Chapter 14 * Strangers

8.7K 205 29
                                    

                       

                           

                               CHAPTER 14         

                                " Strangers "

Habang minimisahan ang labi ni Alice nasa labas lang ng simbahan si Sebastian habang minamasdan si Angela na papalabas ng simbahan mugto ang mga mata nito ngunit agad ding umiba ng direksyon ng makita ang isang silver na sasakyan na papasok ngayon sa loob .

Pareho silang nakatingin sa iluluwa ng sasakyan na iyon , unang lumabas ang nasa Driver seat , hindi ito nakatingin kaya likuran lang ang nakita nila , binukas nito ang pintuan ng backseat kung saan lumabas unang una ang binti ng babae base narin sa stilleto nito na kulay itim .

Paglabas nito ng tuluyan nakaalalay dito ang butler nito , hindi rin kita ang mukha ng babae dahil sa sumbrero nito na may kulay itim na feather , maging ang suot nito ay itim na itim na cocktail dress , ang labi lang nito ang makikita na pulang-pula .

Nang humarap ang butler nito na nakakulay puting-puti naman naglalaro ang isang ngiti sa labi nito ng mapatingin kay Angela na saglit na nagulat , naglakad na ito patungo sa loob ng simbahan ng tumigil ito at binulungan ang babaeng kasama nito na nagtuluy-tuloy sa loob at naiwan ito sa labas ng simbahan , sa harapan nito naroon ang nakatungong si Angela kasabay ng paglingon nito kay Sebastian .

Nginitian din ito ni Sebastian ng makahulugan , anong ginagawa nito sa ganitong lugar ? anong dahilan at Butler ito ng isang estrangherang babae ? 

Sa loob naman ay naroon si Charlotte habang tinitignan ang labi ni Alice na napapalibutan ng mga rosas , hindi sila nagkaroon ng maayos na pag-uusap nito , mas mahirap pala ang pakiramdam ng hindi ka makaiyak , walang luhang bumabagsak sa mga mata mo , masyadong mabigat dalin sa loob . Tapos na ang misa sa labi nito at naroon na ang bawat isa para titigan ang huling sulyap kay Alice, maraming nakaitim doon at isa na siya ngunit may tila hindi siya nakikilala sa paparating , isa itong babae na itim na itim ang suot , natatakpan ang mukha nito ng sumbrero at papalapit sa labi ni Alice , habang si Charlotte nanatili lang nakaupo at nakatingin sa babae n dahan-dahang tinanggal ang sumbrero , ayos na ayos ang buhok nito at taglay nito ang maganda at maamong mukha na kung pagmamasdang mabuti ay mukha itong anghel ngunit nakaitim ito na lalong naglantad ng napakakinis at puting kulay .

____________

"Sigurado ka ba na hindi mo na titignan ang pagbaba kay Lady Alice ? " si Sebastian kay Charlotte habang nakatayo sila sa harapan ng sasakyan nila .

"Hindi na , may pag-asa bang mabuhay si Alice ? " si Charlotte na mas lalong binalot ng lungkot ang puso dahil bumabalik sa ala-ala ang kabataan nilang tatlo ni Alice at Alfred .

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum