Chapter 49:Black and White

5.9K 208 52
                                    

Dedicated sayo. salamat sa pagbabasa nito till end okay? ^_^ hihi lovelots.

                              CHAPTER 49

                          "BLACK BUTLER"

DECEMBER . 29

Simula ng may maganap sakanila  ng December 25 , wala paring naganap na pagkakaayos sa pagitan nila.Nanatili si Charlotte na malamig kay Sebastian , sa tuwing maalala nya ang kasalanan nito hindi nya magawang patawarin ito.

Hindi naman sya sinukuan ni Sebastian, kahit anong kalamigan nya dito madalas itong nasa tabi nya at binibigyan sya ng puting rosas na nilalagay nito sa base nya s kwarto na tuwing magigising sya ay masisilayan nya.

December 29 ng tuluyan syang iwanan ni Sebastian , ang huling rosas na inilagay nito sa base nya at ang sulat nito na nakalapag sa mesa nya ang tanging naiwan nito.

"Patawad sa pag-alis ko  , hangad ko ang kaligayahan mo ".

Sa maiksing sulat na yon ipinahayag na nito ang pag iwan sakanya, tuluyan ng nawala ang kontrata nya kay Sebastian.

Lahat ng masasayang alaala nila ang dahilan ng pag-iyak nya. Napagod na siguro itong suyuin sya,  ganoon ba talaga kadali ditong iwan nalang sya ng basta-basta?

Ginawa na naman nito ang iwan sya, ngunit bakit tila mas masakit ang pag-iwan nito sakanya lalo pa at sa pag-alis nito alam nyang dala-dala nito ang puso nya.

Dumating si Angelica para kausapin sya, pero hindi nya to kinikibo hindi nga nya to hinayaang makapasok ng mansion nya kaya ang pumasok sa loob ng kwarto nya ay si Eloisa.

"Young Lady " 

Hindi nya to tinignan , nakaupo lang sya sa kama nya at mas mahirap palang itinatago ang nararamdaman.Gusto n'yang umiyak pero pinipigil nya, itinatanim nya sa isipan na wala naman itong halaga na sakanya kahit alam nya na niloloko nya ang sarili dahil mahal na mahal parin niya ito..

"Patawarin mo ko, hindi ako nagsasalita .. Inilihim ko rin sayo ang lahat .. " si Eloisa na hinawakan ang palad ni Charlotte na agad napatitig dito.

"Dama? "nagtatanong ang mga mata nya dito.

"Alam ko na hindi ka tunay na anak , ako ang nagpalit sayo sa sanggol na isinilang ng kinilala mong Ina,patay ang bata kaya naman tinanggap kita ng ibigay ka ni Sebastian lalo pa at nalaman ko na kadugo karin nila kaya hindi na masama kung aalagaan ka nila " si Eloisa, sa narinig nagsimulang punuin ng katanungan ang isipan ni Charlotte.

"Sinabi noon ni Sebastian na hindi ka n'ya kayang alagaan, isa kang pangkaraniwang tao at nakita ko na mahalaga ka para sakanya dahil madalas ka nyang puntahan noong bata ka.Madalas niyang inaalam ang kalagayan mo " si Eloisa na pinisil ang palad nya.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon