Chapter 6 * Who is the massacre ?

10.9K 269 9
                                    

Marahan ang saliw ng musika at hindi mapigilan ni Alice na pagkatitigan ang mukha ni Sebastian .

Napaka kisig nito at hindi ito isang normal na butler sa palagay nya . Tahimik lamang si Angelica na nakamasid a amo at sa isang Butler na kasayaw nito .

" Napakaganda mo " bulong ni Sebastian sa tenga ni Alice , na naging dahilan para pamulahan ito ng mukha at tila ba may mainit na pakiramdam na nanulay na mainit na pakiramdam sa buong katawan nito .

Kaylangan nyang matuklasan kung isa si Alice sa maaring sagot sa pagkamatay ng pamilya ni Charlotte. 

Malayo sa kasiyahan nag pwesto nila kaya naman hindi nila namalayan na may kaguluhan na palang nagaganap sa loob.

  

Kasama ni Charlotte ng mga oras na yon ang Fiancee nyang si ALfred pero hinahanap ng tingin niya si Sebastian , ngunit hindi nya makita kahit ang anino nito . Gusto nya tong tawagin sa pamamagitan ng kontrata nila pero naisip nya na ano naman ang sasabihin nya at tinawag nya ito ? wala siyang maisip na kahit anong dahilan !

Sa di inaasahang pangyayari namatay ang ilaw kasunod ang isang malakas na sigaw ng babae at pagbukas muli ng ilaw .

Nagulat ang lahat ng may isang duguang babae na ang gumugulong sa hagdanan na may red carpet pa mandin at ng bumagsak ito ay nasa harapan na nila , puno ito ng dugo at sigurado syang wala ng buhay .

Nanlaki ang mga mata nya .

Nakadama sya ng kakaibang pakiramdam , 

" Sebastian .. " hindi nya napigilang usal , nagkakagulo na ang lahat at lumayo sa bangkay pero hindi nya magawang ihakbang palayo ang mga paa . Kahit gaano nya sabihin na matibay sya kapag may ganitong pangyayari ay bumabalik sa ala-ala nya ang malagim na insidente sa pamilya nya .

Si Alfred ay agad tumakbo para palayuin ang mga bisita  , ng maalala nito si Charlotte na hindi pala bumabago ng pwesto pero bago pa sya makalapit ay naroon na sa harapan ni Charlotte si Sebastian at nakaharang sa bangkay at duguang babae.

" Patawad My lady " wika ni Sebastian dito .

Kung ganoon ang babaeng to ang nakatakdang mamatay na sinasabi ni Grell .

" Umalis na tayo " nanghihinang napakapit si Charlotte sa damit ni Sebastian .

" Hindi ba natin aalamin ang nangyari ? " 

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now