Chapter 18 / " Emblem "

9K 213 37
                                    

                                        Chapter 18

                                       " Emblem " 

Nahulog si Charlotte sa malalim na pag-iisip kaya kahit dumating kinabukasan ang bisita nila na si Olympia Marineth ang matalik na kaybigan ng kanyang ina tila wala siyang kabuhay buhay ng pakiharapan ito . Nasa likuran nito ang Butler nito na parang robot na hindi nagsasalita na isang american .

Papalapit ang taga silbing si Jariz at Mariz na tila na naman nahihilo pagbibitbit ng mga ihahain sa hapag kaya napapataas na naman ang kilay ni Sebastian .

"Mag-ingat ka Mari ! patay tayo kay Sebastian ! " si Jariz na dahan-dahang naglalakad .

"dahan-dahan na nga ko Jari ! ikaw ang bagal mo! " wika nito sa kakambal .

"Charlotte , namangha ako sa mansion parang walang pagkakaiba , ganitong ganito padin tulad ng dati  " si Olympia na iginala ang paningin sa likuran ng kinauupuan ni Charlotte ang isang malaking painting ng Emblem ng pamilya .

Nang lingunin ni Charlotte si Sebastian nakahawak ito sa dalawang pisngi at inginingiti ang bibig , sinasabing ngumiti siya kaya naman pilit siyang ngumiti dahil pilit mukha siyang nangiwi .

"Charlotte may masakit ba sayo ? " --Olympia .

"Wa-wala ho , " ngumiti na siya diot tulad ng sinabi ni Sebastian pero sa tagal ng dalawa na maglakad nagdikit ang kilay niya.Hindi na dumating ang pagkain nila .

"Malapit na Jari " si Mariz sa kapatid na nasa likuran .

"Dalian mo na Mari madilim na ang mukha ni Sebastian ! " si Jariz na nagmamadali , balak na nitong unahan ang kapatid pero natapilok ito kaya naitulak din si Jariz ang ending tumapon sa ere ang bitbit ni Jariz na glass pitcher at dalawang baso , samantala ganoon din ang bitbit ni Mariz na circular chocolate cake .

Lahat nahinto sa pagkagulat at tinignan kung saan posibleng babagsak ang mga humagis sa ere na kagamitan at pagkain .

Ngunit mabilis ang pagkilos ni Sebastian nakuha nito una ang lagayan ng cake at sinunod nito ang cake na muntik ng bumagsak sa ulo ng bisita na si Olympia at ibinaba iyon agad sa mesa , sunod naman ang pagkuha nito ng lagayan na naihagis din ng isa sa kambal at sunod sunod na bumagsak doon ang pitcher at dalawang baso ang papabagsak na dalawang magkapatid ay agad din nitong naalalayan . Napanganga ang lahat .

Si Charlotte na napanganga din ay agad nakabawi at napailing nalang .

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon