Chapter 28:Parting

8.1K 215 51
                                    

                            Chapter 28:

                              PARTING 

        Sa bawat pagsugod, pag-iwas maging pagdepensa ni Sebastian nadaragdagan ng husto ang galit n'ya, kung bakit tila lagi na lamang pinag-iinteresan ng iba ang kaluluwang nakalaan para sakanya.

Tinitigan nya ng masama si Erza, kung nakukuha ng mga itong saktan si Charlotte wala man sa kontrata liligpitin n'ya to hindi man iutos ng Young Lady n'ya kailangan n'yang gawin lahat masiguro lang ang kaligtasan nito.

Sa bawat pagsugod ni Sebastian, umiiwas si Faustus na lalong nagpapatindi ng galit ni Sebastian , sinasayang nito ang oras nya para mabigyang lunas si Charlotte.

Nakita n'ya ang isa pang espadang katulad ng kay Faustus na nasa tabi ni Charlotte nasisiguro nya ang binabalak ng mga ito, mabilis nyang tinungo ang higaan nito ngunit natigilan sya malapit dito ng makitang hinawakan nito ang espada at dahan-dahang tumayo, masama ang tinigin nito sakanya na para bang malaki ang nagawa n'yang kasalan dito.

"Young Lady " si Sebastian na nag-aalala para dito, ngunit nagdadala lamang ng poot sakanya ang makitang kinokontrol ito ng lason na nanalaytay na sa dugo nito.

 "Pagmasdan mo Sebastian, ang ninanais mong kaluluwa ay hindi na magiging sayo pa kahit kaylan " si Faustus na malakas ang ginawang tawa,blangko ang ekspresyon ng mga mga ni Charlotte parang manika na lamang ito na kinokontrol sa pamamagitan ng mga strings, ang nasa isipan lang ni Charlotte ay dapat mamatay si Sebastian,si Sebastian na tanging may kasalanan ng lahat, ang pinagmulan ng lahat kaya nararapat na ang katapusan.

Tinitignan lang ni Sebastian ang paglalakad ni Charlotte papalapit sakanya habang mahigpit ang hawak sa espada nito na, habang abala siya sa pagtingin kay Charlotte sinugod siya ni Faustus na nadama naman niya ang presensya nito kaya agad nyang nilingon ito at mabilis niyang nahablot ito sa kwelyo, at inihagis sa kung saan ito tatama pero bigla nalang siyang sinugod ni Charlotte na nasa likuran niya at sinaksak siya sa likuran kaya agad nagdugo ang likuran niyang sinaksak nito , kaya nilingon niya to para agawin ang espada kahit pa patuloy sa pagdanak ang dugo n'ya  pero nagsalita ito " Dapat ka ng mamatay Sebastian! Pinatay mo ang pamilya ko !" sigaw nito kahit pa tila nasa ilalim lang ito ng isang mahika, sa mga salitang yon nararapat na yatang ibigay nya dito ang sagot sa nangyari sa pamilya nito na matagal na simula noon.

Ilang beses pa siya nitong sinugod kaya naman iniiwasan niya lang to hanggang sa tuluyan niyang maagaw ang hawak nito at ihagis iyon kay Claude kaya pareho na silang may hawak na sandata.

" Kung patatagalin mo pa ang laban Sebastian mamatay nadin siya " si Faustus ng makitang napaluhod na si Charlotte, " Dapat kang mamatay Sebastian , niloko mo ko , bakit mo yon ginawa sakin " si Charlotte na lumuluha ang mga matang walang buhay, hanggang kamatayan dadalhin nito ang galit sakanya na parang sya ang may kasalanan ng lahat ng naganap na masama dito.

" Natatakot ka bang maiwanan Sebastian? natatakot ka bang danasin mo muli ang dinanas mo noon,kung bakti isinumpa mo ang pagiging isang tao " si Faustus na may nalalaman sa nakaraan ni Sebastian ang humalakhak ng husto.Galit ang lumarawan kay Sebastian ng tignan niya si Faustus, naalala niya ang isang bata sa mukha nito na ganoon kung tumawa.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now