Chapter 24: Pain

8.1K 226 61
                                    

                                               Chapter 24

                                                 "Pain"

"Mamamangka tayo ? " si Kyo at Mariz na lumapit kay Sebastian, Charlotte at Alfred ng makita iang mga itong nag-uusap-usap na mukhang sasakay ng maliit na bangka.

"Saan kayo nanggaling? " mataray na tanong ni Charlotte sa dalawa na kanina pa nawawala at bigla nalang susulpot.

"Ah kasi " si Mariz na natatawa ng alanganin dahil sa nakikitang pagkaasar sa mukha ni Charlotte na ang totoo kay Sebastian naman talaga siya naaasar,sinasakyan kasi nito ang mga sinasabi ni Alfred na para bang wala lang talaga dito ang naganap,kaunti nalang iisipin na ni Charlotte na panaginip lang ang gabing iyon.

Puro negatibo lang ang napapansin ni Charlotte samantalang si Sebastian minsan minamasdan lang ang bawat galaw ni Charlotte.

"Mag-iingat kayo! may naisip tuloy ako , Miss Charlotte sakaling may mahuhulog kay Sebastian at Master Alfred sinong sasagipin mo? " si Kyo na dire-diretso sa sinabi kaya malakas itong binatukan ni Mariz. " Aray ! " angil niya dito.

Sa tanong na yon natigilan si Charlotte,sino nga ba ang pipiliin niya? oo alam niya naman na parehong marunong lumangoy ang mga ito samantalang siya hindi,ngunit sakali nga sino ang pipiliin niya sagipin?

"My Lady " si Sebastian na nagpatigil sa pag-iisip ni Charlotte,nag-angat siya ng tingin dito,nakalahad na ang kamay nito kaya agad niyang ipinatong ang kamay sa palad nito at inalalayan siya nito sa pagsampa sa bangka.

"Mag-iingat kayo! " kaway ng dalawang may maluwag na turnilyong tagasilbi nila.

Nakaupo si Charlotte at Alfred na nag-uusap samantala si Sebastian ang nakatayo para magsagwan.

"Sana magkaroon tayo agad ng mga anak, napakaganda nila sigurado katulad mo " si Alfred habang hawak ang daawang kamay ni Charlotte sa kandungan nito na tila kanina pa ayaw bitiwan.

 Ngiti lang sinagot niya dito, kanina pa ito nagsasalita pero ang titipid ng sagot niya kahit naiinis siya kay Sebastian at gusto niya tong sipain ng husto ito parin ang gusto at minamahal niya.

"Mahal na mahal kita Charlotte " si Alfred.

Hindi kumibo si Charlotte nag iwas siya ng tingin dito pero tinawag siya nito "Charlotte' nasa boses na nito ang lungkot sa kanina pa niyang di pagsagot.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon