                        " HARRIETH MANOR " 

"Faustus,naipadala mo naba ang ipinapadala ko kay Sebastian? " Isang babae na nakatalikod at nakaharap sa bintana habang umiinom ng wine ang nagsalita niyon, may pula itong mahabang buhok.

"Yes My Lady " makahulugan ang ngiti ni Faustus sakto naman lumingon ang babae na may maganda at maliit ng mukha.Siya si Erza Harrieth ang bagong nasa ilalim ng kontrata ni Claude Faustus.

"Dadalawin natin sila " nakangiting wika ni Erza kasabay ng pagsimsim ng wine sa kopita.

"Dahil sa isang kontrata pinatay niya ang kapatid ko,kaya tama lang na patayin din natin kasama ng kontrata si Charlotte Earl " si Erza na naglakad na palabas ng kwarto pagkaabot ng kopitang said ang laman kay Faustus na nakangiti itong sinundan ng tingin.

**

                                   EARL MANOR

Pagkahain palang ni Sebastian ng pagkain sa malaking mesa tinabig na ni Charlotte kaya nagkabasag-basag iyon sa baba,tinignan  pa niya ng masama si Sebastian.

"Ayoko niyan " matigas na sabi niya dito.

Si Mariz naman at ang nakatayong mayordoma ay nagkatinginan sa ugaling ipinapakita ni Charlotte, mabilis na dumalo ang dalawa pero nagsalita si Charlotte ng " Hayaan niyo na si Sebastian, ihanda niyo nalang ako ng  panibago ".

Si Sebastian naman sinimulan ng ayusin at ligpitin ang mga nagkalat sa lapag na hindi man lang  nagpakita ng inis o kahit ano, tuloy lang ito ngumiti pa nga ito sa dalawa kaya sinunod na ng mga ito si Charlotte.

"Dalian mo diyan baka hinihintay ka na ni Angela mo " si Charlotte ng mawala na ang dalawa at sila nalang ni Sebastian ang nandoon.Pinagdiinan pa niya ang pangalang Angela.

Hindi naman kumibo si Sebastian na lalong nagpainis kay Charlotte parang inaamin nga nito na nakikipagtagpo to kay Angela hindi niya mapigilang maging emosyonal kaya naiiyak siya,hindi naman niya gustuhing ganituhin si Sebastian kaso halo-halo na yung emosyong nararamdaman niya,pesteng pag-ibig!

"Wala na kong ganang kumain " si Charlotte na tumayo na para umakyat sa kwarto at doon ituloy ang pag iyak niya ngunit nahawakan siya sa braso ni Sebastian na ang isang kaamy naman ang ginagamit sa pagpupulot ng bubog.

"Hindi tamang magtapon ng pagkain, bumalik ka sa upuan mo " si Sebastian na tumayo na bitbit sa isang kamay ang mga nabasag niya,hinila siya nito pabalik sa upuan kaya naman kinabahan si Charlotte na napadampot ng tubig at ininom iyon,tinignan niya ang papalayong si Sebastian at naiinis na gusto na naman niyang basagin ang hawak na baso dahil napasunod siya nito,kaya naman ng dumating ang mayordoma at si Mariz na as usual pagewang-gewang ay kumain siya kahit kaunti, hindi rin bumalik si Sebastian na marahil galit na talaga sakanya"Bakit ba! siya nga yung may babae ! "si Charlotte sa sarili habang iniisip ang mukha ni Angela,hindi niya maisip na sabunutan ito dahil masyadong mabait ang mukha nito.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now