Chapter 33:Bitter

7K 211 40
                                    

I'll Dedicate this to you thanks for reading my stories ^_____^ ....

                           Chapter 33

                             BITTER

"Sebastian! ayusin mo to ! "

"Sebastian, ibalik mo nalang sa dating ayos!"

"Magluto ka Sebastian! "

"Linisin mong mabuti ang bodega, gagawin ko siyang isang kwarto ko! "

"Sebastian ! "

Walang tigil kakautos si Ciel kay Sebastian kaya naman ang Auntie at Uncle niya ay nakanganga nalang sa kakautos niya.

"Kami na ang napapagod kakautos mo kay Sebastian, tao yan hindi robot napapagod yan baka magkasakit pa yan " si Oympia kay Ciel na nakahalukipkip sa baba ng hagdan habang pinagmamadali si Sebastian na ibalik sa dati ang ayos ng mga malalaking Painting na kakapalit lang niya ng pwesto.

"Kung napapagod nga lang siya, kaso hindi ! nakakainis lang " si Ciel sa isipan,

"Itigil mo na yan Sebastian , hayaan mo ng iba naman ang gumawa nyan " ang Uncle niya na ikinais ni Ciel pero hindi siya sumingit.

"Magandang lalaki talaga si Sebastian , sapalagay ko bagay na bagay sila ni Angelica " si Olympia na minamasdan ang pababang si Sebastian.

"Sino naman ang may sabi sainyong bagay sila Auntie?! " si Ciel na napalakas ang pagkakabitiw ng salita.Makahulugan na nagkatitigan ang mag-asawa.

"Tila siya may pagtingin kay Sebastian na hindi maamin " ang nakangiting Uncle nya.

"Para siyang nobya na nagseselos " si Olympia sa asawa na hinawakan nito sa braso at iginiya palabas ng Mansion ang Uncle niya na may baston pang dala-dala,kitang-kita ni Ciel ng tila nagtatawanan ito kaya naiinis siya.Paano babagay si Angelica dito, Demonyo si Sebastian samantalang si Angelica ay mukhang isang Anghel.

"Young Master?Gusto mo bang ituloy ko na ? " si Sebastian na nagsalita malapit sa tenga niya kaya naman agad siyang humakbang palayo dito, namula ang pisngi niya naramdaman niya kasi ang init ng paghinga nito sa tenga niya kaya naman nagdala iyon ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan niya.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now