Chapter 20 : Danger

9.7K 236 46
                                    

 ** ito yung isa sa chapter na nabura , inulit ko sana okay padin kinalabasan na depressed ako kagabi dahil sa tatlong chapter nito na nadelete nung namatay LT -_- .

                       CHAPTER 20

                         DANGER

Kinabukasan pag gising ko wala si Sebastian , marahil ginagawa na niya ang inutos ko sakanya , natagpuan ko nalang sa mesita ko ang isang invitation at ang damit na isusuot ko. Sinabi ko na sakanya na kaya ko na pero tama naman ito na hindi ko alam paano makakakuha ng imbitasyon , malay ko kung saan niya yan ninakaw ^_^ .

Tumayo na'ko , tinignan ko muna ang laman ng sobre kung tama ang hinala ko na imbitasyon iyon , tama nga , binalik ko rin agad , balak ko sanang isuot yung pulang damit ang ganda kasi niya pero may inihanda siya na mas simple at kulay puti lang na pinalibutan ng mga perlas . Naalala ko yung sinabi niya kagabi na hindi niya gustong nakikita ng iba ang bahaging iyon ng katawan ko samantalang hindi naman dibdib iyon , balikat  , batok , leeg , may masama ba doon ? 

Dumiretso na'ko sa shower tinanggal ko muna ang pantulog ko bago ako pumasok sa loob , magbababad ako ! Nagshower muna ako bago ko lumapit sa bath thub , inihakbang ko ang paa ko sa loob , naupo ako at inalala ang nangyari kagabi .

" Mahal kita " wika ko sakanya ng may ngiti , tulad ng sinabi ko hindi siya sumagot , ako ang may sabing wag siyang sasagot dahil ayokong malaman na hindi niya ko gusto pero nasaktan ako sa di niya pagsagot ., oara lang akong tanga . 

Pinaalis ko na siya pagkatapos kaya ko naman magbihis sadya lang gusto ko siyang pinahihirapan , kaso hindi siya nakinig , kumuha siya ng damit ko pantulog , bahala siya hindi ko na siya pinansin naghubad na ko ng dress , hindi ko tinanggal ang pagkakaipit niya .Tinulungan niya kong magbihis para siyang nanay ko , ginagawa niya kong bata , mas prinsesa pa nga niya ko ituring , hindi ko siya pinapatabi pero tumabi siya sa kama , hindi ko na siya iniimik , hindi naman din siya nakangiti dahil kung nakangiti siya baka masapak ko siya for sure pinagtatawanan niya kasi yung pagtatapat ko sakanya.

Kinabig niya ko palapit sa katawan niya , tinalikuran ko siya dahil ayokong makita ang mukha niya , nakayakap siya sakin , naramdaman ko na hinalikan niya yung balikat ko nagsisimula na naman siya pero hindi naman itutuloy , hindi ko parin siya pinapansin pumikit nalang ako , pero hindi siya makuntento para naman kasi kaming tanga na hindi nagsasalita  hinarap niya ko sakanya , anong laban ko masyado siyang malaki sakin , inangkin niya ang mga labi ko , hindi ko siya tinugon kahit nakakadala naman talaga siya , nagsisi pa nga ako non dahil tumigil siya pero ang huling salita niya bago lumayo sakin kagabi , pabulong niyang sinabi na " Masyado kang malinis para marumihan lang " 

 Hay ! anong ibig niyang sabihin !  -_- tsss ..

 " Mahal ko siya, hindi ko alam kung tatagal to oh ano pero pakiramdam ko kapag malapit siya at kami lang dalawa nakakalimutan ko ang lahat ng alalahanin ko , totoo niyang exicted ako mag gabi dahil siya ang huling nakikita ko bago ako makatulog ganoon din pag gising ko siya ang mabubugaran ko , 

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now