Chapter 46:What Hurt the most

6.4K 177 59
                                    

** Dedicated sayoo ! ;>  .. yieeee salamat sa pagiging masipag na reader lalo na pagdating sa pagcocomment hihi I truly appreciare your presence hihi .. ;>

                                    CHAPTER 46

                            "What Hurt the Most " 

Bumalik si Charlotte bilang Ciel sa Mansion ng mga Marineth naroon kasi ang Uncle at Auntie nya, hindi nya kasama si Sebastian dahil napapadalas ang pagpunta nito sa ama nito.

Kinuha nyang pagkakataon ang pag alis nito , gusto nya kasing kausapin si Angelica.

Nag uusap na sila ni Angelica sa Hardin matapos ang umagahan ng makita nila ang sasakyan ni Alfred.

"Bakit sya nandito? "si Ciel kay Angelica.

"Bisita sya ng Auntie nyo Young Master " si Angelica na nakakaramdam ng kung ano sa masayang mukhang bungad ng dalawa.

"Si Auntie? "

"Narito ka na pala , pumasok ka " si Olympia ng makita si Alfred na papalapit sana kay Charlotte.

"Halika Ciel sa loob , Angelica ikuha mo kami ng maiinom nasa Guest room lang kami " si Olympia, naiwan naman si Angelica at lalo syang naalarma sa ngiti ni Angela ng lingunin sya.

"Anong sadya nya dito? " sa isip-isip ni Charlotte , naisip nya na kapag nalaman ni Sebastian na nandito ito baka kung anong isipin nito seloso pa naman.

Nag-uusap ang mga ito kaya naman nakikinig lang si Ciel , iniisip nya kung nakauwi naba si Sebastian o hindi pa.Kung hinahanap sya nito at baka nagtatampo na naman ito dahil hindi sya nagpaalam.

Sa gilid nila nakatayo si Angela na nagsasalin ng tea, hindi nga nya iniinom dahil baka lasunin lang sya nito.

Si Angelica ang nagdala ng tea and cups pero lumabas ito dahil nagboluntaryo si Angela na ito na raw ang magsisilbi.

"Charlotte?" si Olympia. Alam na nito na alam ng dalawa sa harap nya na sya si Charlotte.

"Bakit ho? " tanong nya, nahuli syang di nakikinig at naglalaro lang ng cake sa pinggan nya.

"Hindi kasi sya mahilig sa chocolate cake kaya siguro hindi na sya makapag pokus sa pakikinig " si Alfred na nakangiti ,

"Hindi , busog ako kakain ko lang " malamig na tugon nya dito, hindi man nya gustong maging malamig dito pero kusa iyon.Isama pa na nasa paligid lang ang makamandag na ahas at nakikingiti na tila kay hinhin.

"May sugat ka sa braso? " si Alfred na napansin ang pamumula ng braso nya , huli na para itago iyon dahil nahawakan na nito.

Tumambad sa mga ito ang tattoo nya, nabigla ang tatlo kaya naman binawi nya ang braso.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now