Chapter 50.2:Thank you

7K 203 51
                                    

                                                     Chapter 50.2

                                                     " Thank You "

"Young Lady " Si Sebastian kay Charlotte, 

"Panaginip lang pala " si Charlotte na nginitian si Sebastian.

"Maging masaya ka .. magkaroon ka ng maraming anak at isang masayang pamilya .. Mahal kita My Lady " si Sebastian na unti-unting naglaho sa tabi ni Charlotte.

"Sebastian ?! "

Napabalikwas sya ng bangon at nangangatal ang labi nya,naalala nya ang naganap kay Sebastian ng saksakin ito pero mas lalo syang nawalan ng buhay ng makitang wala ng buhay si Jari at sabi naman ni Mari na wala na halos natira kay Bard kaya nawalan sya ng malay kasabay ng mga luhang umagos sa mga mata nya.

"Charlotte " si Angelica na umiiyak ng nilapitan sya sa gilid ng kama.

"Nanaginip ako , masama .. namatay daw si Bard , si Jari .. at si Sebastian .. diba hindi yon totoo? " si Charlotte na bagama't pinipilit paniwalain ang sarili na panaginip iyon ay di matawarang luha ang patuloy n'yang inilalabas.

"Nasaan si Sebastian? nasaan sya? " 

Nakita n'yang umiyak din si Angelica kaya tila tulala naman habang umiiyak si Charlotte.

"Wala na sya .. wala na sila ... " si Angelica

"Sinungaling ! " galit na sigaw ni Charlotte , bumaba sya ng kama at lumabas ng kwarto doon natagpuan nya si Dama Eloisa, si Elizabeth na umiiyak habang nakayakap kay Mariz. Si Kyo ay nakaupo lang sa isang gilid at wala rin tigil sa pag iyak.

Malaki ang larawan nang huling araw  nilang magkakasama.

May nakita si Charlotte na isang lalaki na hindi pamilyar sakanya.

"Kukunin ko na ang labi nang aking anak " 

"Si Sebastian? "si Charlotte na naisip agad si Sebastian.

"Hayaan mo munang makita nya si Sebastian .. " si Angelica, hindi naman kumibo si Adramelech. Inilapit ni Angelica si Charlotte sa isang itim na coffin at binukas iyon.

Halos gumuho ang mundo ni Charlotte ng makitang wala ng buhay ang pinakamamahal nya kaya naman napaluhod sya at hinawakan ang pisngi nito.

"Sebastian ... wag mo kong biruin ng ganito... hindi na ko galit sayo ... Sebastian " sunod-sunod ang pagpatak ng luha nya ng hindi ito kumibo.

"Sebastian! " hinawakan nya to sa necktie at pilit itong ginigising "WAKE UP ! I ORDER YOU TO WAKE UP SEBASTIAN ! "malakas na sigaw nya, durog na durog ang damdamin nya.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now