Chapter 36:My Devil Princess

6.9K 207 56
                                    

***Dedicated sayo! yieee salamat sa pagbabasa ng mga stories ko thankyouuuuu somuch ;)))) ***

                                                Chapter 36

                                       MY DEVIL PRINCESS

Maayos na si Charlotte ng dumating ang umaga,  inasikaso nya ang honeymoon trip ng Uncle at Auntie nya na regalo nya pero kasama na doon ang kagustuhan nyang paasamantalang ilayo ang mga ito.Sa loob lang ng dalawang araw lumipad ang mga ito.

Nakatayo si Ciel mag isa sa kalagitnaan ng mahabang kalsada na parte parin ng mga Marineth ng may nagtapat ng baril sa sintido nya na isang taong naka itim na itim.May kasama pa itong tatlo , lulan ang mga ito ng isang sports car na nakahimpil.

Hindi siya pumalag ng hilahin siya ng mga ito patungo sa sasakyan, bago siya tuluyang makapasok sa loob sinenyasan na nya si Sebastian na nasa di kalayuan na tumango naman.

"Hindi na tayo nahirapan ngayon, madali lang pala tong kunin " wika ng lalaking kalapit nya sa backseat, naiinis siya at masyadong malapit ang mukha nito pagsasalita sakanya.Gusto nya tong tadyakan sa asar.Isipin pa na tatlo ang mga ito at armado parang tanga na tinalian pa ang mga braso nya.Tignan naman nito ang mga katawan at mukhang mga bouncer makakatakas pa ba yung tulad nya?

"Hindi naman to nagsasalita parang walang pakialam sa nangyayari sakanya " wika ng isa na kalapit ng nakatalikod na babaeng nagdadrive na kilala na nya kung sino.

Nginisian nya lang to.

"Nakakapagtaka na wala ka man lang kasama " si Jari na nakapokus sa daan, maawtoridad ang boses nito kesa noong naninilbihan pa ito sakanya na para itong laging tulig.

"Marami talagang nakakapagtakang bagay " nakipagtitigan siya dito sa salamin, nauna itong mag iwas ng tingin sakanya

"Tapang , wala namang laban " tawa ng lalaking kalapit nya, idinikit nya ang pisngi sa balikat para punasan ang laway na tumalsik sa pisngi nya, nakakadiri.

"Wag kang tumawa, para ka lang tanga " si Ciel na nakapagpagalit sa kalapit nito kaya agad siya nitong kinwelyuhan.

"Oy, Bata pa yan " yung kalapit ni Jari, Binitiwan naman siya ng lalaki.

"Ang sama tumingin e! tignan mo nga parang di tao makatingin to " wika ulit ng kalapit nya.

"Baka Demonyo '' si Ciel na ngumisi , balak na naman siyang galawin ng kalapit nya ng magsalita si Jari " Tama na, wag nyo na syang hawakan " 

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now