** I dedicated this to you , thanks for reading and supporting this story hihi ^_^ **
Chapter 19
Falling inlove with my Demon
" Miss Angela " tawag ng isang maliit na bata na hinihila ang damit ni Angela na abala sa pagdidilig .
" Oh , karen bakit ? " si Angela na nkangiti at umupo para makapantay ang batang si Karen .
" May naghahanap po sainyo " si Karen .
" Sakin ?" si Angela na walang inaasahan na maghahanap sakanya.
" Angela"
Si Angela na awtomatikong napalingon sa pamilyar na boses na narinig .
" lady Charlotte ? " nagtataka man napatayo si Angela na nakangiti sa di inaasahang bisita.
"Pasensya ka na sa biglaang pagdating namin " si Charlotte kay Angela habang naglalakad sila papasok ng orphanage.
" Wala iyon Lady Charlotte , nasaan si Mr. Sebastian ? " si Angela na kada bigkas ay tunay na mahinhin .
" Nasa labas lang , nakakita kasi siya ng tatlong kuting " si Charlotte na nangingiti , totoo na nakakakita sila ng tatlong kuting sa gate ng orphanage at agad nito iyon nilapitan at hindi na sumama pagpasok .
" Mahilig parin siya sa mga pusa ? " si Angela na nakapagpatigil kay Charlotte paglalakad na napansin naman ni Angela .
" Alam mo na mahilig si Sebastian sa pusa ? " si Charlotte kay Angela na tila nagulat din sa nasabi .
"Ha ? nako , alam ko lang na mahilig siya sa pusa parang may nakapagsabi , si Lady Alice siguro " si Angela na nangiti , hindi naman pinalaki ni Charlotte iyon .
******
" Albert Duch ? " si Angela habang nagsasalin ito ng tea sa dalawang tasa bago naupo sa tapat ni Charlotte.
" May kilala ka ? " si Charlotte .
" Oo kilala ko siya , naroon siya noong unang araw ng lamay ni Lady Alice , malayo ang lugar niya dito , bakit mo nahanap Lady Charlotte ? " si Angela .
" May kilala ka bang Albert Harmith ? " si Charlotte na umaasa .
![](https://img.wattpad.com/cover/16855071-288-k616407.jpg)
YOU ARE READING
MY DEMON BUTLER (BlackButler)
Mystery / ThrillerA Faustian contract (better known as Faustian bargain) or a deal with the devil,is a link and bargain between a human and a demon whereas the latter offers specific services and fulfills the individual human's wish in compensation of consuming the s...