Chapter 12 Goodbye Alice

9.6K 237 29
                                    

                              CHAPTER  12

                         SAYONARA ALICE

Malakas ang kulog at mabangis na gumuguhit ang kidlat sa madilim na kalangitan wari ba ay nakikisimpatya sa isang madilim na mangyayari .

Sino nga ba ang nasa likod ng pagpatay ?

Sino ang tunay na utak ng pagpaslang sa pamilya ni Charlotte ?

--

" Sebastian ! " Si Charlotte na hindi makalabas ng Bathroom dahil sa naiwanan niya ang bathrobe niya sa ibabaw ng kama natapos pa siyang maligo bago niya narealize na naiwan niya iyon , sa edad niyang iyon prinsesang prinsesa ang dating niya kaya naman madalas na pumapalpak siya kapag sinusubukan niyang gawin ng walang tulong ng iba lalo na at habang tumatagal mas naiilang siya sa pagsisilbi ni Sebastian dahil nagkakaroon ng abnormal na pagtibok ang puso niya.

" My Lady , " Narinig niya ang boses nito kaya nagsiksik siya sa gilid at kamay lang ang inilabas sa Charlotte sa pintuan ng Bath room.

Nang maiabot na nito nagsalita ito " Hindi mo ba talaga kailangan ang tulong ko My lady ? " 

" Hindi umalis ka na tatawagin nalang kita ! " Bakit ba nakikipag-usap lang ito sakanya pero nagsisimula na naman bumilis ang tibok ng puso niya , nang maisara na niya ang pintuan hindi niya mapigilang hawakan ang dibdib niya . Sa labas naman ay nakatayo si Sebastian at nakatitig sa nakapinid na pinto , may nararamdaman siyang kakaiba habang lumilipas ang mga araw simula ng matapos ang insidente sa Golgotta , naging magaan ang araw-araw dahil kahit paano nagwakas na ang buhay ng mga may kasalanan sa nangyari sa pagkamatay ng pamilya ni Charlotte gayunman ang tunay na may pakana ay nabubuhay pa ngunit hindi rin magtatagal at matutuklasan na niya ang bagay na iyon .

Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng importansiya sakanya ang buhay ng isang pangkaraniwang tao , ilang beses na ba siyang nakipag kontrata ? ilang beses naba niyang nagawa ang ilang pabor na magbabawal sa mga taong maka tapak sa linya patungong langit .

Nangiti na lamang siya marahil ay dala lang ng matagal nilang pagsasama ang kakaibang pakiramdam na iyon dahil hanggang ngayon gusto niyang unti-untiin ang kaluluwa nito oras na mapasakanya na ang kaluluwa ng isa sa mga taong may matinding galit at uhaw sa katarungan na hindi maibibigay ng salitang "Karma " Dahil mas nananaig sa mundong ito ang kaligtasan ng mga masasamang tao .

Mas malupit na kamatayan ang ihahanda niya sa utak ng pagpatay sa pamilya ni Charlotte upang ang tatlong araw na hinihingi nito ay ang kapanatagan ng kaluluwa nito bago niya tuluyang kunin iyon at maging pagkain . 

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now