Chapter 27 :Poisonous Spider

7.3K 206 34
                                    

                        CHAPTER 27

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Charlotte, mabigat ang pakiramdam niya at tila nakalimutan niya ang nangyari kani-kanina lang.Babangon sana siya ngunit hindi niya maigalaw ang katawan dahil ang kamay at paa niya ay nakarehas sa higaan na nasasapinan ng puting-puti, naalala niya ang nangyari kaya pinilit niyang magsalita pero walang kahit anong lumalabas  sa bibig niya,niya kaya tinignan niya ang kabuuan ng lugar, isa iyong laboratoryo sa paligid niya ay may kung ano-anong gamit sa pag oopera,mga gamot na doon din mismo ginagawa ng tignan niya ang kisame nagulat siya ng makitang may nakatapat sakanyang mga matutulis na patalim.

" Walang kalaban-laban na dalagita kapag wala ang Demon mo mukha kalang batang paslit na nawawala " si Erza na nakangisi sakanya na nakatayo na pala sa paanan niya.

"Tawagin mo na siya para naman may pag-asa kang makaligtas, oo nga pala sa ginawa sayo ni Faustus wala ka ng kalaban-laban " tumawa ito ng malakas na tila inaasar pa siya, pero hindi siya nagpakita ng takot dito, masama ang tingin na ipinukol niya dito.

"Alam mo naiingit ako sa magandang buhok mo naiirita akong tignan " si Erza na lumapit sa isang cabinet at may kinuha doon at lumapit na kay Charlotte na may hawak na gunting.

"Mga baliw na ba talaga ang nakakakontrata ng Butler na yon ! " sigaw ni Charlotte sa sarili, hindi niya matawag si Sebastian kaya wala talaga siyang magawa, tama naman ito wala lang siya kung wala ang Demon niya.

"My Lady, wag mo ng pagurin ang sarili mo may iba akong balak gawin sakanya " si Faustus na may dalang isang gagamba na may pulang marka sa likuran na nakakulong sa isang puting garapon, malaki ito na parang isang tarantula.

"Hayaan mong kagatin ka niya ng kung ilang ulit , hindi naman masakit ang kagat nito Miss Charlotte " si Faustus na nakakademonyo ang ngiti ng ilabas ang gagamba at palakarin ito sa binti niya . Gusto ng pumalag ni Charlotte ngunit hindi siya makagalaw,nadarama niya ang pag gapang nito na tila ang dinaraanan nito ay nakakapagdulot ng kati sakanya, kinagat siya nito sa hita na halos ikina luha niya hindi niya alam kung normal na gagamba iyon dahil ang kagat na nadama niya ay tila sakmal ng hayop katulad ng daga.

_____________

"Sebastian! " 

si Alfred ng makita si Sebastian sa nagaganap na pagtitipon na pinamamahalaan ng isang lalaking nagpakilalang Tito ni Erza,sumama daw kasi bigla ang pakiramdam nito pero tuloy parin ang kasiyahan lalo na ng mga mayayamang taong muling nagkita-kita at nag usap-usap sakanilang mga negosyo.

"Young Master Alfred,masyado ng gumagabi kaya balak ko sanang sunduin ang Young Lady " si Sebastian dito.

"Iyon nga ang problema ko Sebastian, iniwanan ko lang siyang saglit hanggang sa pagbalik ko ilang minuto lang wala na siya " si Alfred na bakas na bakas ang pag aalala sa mukha nito, hindi naman nagpakita ng kahit anong kaba si Sebastian.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant