Chapter 23 : Picnic

9.2K 198 48
                                    

                 

                                                     CHAPTER 23

                                                      " PICNIC "

CHARLOTTE POV 

        Pagkagising ko ala-siete na ng gabi , ang init ng pakiramdam ko nilalagnatako , ganito ba talaga yon? Gusto ko lang magpahinga ng magpahinga pero bumukas ang pinto kaya tumagilid ako bigla akong nahiya ng makita ko si Sebastian kaya pumikit ako . Palapit siya ng palapit halos hindi nako makahinga sa paglapit ng presensya niya , naramdaman ko na hinawakan niya yung ulo ko , sunod sa leeg .

" May sakit ka , " si Sebastian .

"Kasalanan mo " ako , nabigla ako kasi nagpapanggap nga pala akong tulog kaya ng magkatitigan kami inirapan ko siya.

" May masak -- "

"Lahat masakit , kasalanan mo " ako ulit naupo na'ko , hindi na siya ganon kasakit mabuti naman , may hawak siyang brush na ginamit niya sa buhok ko .

" Dadalhan nalang kita ng hapunan  , hindi ka kumain kaya dadamihan ko " si Sebastian na nginitian ako , hmp .

" Ayoko ,  masama pakiramdam ko " ako sakanya , naupo siya sa tabi ko at hinalikan ako sa noo , lihim akong nangiti kahit anong kamalditahan ko hindi siya sumusuko sakin .

" Siya nga pala iniimbitahan ka ni Mr. Alfred sa picnic bukas , isama mo daw ang lahat dito " si Sebastian .

"Ha ? kasama ka ba ?  " ako , pagkakataon ko na palang maibalik ang singsing .

"Hindi naman kita maaring pabayaan, baka maulit ang nangyari " si Sebastian , niyakap ko siya , mahal ko talaga siya. Wala akong pinagsisisihan , masyado akong masaya ngayon kahit pa kumikirot ang mga sugat ko atleast alam ko na mahalaga din ako sakanya ,hindi lang bilang kaluluwang nakasanla sakanya, sana bago ako mamamatay masabi niya sakin na mahal niya ko dahil ako sobrang minamahal ko siya.

" Dito ka lang sa tabi ko , gusto ko lagi kang nasa malapit gustong-gusto kitang naaamoy " ako sakanya habang hinigpitan ang yakap ko lalo sa katawan niya .Naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko . " Dadalhan na kita ng -- " 

"Ayoko dito ka muna , kadarating mo lang aalis kana " lalo kong hinigpitan ang yakap ko , narinig ko na natawa siya , okay lang kahit mukhang linta kaong nakadikit basta dito lang siya kasama ko , katabi ko .

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now