Chapter 30:CielxSebastianxservants

7.7K 209 56
                                    

                            Chapter 30

                CielxSebastianxservants

Binalikan ni Sebastian si Charlotte matapos ang isang taon at pagdaan sa tatlong kontrata, ngunit sa pagbabalik nya nakasarado na ang tarangkahan ng Mansion na nagpapakita lang na wala ng nakatira doon.

Sa pagtungo nya doon may nakapagsabi sakanyang matagal ng walang naninirahan doon ilang buwan na rin, isa pang labis na gumimbal sakanya ang nabatid na namatay na si Charlotte dahil sa isang aksidente, naituro nito ang lugar ng kinalilibingan nito ang musuleo ng Pamilya Earl at doon nga natagpuan nya ang pangalan nito ang buwan ng kapanganakan at kamatayan, may nakalagay na mga kandila sa tatlong lalagyan ng abo na na nakikita dahil sa salamin lang ang nakaharang doon.

"Young Lady " si Sebastian na hinawakan ang nakaharang na salamin sa abong nasa mamahaling lagayan, lumarawan ang sakit at pait sa mga mata ni Sebastian.

"Nandito kang muli " isang boses ng babae ang nagpalingon kay Sebastian , nakangiti ito.

"Kaano-ano mo si Miss Charlotte? " wika nito na naglagay ng pumpon ng rosas sa ibaba ng mga puntod.

"Hindi kita pipiliting sumagot , napadaan lang ako malapit dito kaya naman nagdala na ako ng mga rosas para sakanila aalis din ako agad " wika pa ng babae hindi sumasagot si Sebastian kaya naman tumungo na ito para umalis.

" Sandali, kakilala mo ba si Charlotte? " si Sebastian na nakapagpatigil sa paglalakad ni Hannah , agad naman nitong nilingon si Sebastian.

"Hindi , ngunit si Young Master madalas nyang dinadalaw ang mga puntod magpinsan sila ni Miss Charlotte , maiwan na kita kailangan ko pang sunduin si miss Elizabeth " wika nito ng nakangiti.

**

" Ciel , natagpuan ko ito sa mga gamit mong dala-dala mukhang diary " si Olympia kay Ciel na nakahiga at tila pagod na pagod sa pag estima kanina kay Elizabeth, naupo naman ito at inabot ang diary.

Bubuklatin nya sana ngunit hindi na nya tinuloy dahil alam nya ang nilalaman non isang taon man ang lumipas alam nyang hindi pa siya handang alalahanin si Sebastian , tinapon na nya ang pagiging babae nya at ibang-iba na sya sa pagpatay nya sa sarili nangangahulugan lang iyon na tapos na ang laat-lahat na may kinalaman sa nakaraan nya.

"Sige maiwan na kita, magpahinga kana bukas ay darating ang personal maid mo at katulad ng sinabi mo babae hindi lalaki " ngiti nito sakanya, mahirap na pag nakakakita siya ng lalaking butler naalala nya si Sebastian.

Tinapon nya sa basurahan ang diary , ibinalot pa nya sa plastic para walang mag interes naligo na siya pagkatapos madalas niyang tinitignan ang sarili sa salamin ibang-iba na sya wala ng makapagsasabi na sya at si Charlotte ay iisa,tapos narin ang paghahanap nya ng hustisya ang ginagawa nya nalang ngayon ay nag aaral apra sa muling pag-angat ng nasirang negosyo ng pamilya nya, ito na lamang ang meron sya sa mga naiwan nito kaya naman kailangan niyang alagaan ang mga iyon.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن