Chapter 29:Ciel Phantomhive

7.6K 217 42
                                    

*****

" Angelica, halika ng bumalik  " wika ni Ariana na isa ring anghel na nakasuot ng puting-puting damit at nakatikom ang busilak nitong mga pakpak habang kinakausap si Angelica na nakasuot ng pang madre na naroon at nakaluhod sa altar.

" Hindi na ako babalik Ariana " si Angelica na tumayo na matapos mag antanda at lumabas ng maliit na dausan ng misa.

"Matagal ng natapos ang pagkakataon na yon Angelica, halika na at mas marami kapang magagabayan na mga bata " si Ariana na sinusundan si Angelica sa paglabas nito, nakalutang ito at tanging si Angelica lamang ang nakakakita.

"Mas nagagabayan ko sila sa ganito, yung kasama nila ko madalas pakiusap wag mo na akong himuking bumalik " si Angelica kay Ariana na nalungkot sa narinig.

" Bumagsak na si Angela, sana ay wala ng iba pang anghel na bumagsak  tulad nya" si Ariana kay Angelica na bahagyang nagulat.

"Si Angela ? " 

Tumango naman si Ariana, latag na ang dilim at tulog na ang mga madre maging ang mga bata sa naturang ampunan na pinaninirahan din ng mga madreng katulad ni Angelica.

"Sumama sya sa isang Demon at kilala mo ang Demon na yon " si Ariana.

"Sino ? " si Angelica na pinakatitigan ito.

"Ang batang inalagaan mo noon na dahilan kung bakit binali mo ang mga pakpak mo " si Ariana sa pagkakasabi niyon nabigla si Angelica.

"Si Sebastian? "

"Nawalan ka ng pag-asa simula ng hindi mo mailigtas ang kaluluwa nya kaya naman sana iligtas mo kahit ang kaluluwa ng nasa ilalim ng kontrata nya, bumalik ka na Angelica " nasa mukha ni Ariana ang pakiusap bago ito naglahad ng pakpak at umalis na sa tulong ng liwanag pataas.

NAKARAAN 

        Isang malakas na ulan ang naganap ng gabing iyon, kasalanan ng mga Demons na syang nagdudulot ng pagkasawi ng mga tao ano mang oras babaha na kaya hindi man kami nakikita ng mga tao tinutulungan namin silang makaligtas ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon natutulungan namin silang lahat.

Matapos ang bagyong humagupit may mga kabataang nakaligtas na dinala sa isang ampunan na ito ngayong kinalalagyan ko, nandito ako napunta para gabayan ang isa sakanila at isang bata ang pumukaw ng interes ko , siya si Sebastian ayon sa taas hindi sya kabilang sa naganap na pagbagyo dahil mas nauna ito sa mga naroon ngunit kahit anong dami ng mga bata doon nag-iisa sya kaya naman sinubukan kong magpakita sakanya bilang anghel niya ,nagkatawang tao ako para bantayan siya, ngunit isang pagpapahayag ang ipinarating sakin ng isang madre na si Sebastian daw ay pinaghihinalaang pumatay ng buong pamilya nya dahil ito lamang ang tanging nakaligtas , sino ba naman ang walang isip na magbibintang ng ganoon sa isang pitong taong gulang na bata na mamatay tao at pamilya pa nito mismo?

Ngunit maraming nakakapagtaka sa batang si Sebastian, madalas siyang mag-isa at madalas kong matanaw na may iba't-ibang demons ang umaaligid sakanya ,at alam ko ang nais nila ang kaluluwa nito kaya naman dumako narin sa isipan ko na maari kayang may katotohanan ang naganap sa pamilya nito?Napakatibay nyang bata , nag-iisa sya at madalas kasama lang nya ang puti nyang pusa na sya ring madalas nyang kinakausap at sa tuwing lalapitan ko sya noon iniiwasan nya ko, hanggang sa makuha ko ang loob nya sa pamamagitan ng pagsasabi sakanya na hindi kumakain ng matamis ang pusa dahil akala nya noon may sakit ito kaya ayaw kumain ng minatamis na ulam na hinahati pa nito sa munting kuting. Naging malapit ako sakanya at gusto ko na nga syang kunin lalo pa at madalas syang pinag-iinitan ng mga bata at inaaway, hindi rin sa lahat ng pagkakataon nababantayan ko sya dahil marami rin akong ginagabayan lalo pa at ng mga panahong iyon nauuso ang aksidente na likha ng masasama.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now